Ako si Shaneah isang napaka malas na babae sa pag ibig. Madaming nadaanan na mga sakit at pighati. "Love does matters? For me love doesn't matters for us. Why? Love can kill us without knowing it" we should aware.
"Anak gumising kana maaga pa pasok mo ngayon, nakalimutan mo bang 1st day of school mo ngayon. Baka ma late kananaman, gumising kana. Sa susunod kasi huwag kanang magpuyat pag may pasok ka." Rap ng nanay ko pag late na ako gumising.
"Ma naman eh, 10 minutes na lang gigising na talaga ako" buwesit kasing Hwarang na yan di ko kayang hindi tapusin ang buong episode.
"Sige 10 minutes, pag di ka pa bumangon diyan bubuhusan talaga kita ng malamig na malamig na tubig".
Bumaba na si mama at ako naman natulog ulit.
Pagkalipas ng limang minuto gumising na ako dahil naalala ko na may pasok pala ako ngayun at 1st day of school ko pala ito sa Heralcons. Oh my god."Anak bumaba ka na riyan at kumain kana malapit ka nang ma late hinihintay ka na ni Manong Dave dito sa baba"
"Wait lang ma, nag aayos pa ako ng mga gamit ko"
Inayos ko muna ang gamit ko bago bumaba. Nag sulat muna ako sa notes ko saka pinadikit sa bulletin board ko sa kwarto ko tsaka bumaba"Sige bilisin mo na dyan kakain na tayo"
"Opo nandyan na"
"Ma di mo ba ako sasamahan?"
"Anak naman dalaga kana di kana dapat pang samahan, sanayin mo na ang sarili mo na ikaw lang mag isa. Paano na lang kung mawala na ako, paano kana, san ka aasa sa iba? kundi sa sarili mo lamang"
"Ma naman bat nung si kuya nag 1st day sinamahan mo bat ako hindi?"
"Anak yung kuya mo noon parang bata pa mag isip"
"Ehh bata pa naman ako ma ah"
"Nako nako ang bunso ko nag papa baby pa sa mama niya"
"Ma naman eh, sige huwag mo na lang akong samahan"
"Huwag ka ng mag tampo anak, madami pa kasi akong trabaho na gagawin"
"Alam ko" kunwari nagtatampo ako sakanya pero hindi tumalab sakanya
Tinapos ko na ang aking agahan at nag paalam na.
"Ma, sige alis na ako"
"Sige mag ingat ka"
Umalis na ako at sumakay na papuntang paaralan.
Napatingin ako sa labas ng dumating na kami sa school. Ang ganda pala ng paaralan na ito. Sana maging okey din ang pag-aaral ko dito katulad sa pinanggalingan kung school."Ma'am Shaneah nandito na po tayo, di pa po ba kayo baba para pumasok?" Tanong ni manong Dave sa akin
"Pakisundo na lang po ako mamaya" bumababa na ako agad tsaka pumasok
"Sige ma'am"
"Sige salamat po Manong"
Nakakakaba pala pag transferre ka. Madaming bumabagabag sa isipan mo na kung ano-anong mangyayari sa next chapter ng buhay mo sa isang paaralan. Habang nag lalakad ako sa corridor para hanapin ang aking classroom may na hagip aking mata na kung ano kaya binalikan ko at tinignan. Napa wow ako sa nakita mukhang magkakasundo kami ng school na ito.
"Ahhmm, miss bakit kayo nandiyan?"
"Ahh wala po may nakita kasi akong pusa na pumasok kaya tinignan ko lang po." Pagdadahilan ko sakanya
"Ahh sige ho, pasok na ho kayo sa klase niyo"
Na starstruck ako sa lalaking yun ah nakakagulat mag salita. Tsaka ni isang yabag ng paa niya habang naglalaakad wala akong narinig. Nung matapos na siyang magsalita umalis na ako.
YOU ARE READING
Poisonous
RandomDi mo malalaman na ika'y umiibig na pala sa isang taong di mo naman inaakala. Isang araw malalaman mo na lang na kaya ka niyang patayin na walang gamit na ank mang nakakamatay na kagamitan.