1

116 10 1
                                    

A/N: Pambawi ko po sa inyo. Dahil dun sa hindi ko natapos na kwento (MBMB). Sana po suporthan niyo parin po ito. Enjoy reading! ^=^

**

Aleah's POV

Hellooo! Ako po si Brittany Aleah Mendoza Andrada. Tawagan niyo nalang po ako sa pangalan kong Aleah, Ally, Eya, Aleah. Ayoko yung Brittany, hindi bagay sa character ko. Yung Brittany kasi parang pang maldita. Ako kasi mabait. ^=^

Kasama ko ngayon si mama, ate at best friend ko na din si mama. Nandito kami ngayon sa school, enrolment kasi eh. 4th year college na ako. NBSB.

"Nak, nagpunta ka dito para mag-aral ha. Hindi para mag boyfriend, okay? Kailangan mag focus muna sa pag-aaral. Isang taon nalang magga-graduate kana kaya ayusin mo anak ah."

"Opo ma. Pangako po." sagot ko nang naka-ngiti.

"Sige."

---

Naglalakad ako ngayon kasama ang misteryosong best friend ko simula last year na si Bart. Bart Castro Ocampo. Si bart ay MMMP: Matalino, mayaman, mabait, pogi.

"Aray!" ang sakit eh. May bumunggo kaya sakin habang naglalakad kami. Ang sakit sa shoulder ah. Promise.

"Sorry, miss." Sabi nung guy. Cute siya. Wala akong paki.

"Ayos ka lang, ly?" pag-aalala ng best friend ko. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat at pinilit niya akong hinarap sakanya.

"Ayos lang ako, Bart." sagot ko. "Okay lang po." sagot ko dun sa guy na naka bangga sakin.

"Miss, baril ka ba?" tanong nung guy.

"Ha? Bakit po?" nagtatakang tanong ko. Ano naman yun?

"Paputok naman kahit isang beses lang." sagot nung guy sabay kindat sakin. Ano yun?

"Ha?" tanong ko ulit.

"Pre, bastos ka ah." sabi ni Bart dun sa guy. Nabigla ako nang biglang hilain ako ng bestfriend ko papunta sa likuran niya at lumapit siya dun sa guy.

"Easy pare. Nagtatanong lang naman ako kung pwede siyang putukan eh." sagot nung guy nang nakataas sa ere ang dalawang kamay niya habang tumatawa.

"Ah ganon." sagot ni Bart.

"Uyy Bart! Uyyyy!" Nagulat nalang ako nang biglang suntukin ni Bart yung guy, kaagad naman nakabawi yung guy, at napadapa si Bart.

"Bart, okay ka lang ba?" pag-aalalang tanong ko sa bestfriend ko.

"Okay lang ako." sagot niya sabay punas niya dun sa dugo sa bibig niya gamit ang kamay niya.

"Bart! Tama na. Uyyyy." pagpigil ko sakanya nang tumayo ulit siya.

"Oh ano pare? Laban pa?" mayabang na tanong nung guy.

Tinapunan lang ni Bart ng tingin yung lalaki at binalikan na ako ni Bart.

"Tangina ka pala! Bakla eh!" panlalait nung guy.

"Tara na, ly." aya sa akin ni Bart sabay akbay sakin. Tingin ko binaliwala nalang niya yung sinabi nung guy sakanya para wala hindi na lumala. Parang magkapatid lang kami. Masanay na kayo.

"Bakit ka ba nakipag away? Ayan tuloy may pasa ka." ako. Habang pinapatungan ko ng towel na may yelo yung pasa niya sa bandang bibig.

"Aray! Ang bastos ng bunganga nung lalaki na yun eh!" sagot ni Bart.

The Guy on Game [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon