KABANATA 6

43.8K 904 13
                                    


KABANATA 6: NOWHERE

HINDI niya alam kung anong direksyon na ang kanyang nilalakad habang karga-karga ang dalaga sa kanyang likuran. Inabot na din siya ng mahigit dalawang oras sa paglalakad simula nang umalis sila sa campsite ng mga armadong grupo. Iniangat niya ang katawan nito na nagmistula ng lupaypay sa kanyang likuran dahil nakatulog na ito sa pagod. Somehow, naibsan ang panlalamig ng katawan niya dahil sa init na binibigay ng katawan nito. Nakasandal ang ulo nito sa kanyang balikat habang ang dalawang kamay nito ay nasa kanyang dibdib, na animo'y nakayakap padin. Hawak niya ang dalawang hita nito sa likuran. He's imagining what's inside her damn long skirt. Ipinilig niya ang ulo. He had no time for human-sexual desires. As of now, their safety is his priority. Nakaramdam na din siya ng pagod at gutom.

Agad niyang naisip ang pagkaing naisalba niya sa backpack galing sa bus. Buti na lang at nakakuha pa siya ng mga biscuits, mineral water, flashlight, cellphone, and wallet ng dalaga bago tuluyang nakababa ng bus. Nagawa pa niyang pasimpleng inihulog ang backpack sa bintana ng bus. Noong hinarang sila ng mga armado sa daanan kanina, agad na siyang nag-isip ng escape plan, but when he saw this woman who was shaking in fear...he decided that he couldn't abandon her just like that.

This woman is pain in the ass, panay ang reklamo, ang kasungitan, at lahat na yata ng mood swings ay nasa babaeng ito. Gusto na sana niya itong iwan kanina sa gitna ng kagubatan dahil sa inis na nararamdaman niya. Tutal, nailigtas na niya ito sa mga manyak na kalalakihan. Masyado na ding mataas ang adrenaline niya na makalayo sa mga armadong grupo. But to think na mahuhuli ito ng mga sumunod sa kanila at mapapahamak, hindi din kaya ng kanyang kunsensya. Tiyak na habambuhay niya ito dadalhin sa hukay kung nagkataon.

He saved her because she needs saving. Servo ignored the feeling that he did not want to parted his way from her. Gusto niya ang presensya nito sa hindi malamang dahilan pero pilit niyang iginigiit sa kanyang isipan na kaya niya iniligtas ito dahil kailangan nito ng tulong.

Did she ask for help?

She didn't.

He just felt her intense fear dahil hindi na siya nito binitiwan sa bus magmula nang pumasok ang mga kalalakihan. When one of the armed men tried to get her, he's ready to fight for her. Kaya naman niyang agawin ang baril na hawak nito. He had several training in defense too. Naging reservist siya ng Armed Forces noon. But the fact na ayaw niya na may madadamay na mga civilians, he needs to stay calm. When they had interest with his money, he saw it as an opportunity to keep them safe for the meantime. He can give it all. He has lots of it. Ang purpose ng cash money ay para sana sa mga bata ng Sitio Lanok. Kulang pa nga ang perang iyon dahil hindi siya nakapagwithdraw dahil sa mabilisang transaksyon kahapon.

Hindi din pinalampas ng mga ito ang kanyang Debit cards. Ibinigay niya ang mga maling pincode. Hindi din naman malalaman ng mga ito dahil walang ATM machine sa lugar na ito. And by that time na e-wi-withdraw na ng mga armadong grupo ang laman ng kanyang mga cards, sigurado siyang nakatakas na sila ng dalaga. He was right. He did the right thing. His brother could lock his account kung may magtatangka mang nakawin ang pera niya sa banko once they found out that he was held as a hostage. The only fear he had at that time ay dahil sa babaeng ito na buhat-buhat niya ngayon. He could easily escape or even fight for them in a smart way kaya lang nag-aalangan din siya sa magiging collateral damage. Ayaw niya ng may casualty dahil hindi pa naman umaatake ang mga ito like killing them on the spot of ambush.

Isa pa, he could sense that those men wanted to hold him. Of course, they are interested in his money. Given the amount of money na nakuha ng mga ito on the spot of their ambush. They did not touch her because he laid down all his cash then. It was also a smart move that they pretended to be a couple. Laking pasalamat niya at nakadala siya ng cash dahil hindi pa naman niya ugaling magbyahe na may pera sa bulsa. Cards are enough to pay for all his needs when he is traveling.

Love and MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon