Chapter 11: Jacuzzi

4 0 0
                                    

Nag-kitesurfing sila Leo, Dave at Lucas. Nags-norkelling kami nila Greg, Yuri and Irine. Meryenda tapos balik sa beach hanggang sa masulit namin yung araw na ito.


Kinagabihan,

Sinamahan ni Greg si Leo na bumili ng Fresh Buko Juice and Salad sa isang bar doon malapit sa beach. Almost 7:00 p.m na at sa sobrang busog ko I don't think magdidinner pa ako.

"Megan, ang ganda ng Jacuzzi dito noh? grabe narelax ako kasi medyo warm yung water."

"Hindi ko pa sinubukan doon eh. Sige try ko ngayon." sabi ko at dumiretso na sa Jacuzzi.

**Jacuzzi**

Woww.. it feels so good sa feet para kang minamassage. Pumikit ako ng mga 2 minutes. Pagkamulat ng mata ko katabi ko na si Lucas na nakatitig sa akin kaya nagulat ako.

"K-kanina ka pa ba diyan?" tanong ko

"Ahhh.... Oo? Kanina pa kita hinihintay dito"

"Hmm ... Okay"

"Nakakarelax dito. Parang ayoko na umuwi"

"Kaya nga e"

Lumapit pa lalo siya sa akin.

"Megan..remember the night nung nalasing ka sa bahay nila Leo. Naaalala mo pa ba yun?"

"Ahm.. oo? Kinwento na ni Greg sa akin ang lahat. Bakit?"

"May sinabi ako sayo bago ka ma-knock down eh"

"Ah talaga? Ano naman yun?"

***FLASHBACK***

-----LUCAS POV-----

"Here" inabot ko kay Megan ang baso para magshot ulit siya. Inaamin ko na sinasadya ko talagang lasingin siya it's because gusto ko pa siya makasama ng matagal. Namiss ko talaga siya.

Nandito lang kami ni Megan sa terrace. Kwento lang siya ng kwento about sa life niya especially sa magulang niya. Hinayaan ko lang siya.

"You know what? Ang sweeeerrrtteee niyo kasi lagi lang n-nasa tabiii niyo yy--yung par--parents niiyoo" sabi ko niya at ngumiti siya sa akin.

"Megan, nandito naman ako. This is weird pero may gusto akong sabihin sayo.."

Nagshot ulit siya.

"Come on! Tell me! Yeeeaahh" she said. Lasing na siya.

"Megan, I know this will sound crazy pero I think mahal pa din kita. Nagsisisi ako na pinili ko pa si Ericka kaysa sayo. Napakalaki kong tanga. Gusto kong ayusin ang lahat----" naudlot ang pagsasalita ko dahil nakatulog na siya sa sobrang kalasingan.

Narinig niya kaya ang sinabi ko? Sana naman oo.

*Phone Ringtone*

Kinuha ko yung phone niya mula sa kamay niya.




Calling...
*Greg♡*






Hmmm.....sino si Greg?







I rejected the call.




Calling...
*Greg♡*

Aba ang kulit ah.

I rejected the call again.

Binuhat ko si Megan at dinala sa isang kwarto habang busy na nakikipagkwentuhan sila Dave sa swimming pool.

Pagkalapag ko sa kanya sa kama..tinanggalan ko ang sapatos niya at kinumutan ko siya. I turn off her cellphone.

Hay Ms. Megan Guevarra.. hindi ko malaman ang dahilan kung bakit hanggang ngayon mahal pa din kita. Natakot akong umamin kanina sa laro dahil baka iwasan mo ulit ako kaya hindi ko nalang sinagot. Mas pinili ko ng magtapat sayo ng tayong dalawa lang.

Humiga din ako sa tabi niya. Tinitigan ko siya. SH*T! Bakit ba kakaiba yung ganda niya? Simple. Hindi ko maiwasang mapatingin sa labi niya. I was his first kiss but she wasn't my first love. Mahabang kwento pero yun ang totoo.

"Bakit ba lagi ka nalang tama Megan?Tama ka, niloko niya ako. Pinaniwalaan ko siya kaysa sayo. Alam ko concern ka sakin pero sinayang ko yung care na ipinaramdam mo kasi naging bulag ako kay Ericka. Dahil sayo natutunan kong mahalin ang sarili ko. Salamat Megan" hinawakan ko yung chin niya. Hahalikan ko na sana siya ng biglang...

*Bogsh!!**

*Bogggsshhh!!!**

"What the h*ll!! Sino to?!!" sigaw ko sabay hawak ko sa mukha ko na sinuntok ng kumag na pumasok sa kwarto. Nilapitan niya si Megan. "Tang*** mong k*pal ka! DON'T YOU EVER TOUCH MY GIRLFRIEND AGAIN KUNG AYAW MONG MAGPATAYAN TAYO DITO!" sigaw niya.

Hindi ako makasagot sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya. Pasalamat siya nakainom ako ng kaunti kung hindi yari sakin yan! Bigla niyang binuhat si Megan palabas ng kwarto. Lumapit sa akin sina Leo. "Oh pre" tinulangan nila ako makatayo. "Okay lang ako pre. Sino ba yung g*go na lalaking yun? S*ra ulo bigla ba naman akong binanatan. Hindi ko nga kilala yun e!"sabi ko.

---HAPPY READING☺

If you enjoyed reading this part of the story 'please vote' and hit the button 'follow' to get more updates! Thanks😊

"LOVE THAT LASTS"Where stories live. Discover now