EX-change

17 1 0
                                    

Hi First time pa lng ako gagawa ng Story~

Sorry sa mga typo **

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Hi ako nga pala si Kyle, matagal ko na itong sinulat pero ang sarap ulit-uliting basahin.

Nagsimula lahat sa isang aksidente sa school ko, habang tulirong tuliro ako sa pag aaral

dahil test namin ngayon, nakalimutan ko na Monthsary pala namin ng Lollipop ko,

magkahiwalay kaming school at kailangan pa sumaky ng 3 jeep kaya mahirap makapunta 

sa kanya. Pumasok na ako sa room ko para magtest tapos lumabas ako ng room na nagmamadali

sumakay ako kagad sa jeep para maabutan ko siya sa school niya at susurpresahin ko sya.

Nung nakababa na ako sa una kong sinakyan,nag abang ako ulet ng isa pang jeep, doon ako nagsimulang antokin dahil puno lahat ng jeep na dumadaan, pero dahil sa sobrang tagal napilitan akong sumabit na lang para hindi masayang ang oras at para maabutan ko siya.

Dumudulas na yung kamay ko nung lalong tumatagal kaya nagdasal ako kay Lord na sana may bumaba at saktong sakto ay may bumabang mga estudyante kaya lumuwag na kaya ako nakaupo. Medyo malayo pa kaya Tinext ko muna ang kaklase ng Lollipop ko na best friend ko din na si Jolo. Sinabihan ko siya na paupuin nya ang Lollipop ko sa favorite spot namin at maghintaysya doon. Sumagot nman sya at sinunod nya ang sinabi ko. At sa wakas !! nasa entrance na ako ng school nila, excited na akong makita siya yung parang first time ko lang ulet sya makikita.

Buti na lang may baon ako na origami na flowers at bumili ako kanina sa school ng chocolate.Nakita ko na siya na nakatalikod pero pumunta muna ako kay Jolo at nagpasalamat ako.Tsaka na ako pumunta kay Lollipop. habang palapit ako ng palapit lalong lumalakas ang kabog ng puso ko parang walking down the ile lang. Tinakpan ko ang mata nya at binulong ko ang magical phrase ,"I Love You." Humarap sya sakin tapos Nag I love you din siya.

At ayan na siya ipapakilala ko na siya sakanyang totoong pangalan, Siya si Julia. "Hi ako si Julia ang official girlfiend ni Kyle at 7 months na kami ngayon !! Masaya akong makilala niyo ako ^_^."

Pagtapos ko sya sunduin ay pumunta kami sa favorite Restaurant namin , syempre nag order kami ng pagkain at habang hinihintay namin yung inorder namin may binigay ako sa kanya na Necklace tapos may half na heart tapos tinanong niya kung bakit kalahati lang tapos pinakita 

ko yung kalahati na suot ko. "Hindi makukumpleto ung heart kapag wala ang isa sa atin kaya dapat lagi na tayong magkasama." Tapos nun may kinuha sya na Ternong t-shirt sa bag niya

na may nakaprint na"Happyness" nagtaka ako kung bakit ganun ung spelling tapos tinanong ko sya tapos may nakadugtong pa pala sa spelling na "HappYness"

                                                                                                           O

                                                                                                             U

Tpos may nakalagay sa likod ng shirt na There's no I without You, medyo hindi niyo maintindihan pero masaya sa pakiramdam napati siya nag effort na bumili ng regalo para sa akin kaya kwits lang kami ^^ . Tapos nun dumating na yung food namin kaya kumain muna kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EX-changeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon