the moon stripped

15 0 0
                                    


Zavia's point of view

"Miss anong size?" Tanong ng saleslady sakin.

"Medium po" sabi ko

Nandito kami ngayon apec school. Bumibili ng uniform. Malapit na pala ang pasukan namin. July 17 daw sabi nung naginterview sakin.
Grade 11 na pala ako this school year.

Hindi ko pa alam ang section at room ko. Abm student ako. Siguro eemail nalang sakin yun.
Kasama ko ate ko bumili ng uniform. Si mama kasi ayaw sumama e.

Sinukat ko na yung skirt na medium size.

Ang laki! masyadong naka lobo pero okay na rin paayos nalang kay mama.

"Anlaki no?" Sabi ko sa ate ko

"Oonga e"

"Sige ito nalang" sabi ko

"Small nalang kaya?" Sagot nya. Napaisip ako. Try ko kaya small. Kaso baka pagalitan ako ni mama e. Bala na nga.

"Small nalang. Ate small nalang daw po" sabi niya sa saleslady

Sinukat ko na yung skirt at medyo maikli. Baka pagalitan ako neto e. Pero bala na nga.

Paalis na kami ng bigla siyang magsalita

"Ah via mauna kana umuwi may dadaanan lang ako" aabi ng ate ko

"Sige. Hindi na muna ako bibili ng notebooks sa sm. Sa july 11 nalang"

"Sige dito nako"

"Geh" wika ko

...

Pasakay nako ng jeep ng may makasabay akong lalake. Mas matangkad sya sakin ng konti.
Pero feeling ko isang taon lang ang tanda neto sakin.

Nagkabungguan kami papasok ng jeep. Kaya napatingin ako sa kanya at napahinto

"Sige miss mauna kana." Sabay ngiti ng pilit.

Nauna na nga akong sumakay. Syempre babae ako e alangan namang paunahin ko pa sya. Swerte nya!

Malapit nako sa destinaston ko nang mapatingin ako sa kanya. Pogi nya pala :")
Pero parang nakita ko na to e. Sya yung laging nakatingin sakin kanina sa apec habang nagfifit ako ng uniform. Oonga sya nga. Pshh i dont care.
Love life is not in my vocabulary.

***
Dumating na! Dumating na yung araw! Yung araw ng pasukan! Huwaaaaaa! Ayoko pang pumasok promise. Kinabahan tuloy ako sa introduce yourself. Haysstt.

Kakagising ko lang. Mamayang hapon pa pasok ko. Pm shift ako.

At dahil mamaya pang hapon ang pasok ko. Iidlip muna ako saglit ah.

ZzzzzzzzZzzzZzz

...

Nagising ako 10:15 am na. Bumaba nako at nagalmusal. Nagprepared narin pala ako para mamaya.

Pinlantsya ko yung uniform ko...

Inayos yung bag ko...

Nagreview ng konti...

At naghanda para sa INTRODUCE YOURSELF!!!

maliligo muna ako.
Nagpunta na akong bathroom at naligo.

ang fresh sa pakiramdam pagkatapos kong maligo.

*Nakaharap ako sa salamin*

Ang cute ko sa uniform yieeeeeee :")

Okay! Papasok na ako.
Feeling ko maiistress nako agad pagpasok ko. Sobrang stress daw kasi ng accounting. Hayst. Pero Go lang via. Kaya mo yan. Fight fight fight. Letsgoo

the moon's strippedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon