Donny's point of view.
#lovingfromafar"Dude!"
Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko ang kaibigan kong si Marco. Hinihingal pa ang loko.
Napasimangot ako at ibinato ang towel na hawak. "Tagal mo."
"Hinatid ko pa kasi si Kirsten sa kanila, eh." Nakangisi niyang sabi.
Napatigil ako sa ginagawa nang sabihin niya 'yun. "Ah." Nasabi ko na lang. Ano pa nga ba?
"Bro code, dude. Bro code." Sabi niya sabay tapik sa balikat ko.
I clenched my jaw. Paano ko makakalimutan 'yun kung sa tuwing magkikita kami ay ipapaalala niya? So what if I'm jealous that he can drive Kirsten home while I can't? So what if he can show his feelings for Kirsten while all I can do is to watch her from afar? I'm gonna stay away. Not for the bro code, but as long as Kirsten's happy. Then I'm gonna keep my feelings to myself and gonna mope around silently whenever I see them together.
Ilang buwan ang nakalipas. Mukhang nasanay naman na ako na makita silang magkasama. Pero minsan hindi ko pa rin maiwasan na hilingin na ako naman ang tingnan niya.
Just a glance, Kirsten, and that would be enough for a whole year.
Minsan napapaisip ako na ang creepy ko rin pala. Lagi ko kasi siyang pinagmamasdan palihim. I always go to places where I know I can see her. Gaya ngayon. Heto siya, naglalakad patungo sa 'kin.
Damn but why am I so happy just watching her take every step towards me?
Napatayo ako nang nakita ko siyang napatid kaya nahulog ang mga libro niyang hawak. Agad akong tumakbo papunta sa kanya.
"Ako na." Mahina niyang sabi nang pulutin ko ang mga libro niya.
Shit. Bakit ba nagbibitbit siya ng ganito? Nasaan ba 'yung si Marco? Bakit 'di niya ipagbitbit ng libro si Kirsten? Coz if it's me? I'll damn carry the whole world for her.
"Thank you." She said. Nakayuko lang siya, hindi tumitingin sa 'kin.
Kahit isang tingin lang talaga, ipagkakait mo pa sa 'kin?
"Kirsten." Tawag ko sa kanya. I love calling her name. But I love it more when she looked up to meet my gaze. Napalunok ako at napaawang ang labi nang makita na namamaga ang mga mata niya.
What happened? Tell me what happened? Who hurt you? Please tell me, baby...
Pero ang gago ko pa rin. Kasi wala akong nasabi. Hinayaan ko siyang tumalikod at maglakad palayo sa 'kin.
"Gago ka ba?! Niligawan mo si Kirsten habang may nilalandi ka rin na iba? Ha? Hayop ka!" Muli kong inundayan ng suntok si Marco.
Hinihingal ako sa galit. Nagdidilim ang paningin ko lalo na sa tuwing naaalala ko ang mga namamagang mata ni Kirsten. I respected his feelings for her. Nagpaubaya ako kasi napapasaya niya 'yung babaeng gustong-gusto ko. Kahit araw-araw, gusto kong umepal sa kanila... gusto kong agawin ang atensyon ni Kirsten... hindi ko ginawa.
"What the fuck is your problem, dude? It's between me and Kirsten! It's not your damn business so stop sticking your nose to where it shouldn't be!"
Mas lalo akong nag-apoy sa galit. Not my business, huh? It's my fucking business coz the girl I like the most is involved and hurting!
I decided to just walk away. Kaibigan ko pa rin si Marco. Pero hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin sa kaniya.
I ran my hand in frustration as I search the whole campus for her. Muli kong pinuntahan ang library at sinuyod maging ang kasuluk-sulukan nito. There I found my Kirsten, sleeping on the desk, with papers scattered around her.
With a sigh, I went to her and sat beside her. She looks tired. I want to caress her hair, touch her cheeks to remove the stains of her tears. I clenched my jaw to stop myself. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nawalan ng karapatan sa kaniya. Sinaktan siya ng kaibigan ko at wala man lang akong ginawa para pigilan 'yun.
I took a deep breath and checked the papers on her table. Mukhang ginagawa niya 'yung term paper kay Mrs. Dela Rosa. As far as I know, bukas na ang deadline nito pero halos kakasimula niya pa lang.
Maingat akong nagbuklat ng mga libro sa paligid niya, trying to grasp her idea for her term paper. I used every braincells I have para lang maituloy ang paper niya. I know she can do it by herself. She's tough and smart. But I want to make things easier for her.
And that's what I did for the next days and weeks and months. I always make sure to be updated on what's happening to her. Pero sa tuwing makikita ko siyang ngumingiti na muli... lagi kong naiisip na hindi niya naman talaga ako kailangan sa buhay niya. Kirsten can live even without my existence, but sadly, that wasn't the case for me.
Kakatapos lang ng huling klase namin sa araw na 'to nang tawagin ako ni Prof. Arandia. "Donny, can you give this handouts to the representative of 12-Pollux? You know Kirsten Delavin, right?"
Just a mere mention of her name is enough to make my heart beats fast.
"Yes, Ma'am." Sabi ko, pigil ang ngiti. I want to thank her for this opportunity!
Inabot sa 'kin ni Prof ang mga papel. She looks like she's weirded out because of my reaction. But who cares? I love her already for choosing me to do this stuff!
Kinuha ko mula sa kanya ang handouts at saka halos kumaripas ng takbo papunta sa room nila Kirsten. Marami-rami rin itong handouts. I can offer my help to help her carry these, right?
"Dons!"
Napatigil ako sa pagtakbo nang marinig ang tawag ni Summer.
"Hey, Sum." Bati ko.
"Uwian n'yo na, 'di ba? What are you still doing here?" Tanong niya.
"Ah. May inutos lang si Prof. Arandia." Sagot ko. Gusto ko na talagang magpaalam sana sa kaniya. Baka kasi 'di ko maabutan si Kirsten dahil dito.
"Tulungan na kita?" Nakangiti niyang sabi pero agad akong umiling. No way. My plans will be ruined if I let her.
"Hindi na, Summer. I got this. See you around!" Sabi ko at agad din na tumakbo na ulit patungo sa direksyon ko. Yeah. As corny as it may sounds, but Kirsten Delavin is my direction.
Humugot ako ng malalim na hininga para mapakalma ang puso ko. Sobrang lakas ng tibok nito dahil sa ginawa kong pagtakbo at dahil na rin sa kasabikan na makita si Kirsten.
I knocked on their door. Ilang sandali pa ay binuksan 'yun ni Aivan.
"Pre." Bati ko. "Nandyan ba si - 'yung representative n'yo?" Tanong ko.
"Si Kirsten?" He frowned. "Bakit?"
I bit my tongue to stop myself from asking if it's any of his business when it's damn obvious that it's not.
"May pinapabigay si Prof. Arandia." Sagot ko.
"Ah. Ako na ang magbibigay kay Kirsten." Sabi niya.
Hindi ko na napigilan ang mapa-kunot ang noo. This guy's getting on my nerves.
"Kakalabas lang niya, eh. Pauwi na." Sagot niya. "Medyo kanina pa pala siya nagpaalam na uuwi na." Kinuha niya mula sa 'kin ang mga hand outs. "Sige." Aniya at saka pumasok na sa room nila.
I can hear my heart breaking in disappointment. Parang nawalan ako ng gana. Nakayuko akong naglakad pabalik ng room namin para kuhanin ang bag ko.
Nang nasa tapat na ako ng room namin ay doon lang ako nag-angat ng tingin only to be surprised by the presence of Kirsten.
"Uhm... hi." Bati niya and I think I lost my capability to speak. "Is that bag yours?" Tanong niya sabay turo nang bag na nakalapag lang sa paanan ng nakasaradong pinto. "I was worried it might get stolen or what kaya binantayan ko muna. Your classmates should've not left it there." Nakanguso niya sabi. "Sige, alis na ako." Paalam niya nang manatili lang akong nakatitig sa kanya. And just like that, umalis siya nang hindi ko nakakausap.
Why am I always losing my shit whenever she's around? Argh!

BINABASA MO ANG
Sakaling Maging Tayo|√
FanfictionCompleted.|| Nagsimula ang lahat sa pag-ba-baka sakali. dkxx