Georgia is gorgeous, alright. But she's also weird.
I still couldn't forget about what happened doon sa naging double date namin. Shocks! Hindi ko alam pero parang may something talaga sa kanya. Paano ba naman kase, all throughout the date ay lagi ko siyang nahuhuling nakatingin kay Paco. No, hindi naman mukhang may crush siya kay my loves pero kase... may iba talaga sa mga tingin niya.
Well, the meet up went well pa rin naman. After niya akong tanungin ng tanong na 'yon, tiningnan niya ako samantalang ako naman ay biglang naguluhan.
"Annika... what have you done to him?"
Hindi ko maintindihan kung ano'ng gusto niyang iparating. I asked her kung ano'ng ibig niyang sabihin pero mukhang nakahalata si Kuya na ang tagal na naming nakatayo kaya tinawag na niya kami. Saka pa lang niya inalis ang tingin sa amin ni Paco.
After that, parang bigla na lang siyang bumalik do'n sa friendly niyang aura. She began asking me about different things tapos sinabi niya rin sa akin na madalas nga raw akong ikuwento sa kanya ni Kuya. Tapos ayon, naikuwento na rin nila kung paano nagsimula 'yong love story nila.
Though, 'yon nga lang, as much as interested ako sa mga kuwento nila, I still couldn't help but notice that something's really weird with her. Para bang she's restraining herself from something... or she's just trying to act calm and cool but the truth was, she's worrying about something... or someone?
Kami naman ni Paco ay nakisabay na lang din sa kuwentuhan nila. No'ng pinakilala ko si Paco kay Kuya... actually hindi ko talaga alam kung paano ko siya ipapakilala nang maayos. I mean, he's not my boyfriend yet, pero alam ko namang konti na lang at malapit na ring maging gano'n. Buti na lang at to the rescue si my loves no'ng nang-interrogate na si Kuya.
"I think she's a beautiful woman."
"I like your sister."
Hindi ko talaga mapigilang mag-hyperventilate no'ng sinabi ni Paco 'yung mga salitang 'yon kay Kuya. Pigil-pigil lang akong magsisigaw pero alam kong pansin naman ni Kuya na gusto-gustong ko nang magwala. Pasimple pa nga niya akong tinatawanan, eh.
Tapos ayon, after sabihin 'yon ni Paco ay mukhang nagkasundo na sila ni Kuya. Si Ate Georgia naman napansin ko ulit na parang biglang natahimik tapos nahuli ko ulit 'yung pasimple niyang sulyap kay my loves.
Ewan. Hindi ko talaga gets kung ano'ng problema niya.
Anyway, weeks ago na simula no'ng nangyari 'yung date na 'yon. It's already two days after new year at ilang araw na lang at balik university na naman kami. Nandito na ulit ako sa kuwarto ko at nagkukulong. Wala si Kuya dahil may pinuntahan.
Kahit papaano ay nakapag-celebrate naman kami ng Christmas at New Year na hindi nag-iiyakan. Or, at least, I tried not to. Kahit pa nga... walang araw na hindi ko naaalala si Dad. Kahit pa nga miss na miss ko na siya... sinubukan ko na maging maayos ang pakikitungo sa kanila. Iyon ang gusto ni Kuya, eh. Hiniling niya 'yon sa akin kaya hindi ko kayang hindi siya pagbigyan.
Napabuntung-hininga ako habang nakatitig sa cellphone ko. Kapag ganitong bored ako at walang magawa, nagme-message lang ako kay my loves para samahan niya akong gumala. Kapag naaalala ko 'yung mga getaways namin ay napapangiti na lang ako. We've really became
close ngayong vacation. Sobrang nasusulit ko 'yung epekto ng charm. Sa totoo nga, eh, hindi ko na alam kung nasa anong stage na ba. Basta... ang alam ko lang, sobrang nag-e-enjoy na ako sa mga nangyayari. I could feel it. Malapit na malapit ko nang magamit ang optimum effect ng gayuma. By that time, siguradong akin na lang si Paco.
BINABASA MO ANG
She Who Charmed The Prince (COMPLETED)
FantasyParker Cornejo is AZ Villareal's ultimate crush. But unfortunately, kahit ano atang gawin niyang pagpapa-cute dito ay immune ito sa charms niya. And heck, nakakairita 'yon para sa katulad niyang maganda. That is why, wala siyang planong sumuko. 'Nev...