Alexiz's POV
Sabado ngayon at wala akong klase pero may pasok ako sa café ni Tita A. Kalalabas ko lang ng bahay ng mag-ingay ang cellphone ko na hawak hawak ko.
A text message from unknown number.
I opened it.
'Hey.'
'Yon lang ang laman ng message. Kumunot ang noo ko. Sino naman kaya 'to? Napatawa ako. Baka ang mga kaibigan. But no, hindi nila ugaling magpa-mysterious effect. I deleted the text. Ibinalik ko ang cellphone ko sa likod na bulsa ng suot kong three-fourth pants.
Nasa labas na ako ng gate at maglalakad na sana ako papunta sa café ni Tita A ng mapansin ko ang itim na magarang kotse na nasa gilid ng kalsada. Bisita siguro ng kapit-bahay. Pero teka... tumingin ulit ako sa itim na kotse. Parang may humihila sa akin na lumapit doon pero pinigilan ko ang sarili ko.
Napailing ako at naglakad na.
Habang naglalakad ako ay may naramdaman akong sumusunod sa akin at pagtingin ko sa likuran ko ay nakita ko ang itim na kotse sa hindi kalayuan. Kumunot ang noo ko at nakaramdam ng kaba. Binilisan ko na lang ang paglakad ko at ng makarating ako sa café ni Tita A ay nakabukas na ito kaya pumasok na ako sa loob. Saka lang ako nakahinga ng maluwang.
Kabubukas lang ng café ng makarating ako kaya wala pang costumer. Tumulong na lang ako kay Kiel sa pag-pupunas at pag-aayos ng mga upuan at mesa.
Eksaktong seven na ng may mga customer kaya naging busy kaming lahat.
Tanghali na at sinabihan na kami ni Tita A na mag-lunch.
"Lex,kumain ka ng marami para naman tumaba ka." Si Dan, ang cook ng café.
Inirapan ko ito. "Para mo namang sinabing payat ako."
"Bakit? Hindi ba?" Balik nito sa akin.
Binatukan naman ito ni Kiel at Judy. Si Judy ang cashier na kapareho kong estudyante na nagpa-part time pero sa hapon ang klase niya.
"Huwag mo ngang asarin si Lex, Dan. Katamtaman lang kaya ang katawan niya. Sexy." Sabi ni Judy at kumindat sa akin.
"Petite siya kaya ganyan ang katawan niya." Sabi naman ni kiel.
Napatingin naman ako sa sarili ko. Petite nga ako dahil kung tatabi ako kay Kiel o kay Dan ay hanggang balikat lang nila ako. Napanguso ako at ipinagpatuloy ang pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik ulit kami sa trabaho. At dahil sabado at wala ring klase si Judy ay tumulong na lang ako kay Tita A sa pagbake ng cake habang si Dan ay gumagawa ng pastries.
"Lex, darling, naalala ko ..." Sabi ni Tita A at tumingin sa akin. Katatapos lang nitong ilagay sa oven ang cake na kagagawa namin. Umupo ako sa stool at hinintay ang sasabihin ni Tita A. "Hindi ba sa Vasquez University ka nag-aaral?"
"Opo,Tita." Tumango ako.
"Buti at nakakayanan mo ang tuition doon."
"Opo. May insurance po na iniwan sa akin ang mga magulang ko at scholar po kasi ako ng university." Bukod sa mga kaibigan ko at si Tita A ang isa sa mga pinagsasabihan ko ng problema ko at nararamdaman ko. Ang sabi niya sa akin ay parang 'anak' na daw ang turing niya sa akin. Nasa ibang bansa kasi ang nag-iisang anak niya at doon nagtatrabaho.
Napatango-tango si Tita A. "Kung may kailangan ka, magsabi ka lang ha."
"Opo."
"Pwede kang magsabi sa amin pero except sa pera, Lex. Kailangan din namin ang pera." Sabad ni Dan. Inirapan ko ito at binato ng kutsara.
"Hindi ako interesado sa pera mo." I said.
At nagtawanan ang mga kasamahan namin.
"BYE, EVERYONE!" Malakas kong sabi.
