CHAPTER 01: Shattered Dreams

1.4K 31 6
                                    

"Nas'an na si Lance!?" sigaw na ng activities' coordinator ng school namin sa backstage dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang idol na magpeperform dapat sa Foundation Day namin. "Ikaw, Ms. Scholar!"

"Po?" Agad na dumiretso ang likod ko sa narinig kong 'yon. Ako lang naman kasi nag tinatawag na 'Scholar' dito.

"Tawagan mo ang manager ni Lance!" utos n'ya sabay hagis ng isang cellphone sa 'kin.

Napa-'whoa' ako dahil ang layo ng hagis n'ya kaya kinailangan ko pang habulin 'yung cellphone. Grabe! Hindi man lang ba n'ya naisip na baka hindi ko masalo? Tsk. Mga mayayaman talaga...

"Saan... Alin po dito 'yung tatawagan ko? Ano pong sasabihin ko?" malumanay at magalang na tanong ko. Lol.

Syempre kahit naiinis ako sa kan'ya, matanda pa rin naman s'ya sa 'kin tapos AC pa rin s'ya sa school na 'to.

"LAE Manager. 'Di ba matalino ka? Kaya ka nga scholar eh. Ikaw bahala basta sabihin mo kailangan na si Lance dito!"

"Okay po," huling sagot ko na lang habang hinahanap ang 'LAE Manager' sa contacts ng cellphone.

Pinindot ko ang call button pagkahanap ko at tinapat ang nagri-ring na cellphone sa tenga ko. 'Di nagtagal eh sinagot na rin ng nasa kabilang linya ang tawag.

[This is the DAMN FIFTH TIME! We're stuck in traffic for Pete's sake! Hindi n'yo ba maintindihan 'yun!?] Bubuksan ko na sana ang bibig ko para mag-'hello' nang biglang bumungad sa 'kin ang galit na boses ng isang binata.

"Urm..." I cleared my throat. Okay lang 'yan, MJ. Sanay ka na sa mga ganitong outburst. "Hello po? Nand'yan po ba ang manager ni Lance?"

May mga narinig akong bulungan sa background hanggang sa may nagsalita ulit. "Hello. Sorry for having to hear that. Mainitin lang talaga ang ulo ni Lance kapag nakukulitan na s'ya. But as he said, for the fifth time, na-traffic kami," mahinahon naman ang boses na 'yun pero isang binata pa rin ang narinig ko.

"Again, nand'yan po ba ang manager ni Lance?" tanong ko ulit.

"You're talking to him," sagot ng kalmadong binata sa kabilang linya. Manager? Eh parang sa boses n'ya halos kasing-edaran ko lang naman s'ya.

"Kuya, 'wag mo 'kong lokohin, matalas ang pandinig ko. Teenager ka lang din. Nas'an ang manager ni Lance? Nagsisimula na ring uminit ang ulo ko," nasabi ko dahil nauubusan na ako ng pasensya.

"Haha. Oo, teenager lang din ako pero ako nga ang manager n'ya—"

"'Wag mo na nga kausapin 'yan!" At biglang namatay ang tawag. 'Yun ba 'yung Lance? Ang sama ng ugali! Tapos para pang bata!

Pero hala? HALAAAA! Anong sasabihin ko ngayon sa coordinator? 'Abnormal po pala si Lance. 'Di ko po sila nakausap nang matino,' gan'un? Hala!

"Ano raw? Nas'an na raw sila?" biglang sulpot ng kabuteng AC.

"Hala," 'di ko sinasadyang lumabas sa bibig ko.

"Anong 'hala'? Nas'an na sila?" Napalunok na lang ako. Kailangan kong makaisip ng sasabihin kundi mapapaaga ang trip to Afterlife ko!

"Ms. AC! Kailangan na ng magpe-perform sa stage in 10 minutes!" biglang sigaw ng isang staff kaya napalingon itong mushroom na coordinator.

'Ah! Oo, pwede nga 'yun!' naisip ko bigla.

"A-Ano po..." medyo nahihiyang tawag ko ng pansin ng AC kaya bumalik ang tingin n'ya sa 'kin na sinabayan ng over sa over na pagtaas ng kilay n'ya huhu. Lalo tuloy akong kinabahan huhuhu. "Kung okay lang po... pwede naman po akong maggitara at kumanta sa stage habang hinihintay si Lance. Na-traffic daw po kasi sila."

My Clumsy DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon