Take a deep breath
1
2
3
"Hoy! Ayan ka nanaman. Nasa loner mode ka nanaman." si Ivan, bestfriend ko... Bestfriend sa kalokohan.
"Problema mo ba?" sabi ko sabay itinuloy ko na ang pag-strum ng gitara ko.
"Hay naku alam mo kasi Dexter, bakit di mo pa sabihin kay Max ang feelings mo atsaka malay mo diba?" ikaw kaya.
"Tanga ka ba? Alam mo namang ubod ako ng torpe pagdating sakanya diba." yea. Tama yun. Ever since nung bata pa lang kami, maybe elementary years? Basta! Tinamaan na ako sa kanya. And sa paglipas ng panahon, yung simpling crush dati, love na ngayon.
"Hay naku Dexter bakit kasi ng nagpaulan si Lord ng confidence eh hindi ka pa nailuluwal ng nanay mo." weh? Spell CONFIDENCE nga.
Hindi na lang ako sumagot. Eh may magagawa ba ako eh mas magaling pa sumagot yan eh. Kahit coconut yang utak nyan, pagdating naman sa mga kaibigan niya daig pa ang validectorian.
Ini-strum ko na lang ulit yung gitara ko.
"Buti pa sa lotto may pag-asang manalo di tulad sa'yo..."
Buti pa ang pera minsan madaling makuha. Pero siya?
"IMPOSSIBLE~"
