Prologue

15 1 0
                                    


"Hirap o Sarap?" diretsong tanong ng lalaking umaalingasaw ang amoy ng hinihithit na sigarilyo.

Bago maging lehitimong miyembro ng mga Alamid, initiation rights must be passed.

Kahit ako, hindi maunawaan kung bakit kailangang ganito ang paraan ng pagpapahirap sa mga nagnanais lang naman na maging miyembro ng isang fraternity.

Well, sino naman ako para magtanong gayong wala namang pumilit sa akin para makibahagi sa ganito.

Nakapiring ang aming mga mata habang nakatali naman ang mga kamay.

"Hirap!" the girl beside me shouted her answer with finality. I thought she would choose the second but I am wrong.

"Move forward.." utos ng master sa babae.

Pinakiramdaman ko ang pagtalima ng babae sa utos ngunit tila yata nagdadalawang isip pa ito kung susundin o hindi.

Matagal na katahimikan ang namayani sa lugar. Hindi ko naririnig ang pag usad ng mga paa ng babae. Akala ko'y wala na itong planong gawin ang sinabi sa kanya ngunit matapang itong humakbang paabante.

Hindi na pinatagal at agad na bumulusok ang paddle kasabay ng malakas na pagdaing sa sakit ng babae. Isa pang hampas ay sumigaw ulit ito ng malakas. Naka ilang hataw pa at ilang lagitik ng nababaling kahoy ang narinig.

Dumaing ang babae sa sakit.

"Ah... Tama na po. Hindi ko na kaya..."

"Anong gusto mong gawin namin?" diretsong tanong ng opisyal. "Kung hindi mo na kaya, you can back out, you fail the initiation." he added.

"No! Please, no.. S-sarap, sarap na lang po.. Wag nyo po akong ibagsak.. Sarap na lang p-po," she pleaded.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng master.

I understand why the girl is so desperate to join the group, the Alpha is the most prominent and powerful brotherhood in the university. Being one of the Alpha's is not a joke, being a member of it is something. It'll give you the pride, power and protection.

I don't really care about the two, I just want protection and that's all.

"Hirap o Sarap?" now the question is on me.

Walang kasiguruhan kung mabubuhay pa ako pagkatapos kong paluin. Halos lahat ng sumailalim sa palo ni Vice sa Initiation ay namatay o kaya naman hindi na makalakad. So that I'm choosing the dirty way to get in.

"Sarap." diretso kong sagot, walang bakas ng takot at pag aalinlangan ngunit sa loob loob ko'y walang paglagyan ang kabang aking nararamdaman.

Tinanggal ang piring sa aking mata. Kinalag din ang tali sa aking kamay.

Ikinurap- kurap ko pa ang aking mata dahil bahagyang nanlabo ito sa mahigpit na pagkakatali.

At nang tuluyan ng luminaw ang aking paningin, tiningnan ko kung ilan ang mga lalaking kaharap ko ngayon.

Tiningnan ko sa mukha ang lalaking nagtatanong. He's top less and his three circular marks showed. Isa sya sa matataas na opisyal ng Alpha ayon sa makikita kong tatlong sondo na kanyang katawan, ang isa'y nasa may balikat, ang isa naman ay nasa gitna ng kanyang dibdib at ang panghuli ay nasa tagiliran.

They're all wearing different tattoos.

Nakita ko ang ilang kahoy na bali-bali. At nakita ko sa lapit nito ang matangkad at maitim na lalaki. Meron itong malaking pangngatawan, marahil sya ang tinatawag na 'Vice'. Meron itong dalawang hikaw sa kaliwang tenga.

Pakiramdam ko nasa trentang kalalakihan ang narito ngayon. Trenta lang naman sila! At hindi ko alam kung anong mangyayari sakin pagkatapos ng trentang lalaki na ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Desiring the Dulcet FlamesWhere stories live. Discover now