Umuulan ngayon dito,
Diyan din ba sainyo?
Sa bawat isang patak nito,
Naaalala ko yung dating tayo.Unang patak ng ulan,
Unang patak saking unan,
Umiiyak kahit saan saan,
Paglimot sayo'y hindi alam kung papaano sisimulan.Sana'y ambon lang ito,
At hindi isang bagyo.
Pag iwan mo'y isang delubyo,
Sana pati yung sakit ay isinama mo.Kahit ilang araw,buwan,o taon man ang lumipas
Sakit,poot,at galit ko sayo'y di parin nagwawakas.
Bakit kasi kinailangan mo pang tumakas?
Tumakas sa mga posible nating tahaking landas.Yung sinabi mong 'Itaga koman sa bato',
Alam moba kung ano ang nangyari? Nabali ang pangako mo.
Sabi mo nung una ako yung buhay mo,
Eh bat ngayon humihinga kaparin at kasama yung bago?Itong tulang ito ang huling bagay na matatanggap mo galing sakin,
Itong tulang ito ay naglalaman ng nga gusto kong sabihin.
Maging masaya ka sakanyang piling,
At sana ay wag na wag mo siyang lolokohin.Importante ka sakin , alam moba yun?
Yung tipong buong atensyon ko ay sayo lang nakatuon.
Walang ginawa kundi ang mahalin ka maghapon,
Simula pagdilat ng mga mata hanggang sa pagpikit ay sayo lang ito nakatuon.Kahit na hindi mona ako mahal,
Mga pangarap mo'y akin paring ipagdadasal.
Ipapanalanging buhay mo'y mas lalo pang magtagal,
Upang mapasaya mo yung taong nakatakdang talaga sayong ikasal.Ayoko kong maging makasarili,
Kaya eto ako ngayon , nakangiti sayong tabi.
Naghihintay na sabay kayo nung taong papalapit sayong magsasabi ..
Magsabi ng 'Oo' sa harap ng Diyos at mangangakong mamahalin ang isa't isa araw at gabi.
BINABASA MO ANG
Tears Into Words
RandomRandom Poems Mga hugot sa buhay ni author Basta ganun na yun!