Ako si Dabu, isang programmer and I have no life. I always live in solitude. Walang bagay na kapana-panabik tungkol sakin para maging dahilan na may babaeng magka-interes sakin. Wala din akong sex appeal. Marunong din naman akong sumayaw, pero isa lang ang alam kong sayawin: ang el bimbo.
Ngayon ay katulad lang din ng normal at boring na araw ko. Kakain sa Jollibee, at mapapaligiran nanaman ng mga mag-so-syota. At hindi na 'ko natutuwa sa monolouge na 'to, bakit ba puro panira sakin ang nababanggit dito. Aa tama, may advantage din pala pag mag-isa, madaling maka-hanap ng table, lalo na pag-maraming tao.
Ang haba ng pila, ok lang soundtrip muna. Hmm, wednesday nga pala ngayon, ano kayang mangyayari sa Naruto mamaya. Aww shit kailangan palang mag-OT mamaya, may hinahabol kami na deadline. Ayy ako na pala ang susunod na u-order. Tinanggal ko muna ang headset.
"Uhm, c3 with rice po, upgrade to coke float narin po, uhm yes dine-in!"
Pagka-tapos ko mag-order, may isang batang babae na humihila ng polo ko. Huh sino kaya 'tong bata na ito, tapos may tinuturo sya sa di kalayuang table. Teka parang pamilyar ang mukha ng bata nato ahh, kamukha sya nung highschool crush ko. Haiiist eto nanaman ako, nag-hahallucinate na naman ako! Tumingin ako dun sa table na tinuturo nung bata, shoot! si Marika nga! yung highchool crush ko at may unrequited love pa 'ko sa kanya!
Doon na 'ko naki-upo sa table nila, wow ansarap pala kumain ng may kasabay! Uhm di ko talaga alam kung pa'no sisimulan ang pag-uusap. Arrg kailangan ko maka-isip ng topic! agad-agad!
"Aa uhm may anak kana pala... taga-saan nga pala asawa mo?" kabado talaga ako, sana di ko sya ma-offend
"Hehe sya nga pala si Tachibana, ang baby ko... and single mom ako, hehe" sinabi ni Marika habang naka-smile, mukhang hindi ko naman sya na-offend. And yes! wala pala syang asawa! teka, dapat ko bang ika-tuwa yun?
At nagtuloy-tuloy na ang kwentuhan. Napag-usapan namin ang buhay-buhay pagkatapos ng High School. Dishwasher pala sya sa isang sikat na Resto sa may Ermita. Nagka-palitan din kami ng cellphone numbers, para kahit papano, meron pading communications. Eto na ang first move ko! Wala akong paki-alam kung may anak na sya, ang mahalaga eh, maipag-tapat ko na ang unrequited love ko.
...a week later
Pinag-isipan ko 'to ng isang linggo, at ngayon, nakapag-desisyon na 'ko! Yayain ko na sya lumabas! Yeaa! Text ba o tawag. Mas maganda siguro kung tawag, less ang probabilty na tumanggi sya. Errrm text na lang kaya, para kahit i-turn down nya 'ko, hindi masyadong masakit.
Maka-lipas ang sobrang nakaka-kabang paghihintay... tu-tooot... tu-tooot... ayun nag-reply na! yeaa! Arrg, parang ayoko nang basahin. Pero pa'no ko malalaman? Bandang huli, binasa ko din!
Yeaaa! Alam mo na siguro kung bakit ako napapa-yea? Syempre, pumayag na makipag-date sakin ang babaeng buong buhay kong pinapangarap. Teka, kelangan kong mag-reply. Huh, ano ba dapat ire-reply ko? Thanks? Cya? AwW mag-rereply nalang nahihirapan pa 'ko.
[Okies, thanks sa pag-payag, di mo lang alam kung pa'no mo 'ko napasaya sa pag-payag mo] -ito ang text ko, at sana hindi magmukhang ako lang ang makikinabang sa date namin. Tatlong araw pa hihintayin ko. Dati lumilipas lang ang araw na hindi ko namamalayan. Parang hinihintay ko nalang ang araw na sasakupin na tayo ng mga alien. Pero ngayon, kada minuto, antagal pumitik ng oras. AwWW excited na 'ko!
...3 days later (date na namin)
Bumili muna kami ng ticket ng sine, tapos kumain muna sa Greenwich. Isang oras pa naman bago ang showing ng pelikula(horror syempre). Pagkatapos naming kumain, nag-ikot-ikot muna kami sa mall pampalipas ng oras. Tapos bigla nalang nyang hinawakan ang kamay ko. Isang iglap mag-ka-holding hands na kami. Nanigas ang leeg ko. Panu ba naman, hindi ako araw-araw na may ka-holding hands na cute at smexy na babae. Malambot at makinis ang mga kamay nya, hindi halatang dishwashing ang trabaho nya. Kwentuhan uli kami. Hindi ako nauubusan, pinag-handaan ko talaga 'to eh.
...45 minutes later (movie time na yeaa)
Horror movie syempre, at personal pick nya yun! Ehem! Hindi lahat ng scene eh nakakatakot talaga, pero buong palabas sya naka-hawak sa braso ko. Shoot! kung alam ko lang na ganito, pumili sana ako nung pelikula na never-ending!
Nagsibukasan na ang ilaw. OK naman ang ending, ako lang ang hindi OK, kasi hindi na sya naka-hawak sa braso ko. Paglabas namin ng mall, anlakas ng ulan! Weird, kasi niyaya nya ako maligo sa ulan. Mas weird ako, kasi niyaya ko sya na sa apartment ko nalang muna magpa-tuyo. Waaa hindi ko inaasahan ang ganitong development. No second thought, pumayag syang sumama sa apartment, malapit lang naman eh.
Pumara na kami ng taxi. Napa-akbay ako sa kanya habang inaalalayan ko sya papasok ng taxi. Wow it never even cross my mind, even in my slightest dream na magagawa ko yun. Yes i'm a man! like a Superman!
Kakaiba ang atmosphere sa loob ng taxi. Naka-dungaw lang sya sa may bintana, basang-basa. Bakat narin yung kanya. Oops napatingin lang, hindi ko sinasadya. Buti nalang at PG-13 ang nailagay ko.
"Heeeyy Dabu, naalala mo pa yung el bimbo?" tanong ni Marika. Amf, hindi ko talaga maiwasan na pansinin yung damit nya
"Oo naman ikaw nag-turo sakin nun eh, kaso medyo nalungkot lang talaga ako kasi hindi ikaw ang naka-partner ko." tugon ko, kailangan i-maintain ko lang ang atmosphere.
"Talaga? may plaka kapa nun? Tara sayawin natin, pagdating sa apartment mo. For the last time" -Marika
"Haha wala na 'ko nung plaka, cd lang meron..." wew excited na talaga ako, makaka-sayaw ko si Marika yeaa.
"sige, sige, hehe" si Marika, kakaiba talaga ang aura nya ngayon, tapos isinandal nya pa ang ulo nya sa balikat ko. Picture perfect!
Nasa apartment na kami. Inabutan ko sya ng twalya. Pagkatapos ng konting kwentuhan, isinalang ko na ang plaka... ah este cd pala. Nag-play na ang intro, tapos may istorbong tumawag sa cellphone ko. Sinagot ko na muna, atleast save the best for the last dance.
>>Yes, Hello
<<Hello, this is from NBI. Ikaw kasi ang huling contact na nakita namin sa cellphone ni Ms. Marika Juanna. Bale nasagasaan po sya kanina dito sa isang madilim na eskinita. Dead on arrival po..
Nabitawan ko ang telepono at napa lunok-laway. Eh sino pala 'tong kasama ko ngayon? Dahan-dahan akong lumingon para i-check kung nandyan pa sya at... at...
"Dabu, tell me... am I dead?" -Marika
FIN~
BINABASA MO ANG
Ang Huling El Bimbo
Romance> "Heyy Marika, pa'no tayo mag-sasayaw... eh naka-lutang ang mga paa mo sa sahig?" -Dabu