YTBM CHAPTER 7

373 6 2
                                    

READ BEFORE VOTE----------

Chapter 7

"Are you out of your mind, Celine? Ako ang magiging babymaker ni Mories?"

Kung hindi ko kilala si Celine iisipin ko na isa lang biro ito na pinagkatuwaan lang ng isang gag show.

Pero hindi. Seryoso si celine sa mga sinabi niya, at wala kami sa isang gag show.

"Naiintindihan mo ba ang sinabi mo ha? You want me to have Mories's child?"

Nang hindi ito kumibo at nanatili lang na nakatitig sa'kin ay binirahan ko siya ng tawa.

"Nasisiraan kana nga ng bait!" Sabi ko na lang sa kanya. Pero iba ang dating sa'kin.

"Matino ang isip ko, Yuri. And I'm serious nang sabihin kong ikaw ang gusto kong maging ina ng anak namin ni Mories."

"Pero, Celine...."

"Yuri,, try to understand. Hindi ordinaryo ang sakit ko and who knows kung magtatagal pa nga ako.

"Giving Mories a child is the last thing I want to do bago pa man ako mamatay."

"No, you're not dying Celine! Sinasabi mo lang yan para pumayag ako sa gusto mo."

"Hindi ako nagsisinungaling Yuri!"

"Please, Yuri hindi mo kailangan sumagot agad."

"P'wede mong pag-isipan ang bagay na ito. Although I hope na hindi ka matatagalan sa pagdedesisyon."

"Hindi ko na kailangan pang mag-isip Celine. Isa lang ang isasagot ko.

And that's a big no!" Sabi ko sa kanya para matapos na ang usapan.

"Yuri...."

"Ayoko, Celine! "

"Celine pouted her lips at tinitigan ako nang may pagdaramdam sng mga mata."

"I can't believe na hindi mo manlang magagawang i-consider ang sinabi ko. After all we've done for you."

"Isinusumbat mo ba sa'kin ang lahat ng naitulong mo sa'kin ha ganun na ba ngayon yon." Naiiyak kong sabi sa kanya! Ang hirap ng gusto niya.

Nakita ko sa mukha nito na parang naguilty ito bigla.

"Oh, Yuri, I'm sorry, hindi ko sinasadyang sabihin iyon . Nawawalan na ako ng pag- asa! Can't you see I'm desperate?"

"Desperate for what? For a child? To please Mories? Gusto ko na siyang sigawan. Walang dahilan para umakto ito ng ganoon.

Sa bibig na rin nito mismo nanggaling na hindi naman itinuturing na kakulangan ng asawa ang kawalan nila ng supling.

M

Kung tutuusin wala dapat problema. Pero matigas ang ulo ni Celine at sa kalagayan nito ngayon, hindi ito makikinig sa anu mang katuwiran ko.

Ipipilit at ipipilit pa rin nito ang gusto. "Well, if she really wanted a babymaker, maghanap na lang ito ng iba.

"I'm sorry too, Celine. But I won't do it. Kahit ano pa ang gawin mo." Matigas kung pagkakasabi sa kanya.

Hindi sa masama akong kaibigan, pero mali to. Ex ko si Mories bestfriend ko si Celine, mahal ko sila pariho. Pero ayuko ng ganitong set up.

"Yuri, please......." She begged. Ngunit naroon ang determinasyon sa kanyang tunig nang muli akong magsalita.

"I said No!" Celine , umuwe ka na muna para makapag pahinga ka na." Utos ko sa kanya.

Agad itong tumayo at nag lakad palabas ng pinto. Pero bago nito isinara ang pinto, nagsalita ulit ito.

"Pag-isipan mong mabuti ang lahat ng sinabi ko sa'yo. Ikaw lang ang kaibigan ko. Ikaw lang ang maiiwanan ko ng lahat." Pagkasabi nito ay sinarado na ang pinto.

Pasalampak akong naupo sa sofa. Pakiramdam ko daig ko pa ang nagtrabaho nang beinte-cuatro oras na walang pahinga.

Hindi ko maintindihan kong ano ang pumasok sa utak ni Celine at naiisip nito ang lahat ng yon.

Alam kong nasaktan ko siya. Pero hindi tamang isakripisyo ko ang sarili ko, masunod lang ang gusto niya. Hindi ba niya naisip kung ano ang magiging impact sa pagkatao ko ang hinihiling niya.

Hindi birong magtanim ng isang sanggol sa sinapupunan. At lalong hindi birong alagaan ko ito sa loob ng aking katawan sa loob ng siyam na buwan at i-give up pagkatapos na parang isa lamang itong bagay na hiniram ko. Hindi ko kayang gawin yon.

At si Mories, ano mararamdaman nito kapag nalaman nito na ako ang magdadala ng anak nito?

"Ahhh, napadaing ako ng maramdaman ko na biglang kumirot ang sintido ko. Sumusumpong tuloy ang migraine ko. Kailangan ko ata ng kape. Sabi ko sa sarili ko.

Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Habang nagtirimpla pumasok sa isip ko yong mga nangyari kanikanina lang. Hindi ako makapaniwala.

______________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yuri, The Baby Maker "Ongoing seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon