036

815 33 16
                                    

MINJEE'S POV

Mag rereply na sana ako kay Jisung kaso bigla siyang nag out. Balasiyajan. Papatawarin ko na sana siya eh, kasi muka talagang wala siyang kasalanan at si Hana ang mag pakana nun.

"Minjee! May naghahanap sayo sa labas" sabi ni kuya daniel sa akin, pinsan ko.

"Sino?" Tanong ko

"Di ko kilala eh pero lalaki, ikaw ha isusumbong kita kay tita" sabi niya.

"Sumbong mo" sabi ko at lumabas ng bahay.

Sino naman ang naghahanap sa akin? Mag aadvance read pa ako para bukas eh.

"Jisung?" Siya pala ang nag hahanap sa akin. Anong ginagawa nya dito?

"Minjee" lumapit sya sa akin at niyakap ako.

"Ay sorry!" Sabi niya at tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin.

"Ba't nga nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Nandito ako para mag sorry" sabi niya

"Sorry kung laro lang para sa akin ang pag ligaw sa iyo, sorry kung nakita mo akong kahalikan si Hana, sorry kung di ako nandyan sa tabi mo palagi. Sorry sa lahat, Minjee, patawarin mo ako please" sabi niya habang nakatingin sa mata ko.

Patawarin ko ba?

"Yung nangyari two days ago, pla-" di niya natuloy ang sinasabi nya nang yakapin ko sya.

"Okay na, pinapatawad na kita, wag mo nang iexplain nakakasawa na eh" sabi ko at tinanggal ang pagkakayakap ko.

"Talaga!?" Hindi makapaniwala niyang tanong, tumango ako.

"Edi sinasagot mo na ako?" Tanong nya.

"Aba?! Diba sabi mo liligawan mo ulit ako?" Sinuswerte naman ata sya kung pinatawad ko na sya at sinagot pa.

"Liligawan pa kita? Sasagutin mo din naman ako eh" mayabang nyang sagot.

"Kung di kaya kita sagutin?" Pagbabanta ko sa kaniya.

"Sabi ko nga, tara date na tayo?" Tanong nya.

"Magpapalit lang ako, promise mabilis lang" sabi ko at dali daling pumasok sa loob ng bahay at pumunta sa kwarto ko.

Sinuot ko lang ay simpleng t shirt at pants. Kinuha ko ang phone ko at ang wallet at nag suot ng sapatos. Pagkatapos kong mag suot ng sapatos ay dali dali akong lumabas at nadatnan si Kuya daniel at si Jisung na nag uusap.

"So nililigawan mo ang pinsan ko?" Tanong ni kuya daniel

"O-opo!" Biglang sabi ni Jisung. Gusto kong matawa sa itsura ni Jisung ngayon, kinakabahan kasi siya. Pinsan ko palang ang kausap nya paano pa kaya pag sa magulang ko na?

"Sinisigawan mo ako!?"

"Po? H-hindi po" sabi ni Jisung.

"Tara na Jisung" sabi ko at hinila siya bago pa may gawin si kuya daniel sa kaniya.

"Hoy Minjee! Saan ka pupunta?" Tanong ni kuya daniel.

"Gagala lang kami, bye!" Sabi ko at tuluyan na kaming nakalabas ni Jisung.

"Saan tayo?" Tanong ko

"Sa puso ko yiee" sabi niya at sinundot ang braso ko.

"Edi wow" pero deep inside kinikilig na ako.

𝐥𝐚𝐫𝐨 : 𝐉𝐈𝐒𝐔𝐍𝐆 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon