Noong bata palang ako ay marami na ako pangarap,
Maging isang chef,nurse, teacher o kung ano-ano pang maaaring maging trabaho ko sa hinaharap.
Gusto kong maging ganto , gusto kong maging ganyan,
At alam kong pamilya ko ang mga taong palagi akong sasamahan.Nagsimula na akong lumaki,
At mga pangarap ko ay mas lalo nang dumadami.
Hindi naman nagrereklamo ang pamilya ko, wala naman silang sinasabi,
Makakamit ko daw ang lahat ng iyon basta't mag-aaral ako ng mabuti.Simula noon ay mas nag igi ako sa pag-aaral,
Bawat pag-aaral ay sinasamahan kopa ng dasal,
Dasal na ang palaging laman ay sana makamit ko ang mga pangarap ko balang araw,
Pangarap na dapat makamtan ko pero dapat mero parin akong asal.Hanggang sa dumating na yung puntong ako'y unti unti nang tumatanda at lumalaki,
Lumaki akong nakakaligtaan na ang pagdadasal araw at gabi.
Masyado ata akong nakampante,
At nakalimutan konang ang Diyos lang ang palaging nakaalalay saking tabi.Nagdaan pa ang mga taon,
Sa patibong ng kasamaan ako'y mas lalo pang napabaon.
Nakagawa na ng mga kasalanang mas malalim pa sa mga pinagsama samang balon,
At hinding hindi na pwedeng patawarin kung nagkataon.Naisip na hindi siya totoo,
Hindi ko na din minsan ginagalang ang pamilya ko,
Nagsisinungaling at nanloloko ako,
Napag isipan konarin ng masama ang kapwa ko.Naging mapang husga ako,
At wala nang ibang nagawang tama sa mundo,
Minsan nga naikumpara ko ang sarili ko sa isang taong nakakulong sa presinto,
Napagtanto kong kesa sakin ay mas matitino pa silang tao.Sila ay nadun para pagsisihan ang kanilang mga kasalanan,
Ako walang hirap na pinagdadaanan pero ni hindi manlang naisip na kasalana'y pagsisihan.
Mga mabubuting gawain? Wala ka saking maaasahan diyan.
Sa ugali kong to? Ang Diyos parin ang tanging nasa tabi ko at ako ay ginagabayan.Oh ,Diyos ko,
Isinulat kopo itong tulang ito,
Upang humingi ng tawad sainyo.
Sana po ay mapatawad ninyo ako,
Kahit na sobra sobra na ang mga naging kasalanan ko.At para patunayan kopo sainyong nagsisisi na ako,
Ilalayo kona po ang sarili ko sa mga tukso,
Pipilitin nang sa iba ay wag maging tuso,
At matututo nang magpatawad sa ibang tao.Hindi konarin po pagiisipan ng masama ang mga magulang ko,
Pipilitin konarin pong pahabain ang pasensya ko.
Aalagaan ko na ang pamilya ko,
At iingatan sila dahil sila ay regalo galing sayo.Mamahalin konarin po ang sarili ko,
Para saganun ay mas madali para saakin ang magmahal ng ibang tao.
Susulitin konarin po ang bawat oras na buhay pa ako,
Ipapakita ko sa iba na dapat sila ay naka sentro sayo.Lord guide me in each and every steps that i make,
And give me the strength that i need.
Kahit na paunti unti palang akong nagababago,
Promise Lord , hindi kona babaliin ang pangako ko sayo...Pagsisisihan ko ang mga ginawa ko,
At ako'y magbabago,
Ibabalik ko ang tiwala at paniniwala ko sayo,
At magiging isa na sa mga tagapagsunod mo.
BINABASA MO ANG
Tears Into Words
De TodoRandom Poems Mga hugot sa buhay ni author Basta ganun na yun!