Teaser

2K 34 20
                                    

Tumatakbo kami. Hindi ko alam kung hinahabol kami o may humahabol sa 'min. Basta tumatakbo kami.

"S'an po ba tayo pupunta?" tanong ko sa babaeng may hawak sa 'kin nang tumigil kami sandali.

May kasama pa kaming isang batang babae pero tahimik lang s'ya at parang windang pa sa mga nangyayari. Siguro ay mga kasing-edaran ko lang s'ya.

"Hindi ko alam," hinihingal na sagot ng babae. "We just have to get away."

Ah... Tumatakas pala kami...

"Dali." She tugged my hand at hinila na naman kami para tumakbo.

Nakarating kami sa isang medyo madilim na kalsada. Biglang may nagring kaya nagulat kami pare-pareho. Tiningnan ng babae ang phone n'ya at napaluha na lang. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari but I just held onto her hand tightly. Malamig din kasi siguro.

"Kailangan na nating magmadali. We have to get out of this village," sabi n'ya lang at dumiretso na kami sa pagtawid.

That's when things really went wrong. Huli kong naalala ang nakakasilaw na headlights ng isang truck kasama ng isang malakas na pagbusina bago...

...ako magising ulit mula sa panaginip na 'yon. It never really happened. Wala akong memory pero lagi ko nang napapanaginipan ang scene na 'yon.

I don't even know them. Hindi ko kilala ang mga kasama ko sa panaginip na 'yon.

'So why do I keep having that dream?'

>>>>>===<<<<<

'It leads those who follow. It drags those who resist.'

MY CLUMSY DESTINY
signa_remajica © 2016

My Clumsy DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon