The Meeting

31 1 0
                                        

Minsee’s Pov

“Maa’am kakain na daw po!” Nagulat pa sya ng kumatok ung katulong nilang si Aimee sa kwarto niya. Eksakto kasi kakatapos nya lang din maligo.

“Okay bababa na po ako yaya!” sagot niya sa katulong saka nagbihis na at nag ayos nang sarili.

Isinuot nya ang miniskirt nyang black hanggang ibabaw ng tuhod niya, hapit na hapit iyon sa katawan niya at white na sleeveless blouse na medyo hanging.

Tapos pinartner nia din ung black stiletto niya. Nag lagay sya ng konting makeup, maputi kasi siya kaya maputla syang tingnan kung walang makeup tapos nag red lipstick din sya. Ung buhok niyang mahaba at medyo kulot sa dulo inipit niya ung kalahati tapos hinayaan niyang nakalugay lang ung iba.

Ang opisina nila ay matatagpuan sa Bonifacio Global Center sa Taguig. Pag-aari nang kanyang papa ang buong building na yon. Ang kanyang papa ang isa sa sikat na Chef hindi lang dito sa pilipinas kundi maging sa ibang bansa din. Kaya nga ito ang naging idol nya pag dating sa pagluluto.

Bumaba na sya pagkatapos niyang maayos na ang kanyang sarili. Kinuha na din niya ang susi ng kotse niya at bag niya.

May meeting nga pala ako ngayon sa isang kliyente na kukuha ng catering services namin Naku! di ko pa nacheck kung sino ang kliyente namin! Sabi pa naman ng secretary ko bigtime daw ito at kilalang kilala.

“Wow ang ganda naman nang anak ko!” un agad ang bumungad sakin pagpasok ko ng dining room namin. “mukhang may date na ang anak ko ah!” nakangiting sabi ni mama sakin.

“Haist. Si mama talaga, wala po may ka meet po akong client today, bakit nandito pa po kayo? Wala po ba kayong pasok?” Isang anchorwoman ang mama niya sa isang sikat na network. Mukha pa rin itong bata sa edad na 45. Humalik sya sa pisngi nito at pagkatapos sa papa naman niya na nakaupo sa pinaka sentro ng hapag kainan.

“Wala kaming live ngayon iha, sasamahan ko muna ang papa mo sa pagbisita sa bago niyang itatayong resort.” Nakangiting sabi ni mama.

“Minsee nakausap mo na ba ate mo? nasan ba daw sya ngayon?” pormal na sabe ng papa niya.

“Pa model si ate, natural po kung saan saan sya makakarating, parang di pa kayo nasanay dun.”  Sabi niya sabay umupo na din at nagsimulang kumain. Kelangan nya nang bilisan ayaw nyang malate sa meeting.

“Ilang lingo na syang di nagpaparamdam sa atin baka anu na nangyari dun” nag-aalalang sabi ni papa. Kung meron mang best papa in the world sya un! Di sya mahigpit na papa tulad ng iba, sya ung “kung san ka masaya suportahan taka” na papa. Kaya love naming yan ni ate eh!

“grabe si papa maka nega! Tska multo lang po nagpaparamdam nu! Hayaan niyo na sya tatawag din po yun! J baka busy lang masyado. Online po sya sa fb chat niyo kaya?”  tinaas taas ko pa kilay ko sa kanya.

“San ka ba nagmana bata ka?” papa

My Destiny (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon