Chapter 30
BIANCA’S POV
Nandito na kami sa airport, inaantay namin ‘yung iba. Nauna kasi kami nakarating dito sa Japan, e diba kailangan magkita-kita kami dito?
Wala pa nga sila e, ni isang text wala pa kaya for sure hindi pa sila nakakapaglanding kasi kapag nakapaglanding na sila sigurado naman na marami akong matatanggap na gm galing sa’kanila e. Hahaha!
“traffic siguro kaya hindi agad sila nakarating! Haha.” Biro ni Vince. Lahat kami ay -____-
“ang corny mo talaga kahit kalian Vince.” –Kiel.
“parang ikaw hindi ah! :P” –Vince.
Hindi ko na sila pinakinggan. Bukod kasi sa walang kwenta ‘yung pag-aaway nila ‘kung sino mas corny. E sa inaantok na rin ako. Papikit-pikit na ako ng mata sa sobrang antok e.
Nakatulog kami sa plane kaso saglit lang. Nagkasiyahan dun e. Mukha ngang nagparty kami dun e. haha. Kaya eto inaantok ako. Hay.
“sleepy?” napatunghay ako. Nakita ko si Earl na nasa harapan ko na pala.
Tumango nalang ako bilang sagot sa’kanyang tanong. Inaantok naman talaga ako e.
Umupo siya sa tabi ‘ko at nilagay ‘yung ulo ‘ko sa balikat niya. “matulog ka muna.” Sabi ni Earl sa’kin.
“ayoko nga baka mamaya maiwan pa ako dito sa airport e. haha.”
“ayieee naman ‘tong magkuya na ‘to!! Hahahaha!” –Kiel. Binato naman siya ng French fries-kinakain nila Marie.
“uy ‘yung pagkain! Kayo talaga e.” pagsaway ni Mary sa’kanila. Pinulot naman ‘yung fries ni Rics at binigay kay Mary kaya napamura si Mary.
“sabi mo kasi e.” –Rics. Natawa naman ako sa inasta nila. Kung tutuusin para kaming magtropa lang e. baka nga, ganon na kami. Haha.
Pero may napansin lang ako. Kasi kanina pang may katext si Vince sa phone niya. Minsan nga hindi na niya napapansin si Ann e. Kaya kanina ‘ko din napapansin na parang ang tahimik ni Ann. May problema ba sila? LQ?
“may problema ba sila?” sabi ‘ko sabay turo sa’kanilang dalawa. Tanong ‘ko kay Earl ah.
“ewan ko nga e. pansin mo din? Tapos nangingiti pa si Vince. Diba magMU na sila?” tanong ni earl. Tumango naman ako.
Tatanungin ko na sana si Vince kaya lang nakita ‘ko na ang mga kaklase namin. Kaya agad kami tumayo at inayos na ang mga maleta namin.
“ang tagal niyo naman!” sabi ni Mary sa mga kaklase namin. Naghiwa-hiwalay muna kami—kila earl. Sumama kami syempre sa mga kaklase namin.
“nadelay e. haha. Buti nga kayo nakaprivate plane pa e.” sabi ni Justine—isa sa mga kaklase ‘ko.
“yaman niyo e. haha.” Natawa nalang kami ni Marianne sa sinabi niya—isa ding kaklase ‘ko.
Kung alam lang nila ang totoo baka mawala na ang “niyo” sa sinabi niya e. -___-
****
Hotel.
Nandito na kami sa hotel namin. Nagpareserve kasi kami ng room dito. Saka ‘tong hotel na ‘to, nalaman ‘ko na pamilya Delos Reyes din ang may pinakamalaking shares dito that’s why may discount din kami.
Sobrang yaman nga talaga ng Delos Reyes.
Humiga na ako sa kama ‘ko. Napakalambot. Sarap matulog.
BINABASA MO ANG
My Secret Brother
HumorThere's a girl named Bianca Delos Reyes, isang biro lamang nasabi niya pero pinanindigan ng sa buong campus. Ang birong ito ay "kuya ko kasi siya. :3" Pero isang araw, dumating sa punto na nakarating sa lalaking iyon. Anong gagawin ni Bianca? Panin...