{Darwin Keil's POV}
"Hoy tuko!!! Buhay ka pa pala?!" Sigaw ng kaibigan kong Dragon. Si Geoff Drame o GD. kasama niya si Monster na kambal ko. De joke lang. Siya si Rap Mendez. Kasama naman niya si J Hope. Oo, ganyan talaga yung pangalan niyan. At ang pinaka-matino sa'min na si V. Oo.. Tama rin kayo.'V' lang ang pangalan niyan. Natamad siguro yung magulang mag-isip ng pangalan kaya V na lang. Siya si V Tururut. Oo. Yun yung apilyedo niyan. Kulang na lang mag 'Pururut' eh.
"Tingin mo,Dragon? kaya nga nakakatayo pa ako't humihinga dito,diba?!" sagot ko sa kanya.
"Natawa na ba kami?" sabi ni V.
"Hoy Mister Tururut !! Ikaw ba'ng kinakausap ko??" tanong ko sa kanya. Ganyan siya eh. Cold guy. Puro tulog.
"Ewan ko. Geh. Continue !!" sigaw niya. Akala mo kung sinong boss. Sapakin ko yan eh. Pasalamat kayo Kay Author ... A.R.M.Y yan!! :3
{P.S: kung sino yung hindi nakaka-alam ng A.R.M.Y. yun yung tawag sa mga fans ng BTS. Geh. Kontinyu! Rak na ituu}
"Ah ok. Akala ko patay ka na eh." sabi naman sakin ni GD. Kung sapakin ko kaya 'to!? Hindi ko na lang siya pinansin. Yun yun eh.
Nasa hallway kami ngayon papuntang class room. At yung mga babae dito halos malaglag na yung panty kaka-titig sakin. De joke lang. Kay V lang yang mga yan naka-tingin. Kami lang yung panirang background at assumero. :3
Nasa room na kami. Section C ako. Ganyan ang stupidyante mga 'tol. Walang paki-alamanan. Kung gustong mong maki-alam, edi gawin mo. Wala namang pumipigil sayo eh. Lul.
Umupo na kami sa pinaka-dulong upuan. Ganyan yan. May pinapanood kasi kaming hindi kanais nais kapag boring mag-turo yung Teacher o di kaya wala ka lang ganang makinig. Para hindi kami mabisto agad. :P
"Keil , Cut tayo ng class mamaya ah? wuahahaha" bulong sakin ni J Hope. (J nalang for short. Tamad si Author eh.)
Yan tayo eh. kami ang mga hari pagdating sa mga tumatakas sa skul. Pumasok ka pa kung tatakas ka lang diba? May kasabihan nga tayong “I had choosen the path of the black sheep rather than that of the unicorns and puppies." oh diba? Ano? na-intindihan niyo? Kung hindi...... parehas lang tayo. Wag kang mag-alala *wink*
BINABASA MO ANG
Wedding Dress
Teen FictionThe moment when you saw her wearing the wedding dress - - - - :')