Hindi ako makatulog, nakahiga ako ngayon at nakatulala sa kisame dahil hindi ko talaga makalimutan yung nangyare kanina. At dahil dun nakalimutan ko narin na sabihin kila mama na pinapatawag sila sa guidanceee, nanlaki ang mata ko at napatayo ako ng maalala ko yun. Sinubukan ko silang puntahan sa kabilang kwarto pero tulog na sila. Natulog na din ako at napagdesisyonan ko na agahan nalang ang gising bukas.
6:30 palang gising na ako, pero hindi ko padin naabutan sila mama, nakaalis na silaaa. Pano to?! Naligo nalang ako at nagbihis, kumain at umalis na agad kahit 7:30 palang. Maaga akong nakarating sa school, hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ako makakapasok sa klase ko dahil wala akong parent na dala. Inantay ko nalang si Hanah sa labas. Sa tagal niyang dumating pumunta nalang ako sa libray. At nadatnan ko dun si...
Anthony? Laking gulat ko ng nakita ko siya dun. Siya nga pala si Anthony Reyes ang ex boyfriend ko 6 months ago. Hindi na ako tumuloy na pumasok sa library at lumabas nalang, nakita ako ni Joshua na hindi na tumuloy. " uy Angela tara pasok tayo basa tayo ng mga libro" aya sakin ni Joshua. "Ah eh mmaya nalang" utal utal ko sabi at tumakbo na ako papalayo. Pumunta nalang ako sa garden ng school para mag muni muni dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Habang nakaupo ako doon ay may narinig ako na kaluskos na parang may tao malapit dito medyo malayo saakin hinanap ko ito, nagulat ako ng makita ko si Christine at Anthony na nag hhalikan sa pinaka likod ng school malapit sa garden na pa atras ako at agad na umalis doon.
Nag cr ako dahil talagang pinag pawisan ako sa nakita ko, si Anthony na ex ko? At Christine na kaaway ko? Nag hahalikan. Wala na akong gusto kay Anthony pero bakit ako naapektuhan ng ganun? Pag labas ko ng CR, saktong nag bell na, hinanap ko si Hanah at inaya na kumain sa labas. Nag kwento ako sakanya about sa nangyari samin ni Joshua kahapon. At kinuwento ko din ang nakita ko kanina sa garden. "Uhmm Hanah, alam mo bang nandto na ulet si Anthony? " tanong ko. "Hala weh? " laking gulat niya sa sinabi ko. "Saan siya tara puntahan natin" dagdag pa nya. "Eh ano kasi kanina, nakita ko sila, ni ano, Christine, sa may likod ng school na nag hahalikan" utal utal kong sabi sakanya. "HAHAHA" pinag tawanan lang niya ako. "Angela pano mangyayari yun? Eh mahal ka pa ni Anthony siguro kaya bumalik yun dito para sayo" dagdag pa niya. Hindi na ako nag salita, at habang nag lalakad kami ay kinuwento ko naman yung samin ni Joshua kahapon. "Hala bes baka may gusto sayo si Joshua, ang swertee mo!" tuwang tuwa na sabi niya. Kumain na kami at bumalik na din agad sa school.
Si hanah ay pumasok na sa klase niya at ako eto na naman loner ng mga ilang oras, napag isip isip ko dapat hindi nalang pala ako pumasok, bulong ko sa sarili ko habang nakaupo dto mag isa sa bench. "HAHAHAHA isang kabaliwan! " sigaw ni Christine sa tenga ko, nasa likod ko pala siya. Napatayo ako bigla, "ano bang problema mo? " tanong ko. "Wag kang mag iingay sa nakita mo kanina kung ayaw mong pasabugin ko yang bibig mo! " sabay sampal sakin. Hinawakan ko siya sa leeg at inangat "akal mo natatakot ako sayo? " susuntukin ko na dapat siya ng biglang may umawat na naman sakin. Si Joshua ulet pinigilan niya ako, kaya nakaalis na si Christine. Hindi tuloy ako nakaganti.
"ayos ka lang? " tanong niya. Ngumiti nalang ulet ako. "Dalhin kita sa clinic? " dagdag pa niya. "Hindi na malayo sa bituka to" sabi ko. Ang OA naman niya parang sampal lang clinic agad, sa isip isip ko. Nakita kong paparating na si Hanah papalapit samin. "Sige na ok na ako andto na si Hanah, thank you" sabi ko sakanya. Pero nakatulala lang siya kay Hanah na papalapit saamin ngayon. "Uy Joshua" sabay pitik sa kanya. " ah? Ano yun?" Utal utal nyang sabi. "Sabi ko andto na si Hanah ok na ako" sagot ko. Nasa harapan na namin ngayon si Hanah. "Hi! I'm Joshua" sabay abot ng kamay niya kay Hanah. "Hanah" sagot naman ni Hanah nag shake hands sila at nag katitigan ng matagal. "Tara na Hanah? " yaya ko. At umalis na kami.
YOU ARE READING
Letting Go
Teen FictionBakit kaya kailangan natin mag Let go? Di ba pwedeng lahat nalang ay permanente? Walang mag babago? Walang aalis? Walang dadating? Hello! I'm here again and again, letting go someone for the happiness of others, bakit? Di ba pwedeng sila naman mag...