Prologue

44.1K 537 8
                                        

PROLOGUE


Proud na proud na ngumiti si Dain habang hawak ang kapirasong papel na naglalaman ng result ng quiz nila. Na-perfect nya ang quiz nila sa Math at ayun sa teacher nila na kaka-alis lang ay sya lang ang nakakuha ng perfect score.

Grade 3 na ngayon si Dain sa isang Private School. Hindi lang matatalino ang studyante doon, mayayaman din sila. Kaya nga hindi maiwasan ni Dain na magmayabang dahil sa score na nakuha nya dahil alam nyang matatalino rin ang mga kaklase sya.

Habang naghihintay sila para sa kasunod na subject, marami sa mga ka-klase nya ang nagki-kwentuhan, naglalaro maliban sa isangg kaklase na tahimik lang na nakayuko sa tabi nya.

"KC, bakit ka malungkot?" hindi ito umimik. Hawak lang nito ang isang papel. "Ilan ba ang nakuha mo sa quiz?" sabay hablot ng papel na hawak nito. Nagulat pa si KC at hindi nito gusto na makita ni Dain ang result ng exam.

"Ibalik mo sa akin yan Dain," habol pa ni KC. Pero huli na ang lahat. Nakatayo na si Dain sa gitna nang klase habang hawak ang resulta ng quiz nya.

"Kaya pala malungkot ka eh, zero ka sa quiz." napayuko si KC sa pagkapahiya. "Ikaw pala yung sinasabi ni Miss Rivera na bagsak." nakatingin na sa kanya ang buong klase na kanina ay abala sa mga ginagawa nila.

Matalino naman si KC eh. Lagi lang talaga syang nagkakasakit, nitong nakalipas na linggo halos isang linggo syang hindi nakapasok dahil sa tindi ng ubo nya. Marami syang na-miss na lessons kaya nahirapan sya maghabol.

"Alam nyo, ito ang maganda dito eh." napatingala si KC ng naglakad si Dain papunta sa blackboard. May dala itong ballpen at sinulatan ang papel ni KC. Nagdrawing si Dain ng isang pritong itlog sa papel ni Dain, isang malungkot na itlog.

HInarap ni Dain ang obra nito sa papel ni KC na dahilan na mas nagtawanan lahat ng mga kaklase sya. "Dain tama na..." hindi nya alam kung hindi ba ito narinig ni Dain o talagang mahina lang ang pagkakasabi nito dahil puro iyak nalang sya.

Noong lumingon si KC sa paligid nya, kitang kita nya ang wagas na tawa ng mga kaklase nya. Si Dain na nasa harap parin, nakahawak pa sa tyan nya habang tumatawa. Kaya ng hindi na kaya ni KC, tumayo sya at tumakbo palabas ng classroom.


-----------------


This story is under construction! Hahaha. Pero totoo, just give me some time na ma-edit ito. Nakakahiya ag errors dito. Ayaw kong masayang ang oras nyo sa mga errors ko dito. :) God bless. -agentofsmile

He Taught Me How [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon