Annyeong! Check the external link if ever you want more. Thank you! :)
(c)2012
----
Papasok na naman si Pamela sa eskwelahan. Makakasalamuha niya na naman si Chase Pedregosa. Ang kaklase niya simula grade 3 hanggang ngayong 4th year highschool na sila.
Lumipat kasi sya ng paaralan dahil nailipat yung trabaho ng papa nya sa lugar na yun.
Hindi sila totally na magkatabi. May pagitan silang aisle. Sa may gitnang row sila. Si Pam nasa gitnang column, si Chase naman sy nasa ikaapat na column mula sa kaliwa.
Tumunog na ang alarm. Hudyat na mag-uumpisa na ang klase. Nagmadali siyang pumunta sa upuan niya. Pumasok na rin ang kanilang guro.
"Good Morning, Class!" bati ng kanilang guro.
Tumayo sila."Good Morning Ma'am" bati naman nila.
"Please be sitted. Copy this first and I will discussed later" sabi ni Mrs. Dimaandal. Ang kanilang guro sa Ingles.
Umupo sila at nagsimula nang mangopya.
"Hoy!" Alam niyang sya yung tinatawag. Nakikilala niya ang boses na yun. Galing kay Chase. Hindi niya ito pinansin. Alam niyang manghihiram na naman ito ng ballpen. As usual.
Daily routine na yata nito ang humiram sa kanya ng ballpen.
"Pst. Pst. Pst." muling tawag ntio sa kanya.
Lumingon siya dala ng sobrang pagka-irita. "Ballpen mo nga" sabi nito na may nakaka-ewan na ngiti. Sabi na nga ba niya.
Inirapan niya ito at ibinaling na ulit ang kanyang atensiyon sa pagsusulat.
"Ballpen mo na ah" sabi nito.
Bumaling sya muli rito. "Lagi ka na lang ganyan. Ilang ballpen na ba ang napahiram ko sayo, ha? Hindi ka na nagbago. Since Elementary ka pa nanghihiram sa akin" iritang sabi niya.
"Whoa! Sungit mo ngayon ah" nilapit ni Chase ang mukha nito sa kanya. "Meron kang period ngayon no?"
Namula si Pam. "Lumayo ka nga sa akin!" tinulak niya ito.Lumakas bigla ang tibok ng puso nya. Lagi na lang syang ganun kapag inaasar sya nito at nilalapit ang mukha nito sa kanya. Tsaka tama bang sabihin iyon lalake? Ang awkward sa pakiramdam.
Tumawa lang ito. Hindi na niya ulit pinansin ito. Inaamin nyang may lihim syang pagkagusto rito simula nung elementarya pa lamang sila pero hindi nya sinasabi dahil balita lagi na may nililigawan ito at ngayon nga ang alam niya ay may nililigawan ito sa kabilang section. Ang maganda at matalinong si Daphne Montero.
Nang biglang may nagbato sa kanya ng isang crumpled paper. Tumama ito sa ulo niya. Galing kay Chase! Tiningnan niya ito ng masama. Napabuntong-hininga siya. Tila nagpipigil ng galit kuno.
"Pahiram na kasi ng ballpen mo." sabi nito.
"Ugh! Bwisit ka talaga." kinapa niya ang bulsa ng kanyang bag at naglabas ng ballpen."O, ayan na!" ibinato niya ito sa kanya.
Sa noo niya ito tumama. "Aray! Ang sakit. Pwede mo namang i-abot di ba? Tsaka wala bang G-tech?"
Makokonsensya na sana sya rito dahil sa nasaktan niya ito kaso umandar na naman ang pagka-mayabang nito."Choosy mo! Nanghihiram ka lang!"
BINABASA MO ANG
The Ballpen Lovestory
Teen FictionSome high school short story. Try to read. Thank you. :))