"itay tama na po" pangungulit na isang batang lalaki sa kanyang amang lasingero at kinukulit nya ito ngayon kasi nakikipag-inuman na nanaman ito.
"BWISIT NA BATANG 'to ! umalis ka nga !nakikita mong umiinom ako,bulag ka ba?!"bulyaw ni joacquin sa kanyang anak.
"sige na po itay,uwi na tayo tama na yan..."pagmamakaawa ng bata sa ama.
"hindi ka ba titigil?!hali ka nga ditong bata ka!"galit na saad ni jacquin saka tumayo sabay kinaladkad ang kawawang anak.
Nagpunta sila sa bahay nilang hindi kalakihan at hindi masyado kagandahan dahil na rin siguro sa pagpapabaya ni jacquin.Ang bahay nila noon kahit ganyan lang yan matatawag itong bahay sapagkat masaya ang pamilya nila noon pero nagbago na ngayon ,ang dating masayang pamilya ngayo'y hindi na.
Pagkapasok na pagkapasok nila ng bahay kinuha agad ni joacquin ang kanyang sinturon at pinilit na padapain ang anak sa sofa saka ito pinagpapalo ng sobrang lakas,paulit-ulit at kahit iyak ng iyak ang bata at nagmamakaawa ay ayaw pa rin nitong tumigil .Pinagpapalo pa rin nito ang anak at nang magsawa na tumigil na ito.
"Siguro na man magtatanda ka na!"sani ni joacquin sa kanyang anak tapos lumabas na ng bahay upang ipagpatuloy ang naudlot na inuman.
Tumayo ang bata,paika-ika na naglakad habang pinupunasan ang mga luha na kanina pa umaagos sa kanyang mga mata at tinungo ang kwarto nya at naupo sa kama at pinagmasdan ang latay sa nya sa binti,napalo din kasi yun kanina.... tapos napaiyak ulit ,mayamaya may kinuhang teddy bear medyo madumi na ito at sirasira,lumang lumang luma na ito.Kinausap nya it.
"Teddy bear diba di bad si tatay?diba nagagawa nya lang ako saktan kapag lasing lang siya,diba mahal ako ni tatay?"saad ng bata habang pinupunasan yung luha nya habang pasinghot-singhot at nahiga na at mayamaya nakatulog na ito.
THE NEXT DAY..
lasing na lasing na naman si joacquin,ytulad ng araw-araw na gawa ng Diyos,lagi nalang itong naglalasing,lagi nalang nyanag binubugbog ang bata at kulang nalang mapatay nya ang anak.Sa bata nya binubuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman nya dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa na syang ina ng kanyang anak.Namaatay ito dahil sa panganganak .
"itay tama na po maawa kayo "pagmamakaawa ulit nung bata habang umiiyak.
"ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay si clarissa!".galit na saad ng kanyang ama.
"Pare tama na" awat naman ng kaibigan ni joacquin..........
galit na lumabas ng bahay c joacquin,kasunod nito ang kaibigan nya at naiwang mag-isang umiiyak ang anak.
Nang mga sumunod na araw.......
"itay tumigil na po kayo sa pag iinom,nagmamakaawa po ako.."pangungulit ulit nito sa ama.
"ang kulit mong bata ka!lumayo ka na kung ayaw mo masaktan ulit.."ani joacquin sabay tulak sa anak,natumba tuloy ito sa kalsada.
Saktong may paparating na man na jeep..
BEEEPPPPPPPP.............................
..............at nasagasaan ang kawawang bata.Napasigaw lahat ng taong nakakita maliban sa ama na nasa state of shock ,hindi ito nakagalaw o kahit makapagsalita man lang.
lumapit lahat ng tao sa duguang bata,samantala tarantang taranta namang bumaba ang driver at dali daling binuhat ang bata..
Dinala ito sa sasakyan upang dalhin sa hospital ngunit...
NAMATAY NA ANG BATA.. =(
hindi na ito umabot sa hospital..
SA BAHAY
Pinagmamasdan ni joacquin ang labi ng kanyang anak nang may biglang lumapit sa kanya at kinausap sya .
"ikaw ba anga ama ni lorenzo?"tanong ng babae sa kanya.
"oo ako nga,bakit?"sagot naman nya
"ako nga pala si Mrs.perez,teacher ni lorenzo ,gusto ko lang sana ibagay sayo ito"ani teacher sabay abot ng isang di-kalakihang kahon.
"ano 'to?"
"pagmamay-ari yan ni lorenzo,alam mo bang napakaswerte mo at siya ang anak mo?napakabait nyang bata at napaka matulungin sa kapwa at halos lahat ng tao kasundo nya,matalino rin sya.. sana nakita mo yun bago man lang sya nawala sana nakilala mo muna ang anak mo"
pagkasabi nun ,lumapit ang babae sa kabaong ni lorenzo at napaluha.
bumalik ulit ito kay joacquin saka tinapik yung balikat nya at umalis na.
DALAWANG ARAW MATAPOS ANG LIBING....
napagdesisyunan ni joacquin na ayusin ang mga naiwang gamit ng anak.Nakita nya yung teddy bear tapos bigla nalang syang napaluha,luha ng isang nagsisising ama.
"itinago nya pala ito,bigay ko pa 'to sa kanya nung limang taon palang siya kasu mumurahin lang ito."
Bigla nyang naalala yung box na bigay nung babae ,kinuha nya ito,pinatong nya sa table.Naupo sya saka binuksan,nakita nyang puro papel ang nasa loob binasa nya isa-isa.Binasa nya yung isa ito itong essay na ang pamagat:Ang aking idolo
Si tatay ,isang huwarang ama,mapagmahal na asawa sa aking ina.Iniidolo ko si tatay kahit hindi man sya kilalang tao sa industriya,hindi man sya maimpluwensyang tao,hindi rin mapera pero sya ay maituturing kong idolo sapagkat taglay nya ang katangian ng isang perpektong ama na kahit sino'y nanaising maging kagaya nya.Isang amang hindi alam ang salitang "magbuhat ng kamay" sa kanyang pamilya.Inspirasyon syang maituturing.
Matapos basahin ang nilalaman nun ,lalong umagos ang luha sa mga mata ni joacquin,kahit nanlalabo na ang kanyang mata sa kakaiyak ay binasa nya pa rin ang iba.
matapos mabasa lahat-lahat ..napahagulhol na talaga sya
Naalala nya lahat ng mga pananakit na ginawa nya sa kanyang anak,sobrang nagsisisi sya.. gusto nyang magbago ..pero huli na ang lahat.. =(
"Patawarin mo ako anak,mahal na mahal ka ni tatay pero huli na ang lahat......."=(
THE END..
by:mitch