Papunta ako sa locker then bigla akong napahinto, may lalaking nakaabang sa locker ko. Tumalikod ako at nag desisyon na hindi nalang mag locker. Ahhhhhh!!! Sigaw ko ng may biglang humila sakin na isang lalaki papunta sa pader. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nya akong......
Hinalikannnnn!!! Sinampal ko siya at sabay nun ang pag sampal sakin ng mama ko para gisingin ako. Panaginip lang pala. Arghhhhhh!! Late na akoo!!! Agad akong tumakbo sa banyo at naligo ng 5mins, nag bihis at nag ayos ng 10 mins. Bumaba na ako ng hagdan, "anak hindi ka ba muna kakain? " yaya sakin ni mama, "hindi na po ma, byeee! " Agad na akong tumakbo palabas ng bahay at nag hanap ng masasakayan.
8:30 na ako nakarating sa school, at agad na akong pumunta sa klase ko. Mendoza late ka na naman! Sigaw ng prof ko. Pumunta na ako sa aking upuan at habang pinag titinginan nila akong lahat, nilakihan ko naman sila ng mata at bigla nilang iniwas ang paningin saakin.
I'm Angela Mendoza pala, 17 years old, 2nd year college. Siga ako sa school namin kaya karamihan ay natatakot sakin, at kahit matalino ako di pa din ako nakakapasa minsan dahil sa record sa guidance. May bestfriend ako si Hanah, mabait, matalino, maganda, at hindi kagaya ko na siga sa school, almost 3 yrs na kaming mag bestfriend since 4th year highschool.
Kringggggg! Nag bell na. Tumakbo agad ako palabas ng classroom at agad na hinanap si hanah. Nakita ko siya na nag aabang sa may hagdan, at inaantay ako. "Tara kain tayo libre ko". Yaya ko sakanya. Umoo naman sya at pumunta na kami sa canteen. Sobrang daming studyante at wala na kaming maupuan, buti nalang ay meron pang isa. Pag dating namin sa lamesa ay may biglang... "oppss saamin yang lamesa" sabi ni Christine, siya lang naman ang nag iisang pinaka kaaway ko sa loob ng campus. "Kami nauna dito eh" sabat ko. "You know you and your friend should go away or else" sabi niya, agad naman akong nag salita. "Or else what? ". Malapit na kami sa isat isa na malapit ng mag away, ng may biglang....
Oy tama na nga yan! Sigaw ng isang lalaki. Si Joshua, ang crush ng bayan dito sa campus, pano ba naman bukod sa gwapo, ay matalino pa, medyo badboy nga lang. Napatingin agad kami nila Hanah, natulala ako ng makita ko siya, matagal ko na kasi siyang gusto. Habang etong si Christine ay parang linta na biglang dumikit kay Joshua. Inaya na ako ni Hanah na umalis, nakatulala ako kaya't hinila niya ako palabas, tapos na pala ang recess. At kailangan na niyang pumasok para sa next subject niya.
30 mins pa bago ang next subject ko, "ano kayang gagawin ko? " bulong ko sa sarili ko. Napag isip isip ko na pumunta nalang sa library para naman tumahimik yung mundo ko. Naghanap ako ng libro at naupo para mag basa, nagulat ako ng may biglang lumapit sakin. Si Joshuaaaa!!!! Tuloy lang ako sa pag babasa na parang hindi ko siya nakita. Inalis niya ang libro na hawak ko, " Hi I'm Joshua" sabay abot ng kamay niya. Inabot ko ang kamay ko na parang walang gana at sabay bigkas ng pangalan ko. Nag shake hands kami for almost 1minute. Seryoso lang ako pero ang totoo, kinikilig akoooo!!! Myghad totoo bato?!!??
Tinanong niya ako ng details about my life, tinanong ko din siya na parang di ko siya kilala HAHAHAHA iniistalk ko kaya siya araw araw. Nag kwentuhan kami ng kung ano ano, shemss ang saya pala niya kasama. Nakita ko ang oras 11:00 na, 30 mins na akong late sa next subject ko!!!!! Agad akong tumakbo palabas ng library at hindi na nakapag paalam kay Joshua. Pag pasok ko sa classroom ay... " Mendoza labas! Palagi ka nalang late sa klase ko, pumunta ka sa guidance!" Sigaw ng math teacher ko na si Ma'am Rose. Di na ako tuluyang nakapasok sa classroom. Nag lakad nalang ako papuntang guidance, nakita ko si Hanah kakadismiss lang ng klase niya. "Oh saan ka pupunta diba may klase ka? " tanong niya. "Nalate ako pinapapunta ako ni maam rose sa guidance, mamaya nalang" malungkot kong sabi sakanya.
*Guidance Office*
"Ms. Mendoza bakit palagi ka nalang late? Almost lahat ng subject mo late ka? Maaapektuhan ang grades mo niyan, maaring di ka pa pumasa" sabi ng principal sakin. Di ako nakapag salita dahil di ko alam ang sasabihin ko. "Please tell to your parents na pumunta dito bukas, makakaalis kana" dagdag pa ng principal. Tumayo na ako at lumabas ng guidance, laking gulat ko dahil inaantay ako ni Joshua sa labas. Nag lakad lang ako na parang hindi ko siya nakita, baka mamaya di pa ako inaantay niya. Hinabol niya ako, "Oy wait langg, badtrip ka? Tara samahan mo ko merienda tayo, libre ko" sabi niya sakin. Di pa ako um oo ay agad niya na akong hinila. Shemsss totoo ba to?!! Sa isip isip ko. Wahhhhh!! Napangiti nalang ako at sumama sakanya.Kumain kami ng streetfoods at sobra nabusog ako. Nakaupo kami sa bench. "Oh ano okay kana?" Tanong niya sakin. Ngumiti nalang ako. Pero kinikilig talaga akooo!! Nag paalam na ako sakanya na uuwi na ako, " Una na ako ah thank you sa libre" sabi ko. "Hatid na kita" biglang sabi niya. "Malapit lang din ako sa bahay niyo sabay na tayo" dagdag nya. Sabay na kaming umuwi at nilibre niya ulet ako ng pamasahe. Wahhhhh!!! Gusto ko mag wala pag uwi, di ako makapaniwala na yung dating tinititigan ko langgg kasama ko na ngayon!!! Ang crush ng bayan sa campussss!!
YOU ARE READING
Letting Go
Teen FictionBakit kaya kailangan natin mag Let go? Di ba pwedeng lahat nalang ay permanente? Walang mag babago? Walang aalis? Walang dadating? Hello! I'm here again and again, letting go someone for the happiness of others, bakit? Di ba pwedeng sila naman mag...