Chapter 1 - Complicated

64 0 0
                                    

GD's POV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, oo inaamin ko kami na ni Kiko matagal na. gusto ko kasi talaga siya.. pero mahal? hindi ko alam.. hindi ko sure.. ang alam ko lang hanggang ngayon may pagtingin parin ako sa isang taong sinubukan kong iwasan.

walang malinaw samin, nagagalit at nag seselos ako pag may mga pumoporma sakanya, gumagawa ako ng paraan para di sila magkatuluyan lahat na yata ng nag sabing may gusto sila sakanya kinaybigan ko para mabakuran ko lang siya..

feeling ko naman alam ng iba na binabakuran ko talaga siya. pero kahit na makipag laro ako ng Plants vs. Zombies sakanila kahit anong gawin ko.. HINDI TALAGA PWEDE..

oo, hindi pwede sa Agency namin.. kasi brothers-sisters relationship lang dapat.. tang ina.  yan din siguro ang naging dahilan kung bakit naging kami ni KIKO

~~~~~~

nasa recording studio ako ngayon may prinapractice kaming kanta ni Sol (Taeyang). may bago kasi kaming Collabration.  ako ang gumawa ng kantang idadagdag niya sa bago niyang album

Stay with ME ang track title.. inaamin ko siya ang nasa isip ko nung ginagawa ko ang kantang to..

"Jiyong,sasama ka ba mamaya?" tanong ni Sol

"saan?" ako

"Sa First viewing ng Movie ni Top!"

"ahh.. oo, punta din ba sila CL?"

"Oo.. susunduin ko sila mamaya eh"

"sige  kita nalang tayo dun"

"Sure.. sa dorm ka ba uuwi ngayon?"

"parang hindi.. nandito kasi si Kiko sa bansa ngayon.  puntahan ko muna siya"

"sakto!! isama mo na...  ahhh oo nga pala hahaha" bawi naman agad ni Sol sa sinabi niya.. alam kasi niyang hanggang ngayon palihim parin ang relasyon namin.. kami kami lang sa YG ang nakakaalam

.

.

.

.

Nasa Venue na ako kung san ipapalabas ang Movie ni Top.  kasama ko Si Daesung at V.I

"ayan na pala sila Sol eh" -Daesung

lumapit sila samin pero sila  CL, Bom at Minzy lang ang kasama ni Sol.. tumingin ako sa likod nila kung may kasunod sila.. pero wala.. wala ang babaeng inaasahan ko..

"Di ba pupunta si Dara?" tanong ni VI

"Baka hahabol nalang yun. kanina pa namin tinatawagan pero di naman sinasagot"  Bom

"nasabi niyo ba ang tungkol dito?" Tanong ko

"alam niyang may event ngayon. siya pa nga nag paalala eh" CL

"Buti pa upo na muna kayo. puntahan ko lang siya sa bahay nila. malapit lang naman dito" Sol

"Tumawag si Mir sakin kanina eh.. ang sabi kasama nila si Dara.. nanuod ng Comeback nila.. baka nasa KBS parin siya.. dun mo nalang puntahan.." Minzy

"Samahan na kita Sol" alok ko sakanya pero hinawahan ni Daesung ang balikat ko

"Jiyong madaming reporters sa labas.." tama nga naman siya.. hanggang ngayon mainit parin ang mata nila samin..

H.O.P.E (Hold On Pain Ends)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon