" Nak , gising na may pupuntahan pa tayo " tawag sakin ni papa , ayoko pang tumayo. Ayoko pang maligo , ayoko pang magtoothbrush in short ayoko pang kumilos ang sarap humiga
" Pa , tinatamad pa ako "
" Tumigil ka nga diyan Anne , bumangon ka na diyan dalian mo baka paluin pa kita " Hays yan nanaman yung word na palo
" Joke lang pa , eto na " napilitan akong tumayo at gawin ang mga bagay ba ayaw ko pa muna. Nagsuot ako ng pants , at longsleeve na pangitaas tsaka nagdollshoes tumingin ako sa salamin " Okay na gwapo na ako " sabay tawa at lumabas ng kwarto
" Oh , bat nakaganyan ka? " Tanong sakin ni papa
" Diba may pupuntahan tayo? "
"Wala ah , ginawa ko lang yun para tumayo kana sa higaan mo " tiningnan ko si papa tsaka ako sumimangot
" Papa naman kasi eh "
" Anong ginawa ko? Aba " hindi ko siya pinansin at nagbihis ng pangbahay tinanggal ko ang konting lipstick sa bibig ko tsaja bumaba
" hindi ka sasama? " tanong sakin ni papa , nakabihis siya ng pangporma tsaka ko siya hinampas at pinandilatan ng mata
" nakakainis ka papa ang kulit mo , bahala ka diyan di ako sasama " sabi ko sakanya lumapit siya sakin tsaka ako pinat sa ulo na parang aso " Ano ba yan pa bahala ka diyan " sabi ko sakanya tsaka ko siya inirapan at pumanik sa kwarto bumalik ako sa pagkakatulog kinatok ako ni papa pero wala lang dahil nga naiinis ako .
" Nak " narinig kong tawag ni papa sakin nagulat ako dahil sa orasan. Grabe halos anim na oras din pala akong nakatulog lagot. Umalis ako sa kama ko tsaka ko binuksan ang pinto
" Sorry pa kasi naman nakakainis ka eh "
" Pft okay lang baba ka na diyan handa na yung pagkain sa baba kakain na tayo "
" Sige pa susunod po ako " pinalitan ko shorts ko tsaka ako bumaba naamoy ko agad yung paborito ko
" Paaaaa! Nilaga ba yon?!?! " tanong ko habang ang ilong ko parang aso
" Oo nak upo kana kakain na tayo " umupo ako tsaka nagdasal pagtapos hinainan agad ako ni papa ng pagkain ko tapos kumain na ako ganon din naman siya " Nak , malapit na pasukan niyo anong gamit gusto mo ha? "
" Pa , okay pa po yung bag ko , yung shoes ko di pa naman nanganga yun eh " sabi ko sabay ngiti
" Ayaw mo ng bagong gamit? " tanong sakin ni papa
" Pa , gusto ko pero isave mo nalang yan for you , bumili ka ng gusto mo "
" Hays , sige nak " nang matapos kaming dalawa kumain naghugas ako ng plato at nilinis ang lamesahan nakita ko si papa lumabas. Sinundan ko siya tutal tapos naman na ako sa gawain ko
" Yes , pero sana wala munang makakaalam nito. Lalo na ang anak mo. Oo ako bahala sa anak ko , wag ka sanang tumupi sa usapan. Sige paalam " nang ibaba ni papa yun nakita niya akong nakasilip" Ah pa tapos na po ako "
" Sige nak pahinga na ako " sabi niya ngumiti lang ako bilang sagot nagtataka ako ano yun? Para san yun? Wala akong idea at all.
BẠN ĐANG ĐỌC
My Harsh Boyfiee
Lãng mạnStranger to stranger that's how their lovestory starts paano kung magkita uli sila? anong pwedeng mangyari?