Mapapansin Kaya?
--
Sabi nila ang crush daw, madaling titigan pero mahirap lapitan.
Para saakin totoo yun at naniniwala ako doon.
Paano ko nasabi?
Kase pag nandyan siya nahihiya ako, yung para bang tubig na nilagay sa ref ng 3 araw. It feels like im freezing when he's near.
Kaya pag malapit siya sa'kin. Umaalis ako para magkalayo kami. At dun ako tumitingin ng palihim sa kanya.
Sabi rin nila, crush is paghanga. Minsan nawawala pero madalas lumalala.
Naniniwala din ako doon.
Paano ko nasabi? Kase alam kong palala na ng palala ang pagkagusto ko sa kanya kahit na isang beses tinry ko siyang iwasan para mawala na feelings ko sa kanya.
Kaso wala eh, lalo lang lumala.
Alam niyo ba na naiinis ako sa kanya kase ayaw niya akong pansinin. Pero bakit yung iba naman pinapansin niya, ako lang ata ang hindi. Multo ba ako? Hindi ba niya ako nakikita or sadyang ayaw niya akong tignan. Alam kong panget ako, kailangan pa bang ipamuka?
Sabagay, pag nandyan siya hindi ko rin naman siya nakakausap. Kase nga, nahihiya ako.
At sabi rin nila, crush is the person you want that will never be yours.
Yan, yan ang pinaka pinaniniwalaan ko. Cause I know, he will never be mine. Never!
Kaya nga hindi na ako naasa. Kase ayaw kong masaktan.
Pero bakit ganon? Ang sakit lang pag yung iba pinapansin niya, ako hindi.
Yun lang naman ang hinihintay ko eh. Yung siya ang gumawa ng first move, kase ako. Hindi ko kaya na ako ang gagawa ng first move.
Buti pa sila, pinapansin niya. Eh ako? Mapapansin kaya?
Ako nga pala si Erika. Ang inyong tagapagligtas! Joke lang, pinapatawa ko lang kayo. Masyado na kaseng siryoso eh. Para di na awkward. Huehue :3
Andito ako sa school garden. Nakatingin sa kawalan. Naghihintay kung kailan. Kung kailan papakasalan. Ng aking Xi Luhan.
Pero joke lang yun! Hindi naman kase Xi Luhan name ni Luhan hahaha. Luhan lang talaga yon. Atsaka excuse me lang. Dadaan ang reyna choss! Seryoso, di ko kaya type si Luhan.
Kay Ate Kristelle na 'yon! Senior na sila ni Luhan eh. Kaya di ko sila classmate. Pero bestfriends kami nan. Pero hindi ko talaga sila kaklase. Siryoso ako don.
Malamang junior palang ako. Hindi niyo pa ba yun alam? Pwes ngayon alam niyo na.
Nakss suplada ng lola niyo.
Sorry na, kase naman bigla ko lang naalala yung bestfriend ng Luhan ni Ate Krissy.
Kilala niyo ba kung sino siya? Malamang hindi pa. Tsss
Sorry na kase! Nangangamoy bitter si AKO.
Pero heto na. Heto na~ Heto naaaa~ Ahhhh doobidoo bidoo. Ay lekat! Ang korni!
So 'yun nga. Ang bestfriend ng boyfriend ng bestfriend ko ay walang iba kundi si... Teka nagets niyo ba?
Ang ibig kong sabihin, ang bestfriend ng Luhan ni Ate Krissy ay walang iba kundi si..