“Okay sige, I’ll wait for you here. I love you.” Natahimik ang nasa kabilang linya. All I could hear is the beating of my heart. Mabilis at masakit. I guess this is part of loving, so, I must be mature enough to deal with it. I should go back to the past when I decided to do this, and think again, this is the fate I chose. Wala akong karapatang magreklamo.
“Hindi ako darating. I’ll hang up now, i’m busy.” Hindi pa ako nakabawi sa malamig niyang boses nang marinig ko ang tunog ng telepono, hudyat na tinapos na nito ang tawag. I sighed looking at my phone. Nanlalabo ang mga mata kong nakatitig sa larawan naming dalawa noong engagement party. He’s clearly annoyed, not showing even a little bit of happiness. Mapait akong ngumiti. Inaalala ang araw na lubos kong pinaghandaan. The day when I, Celeste, was engaged to the man of my dreams, Arc Lucil Vesarius. Naalala ko pa kung gaano ako kasaya nang narinig kong pumayag siyang magpakasal sa’kin. But I know.... I know he doesn’t like it.
He doesn't like me.
I bit my lower lip. Nanginginig ang mga kamay ko habang nanatiling nakatitig sa hawak kong cellphone. Kasalukuyan akong nasa opisina ng aking designer, to personally check my wedding gown. My lips parted. Hindi parin ako makapaniwala. Eventhough he doesn’t like me, at naisampal pa nito sa akin ang katotohanan kanina nang hindi niya ako sinipot dito. I wanted his opinion about the gown pero hindi siya nagpakita. Well, he told me he’s busy.
“Ms. Selvestre? Where’s Mr. Vesarius?” Hilaw akong ngumiti habang nakatingin sa pusong babaeng nasa harapan ko na ngayon, nakataas ang kilay. “Hay naku! Bakit ba kasi pinipilit mo ang sarili mo sa lalaking yun!” He rolled his eyes. Irritated. “Kung hindi lang kita matalik na kaibigan, ay hindi kita susuportahan dito. But I tell you, Celeste Selvestre, masasaktan ka lang.” I nodded. He sighed exaggeratedly.
“I know. And that’s part of loving someone.” Huminga siya ng malalim at napapikit ng mariin. Nang dumilat ito ay kita ko ang awa niya sa’kin. Umiwas ako ng tingin. I don’t need that. I don’t need sympathy, I only need Arcil’s love.
“You, impossible martyr woman!” Itinapon niya ang isang magazine sa kanyang table deritso sa harap ko. Ayaw ko mang tingnan ay hindi ko na naialis ang mga mata ko dito. “Call me, when you have good news after this! Sarap gutay-gutayin ng gown mo!” He rolled his eyes again before leaving me. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang magazine. Sa cover palang nito ay alam ko ng masasaktan ako pero pinagpatuloy ko parin. It was Arc Lucil Vesarius with a sophisticated woman, Agatha Imperial. Lucil was smiling looking at her. I suddenly feel the urge to scratch the woman alive, pero I know my limitations. I know their score. Pilit man niyang itago sa mga magulang namin ang totoo, I know, he is deeply in love with that woman. The way he smiled at her was different to the way he smiled at me.
Clearly, I am the villain in their love story.
Natigil ako sa pagbubuklat ng magazine dahil sa isang patak ng luhang tumulo mula sa mga mata ko patungo sa hawak ko. It was their picture again. Nakapatong si Agatha sa kanya habang nakahiga naman si Lucil sa isang sofa. I can hear panting through this image.
I understand. They are models. I understand.
I unconsciously crumpled the magazine. Pinahid ko ang mga luha ko. I tsked. Magpapakasal na kami, sisiguraduhin ko yun. I don’t want him with that woman. Sasabihin ko kay Daddy na pagbawalan na si Arcil sa pagmomodelo, o kung ayaw man niya ay pagbabawalan siyang maipartner sa babaeng yun.
Galit kong pinahid ang mga luha ko, saka naman pumasok uli si Harry— the designer. Tumaas agad ang kilay nito habang nakatingin sakin pababa sa ngayo’y gutay-gutay ng magazine.
“Tell me only good news, Selvestre!” Aniya. Pero nang hindi ko siya sinagot, disappointed niya akong tiningnan. He shook his head, hindi parin makapaniwala. “God. Ayokong maging kagaya mo kapag nainlove ako.” Anito na agad ng umupo sa kanyang swivel chair. “You know how he adored that woman so much, Celeste. Why are you still pursuing him?”
“Because I love—”
“Cut that crap!” He eyed me intently. “I know! I know! Pero gusto mo bang maging kontrabida sa kanilang dalawa?”
“Why not?” He sighed. He is annoyed. Kulang nalang ay isumpa niya ako.
“Celeste...” He sighed again. Napayuko ako. Nanginginig parin ang mga kamay ko na ngayo’y nakapatong na sa aking kandungan. “Celeste please, wake up. I don’t want you hurt over some guy—”
“Masaya ako sa ginagawa ko, Harry.” He rolled his eyes.
“So, that’s tears of joy?” Sarkastiko niyang tanong. Tinutukoy ang mga luhang lumandas mula sa mga mata ko. Hindi parin tumitigil. Pinahid ko ang mga ito, pero napagod rin, dahil kahit anong pilit kong huwag umiyak, kusa parin itong lumalabas. “Okay fine, fine!” Tumayo siya mula sa pagkakaupo saka lumapit sa akin at agad akong niyakap. Mas lalo akong napaiyak. “There are still 3 months left, so you could decide clearly.”
“Magpapakasal parin ako sa kanya.” He murmured a curse. Mahina lamang iyon pero rinig na rinig ko.
“Hindi naman halata! E, pinaghahandaan mo na nga ang gown mo! Bahala ka nga!” Mas lalong humigpit ang yakap nito sa’kin na mas lalo ko lang na ikinaiyak. I hugged him too. Letting all my frustrations and jealousy comes out. Kung hindi ko ito maipapalabas, baka ito pa ang ikamatay ko.
I gritted my teeth while thinking about their pictures again. Naiinggit ako, dahil kita ko sa mga mata ni Arcil ang kasiyahan. He is happy, but not with me. Ang tingin niya sa’kin ay isang desperadang babae.
Bahala na. I could be desperate just to have him in my life. Kung kailangang gipitin ko pa siya, ay gagawin ko. And that’s exactly what I did. I saw his anger. I can feel the pain.
But I’m hurting again.
Kailan ka magiging masaya sa akin Arcil? Will you look at me, like how you look at her? Will you adore and love me, Lucil?
In my dreams. I saw you smiling inside the church waiting for your bride. And that wasn’t me.
That wasn’t me Arc Lucil Vesarius.
And I don’t want that to happen. You should marry me, whether you like it or not. You will marry me, Arcil.
YOU ARE READING
Love and Endurance
Romance"When will you love me back? or will you even love me back?"