Eksaktong nine na ng gabi kaya nagsara na ang café.
"Bye, ingat." Si Judy.
"Ingat, Lex. Ihahatid ka sana namin pero alam kong tatanggihan mo rin lang." Sabi kiel na sinang-ayunan ni Dan.
Nag-thumbs up lang ako. "Si Judy na lang ihatid niyo. Medyo malayo ang uuwian niya." Sabi ko.
Kaagad namang tumango ang dalawang lalaki kaya tatlo silang magka-angkas sa motor ni Dan.
"Lex, darling, mag-ingat ka, okay?" Si Tita A.
"Opo, Tita. Ingat sila sa akin." Sabi ko.
"Ikaw talagang bata ka." Naiiling na sabi ni Tita A.
Tumawa na lang ako at naglakad na ako pauwi. Naalala ko ang itim na kotse. Sino naman kaya 'yon? Nagkibit na lang ako ng balikat at patalong-talon na naglalakad. Alam kong childish pero trip ko lang. Katulad pa rin ng dati ay may mga nakakasalubong akong mga naglalakad.
Malapit na ako sa bahay ng madaanan ko ang ihawan ni Aling Rona. Bukas pa ito ay nakikita ko pa siyang nag-iihaw, may mga customer rin itong kumakain sa loob.
"Lex, halika! Mag-barbecue ka muna!" Aya ni Aling Rona.
"Sige po!" Lumapit ako at tumingin sa mga paninda nila.
"Limang stick po ng isaw, limang stick po ng dugo at lima pong stick ng hotdog." Sabi ko.
"Sige, maupo ka muna diyan at mag-iihaw ako."
"Sige po. Tumango ako at pumasok sa loob. Naghanap ng bakanteng pwesto pero iba ang nahanapan ko. Ang mga walang hiya. Pumunta sila dito at hindi man lang ako inaya.
Lumapit ako sa dalawa. "Ang daya niyo talagang dalawa 'no?" Sabi ko.
Sabay na lumingon ang dalawa, "Lex?!"
"Ay hindi! Picture lang 'to." Pamimilosopo ko at umupo sa tabi ni Lia.
Yumakap sa akin si Lia at nag-sorry. Ganun din si Bakla.
"Alam kasi naming pagod ka kaya hindi ka na namin inabala." Sabi ni Marion.
"Tsk!" Nasabi ko na lang. Kinuha ko ang isang stick ng dugo sa plato ni Lia.
"Hey! That's mine."
"Palitan ko mamaya." Nang maubos ko ay kumuha naman ako sa plato ni Marion ng isaw. Hindi naman ito nagreklamo at pinabayaan ako.
Kain lang ako ng kain. "Girl, okay ka lang?" Tanong ni bakla.
Tumango ako. "Oo naman."
"Sure ka?" Tanong naman ni Lia.
Tumango ako at sumubo ng isaw.
"Lex, kanina ka pa kain ng kain. Naubos mo na rin ang inorder mo at ngayon naman ay ang inorder namin ang kinakain mo." Sabi ni Lia.
"Ha?" Tumingin ako sa mga stick ng barbecue na pinagkainan ko at sa pinagkainan ng dalawa. Ako nga ang pinakarami.
"Sorry," sabi ko at nag-peace sign.
Inihatid ako ni Marion at Lia hanggang sa labas ng gate ng bahay ko. Pagdating ko sa tapat ng pinto ay may nakalapag na isang boquet ng bulaklak.
Wrong delivery ata. Pinulot ko ang bulaklak at nakita kong may kasama itong card.It says 'congratulations in advance,Alexiz.'
Biglang nanlamig ang mga kamay ko at nakaramdam ako ng kaba.
Sino ang nagbigay sa akin nito?
BINABASA MO ANG
KIDNAPPED BY THE MAFIA BOSS (Incomplete)
ActionAno ang gagawin mo kapag nagising ka sa hindi pamilyar na kwarto? At biglang may papasok na gwapong lalaki at sinabi niya na gusto ka niyang pakasalan. Syempre tatanggi ka. Hindi mo naman siya kilala 'di ba? At magtatanong ka kung bakit ka niya kini...