Operation: 10

1K 18 0
                                    

Alexa

Ano kaya ang ginagawa nila Jarred at Alison sa music room kanina? Nakita ko kasi e, umiiyak si Alison, parang nabasted. Hindi, hindi, hindi! Hindi ganyang tao si Alison! "Hoy! Alam niyo! Nakita ko sa music room sina Alison at si Jarred," sabi ni Cheska, ano? Nakita rin niya? "E, ano naman ang ginagawa nila dun?" Napatanong si Tracy, "Duh! Baka nabasted!" Retorted my younger sister Therese, "Oo, there could be a possibility," Cheska said, at ako naman, natulala, "Bakit?" Therese asked, "Umiiyak kasi siya e," Cheska took a bite of her sandwich, "Sino?" Tracy asked, "Si Alison! Nakita ko sila kanina nag-usap, pero hindi ko narinig ang pinag-uusapan nila. Ang alam ko lang na biglang umiyak si Alison at si Jarred naman walang pakialam!" Ngumiti si Cheska, "Hindi naman sa ganun e. Hindi naman ganyang tao si Alison diba? Hindi siya nagkagusto kay Jarred e." Finally I already talked, "Uy! May nagseselos!" They teased, "Hindi naman sa nagseselos ako, ipinagtatanggol ko lang si Alison dahil alam kong hindi siya ganyang tao. At malay mo baka family problems lang?" I said looking away, "Teka, ba't mo naman ipinagtatanggol si Alison? Hindi naman kayo close," Cheska denied, "O, masama bang itatanggol ang gusto mong maging kaibigan?" I said rolling my eyes at Cheska, "Wow a! Snab snab lang ang peg!" Therese said laughing, "I was just asking e!" Cheska looked away and then, "May itatanong lang sana ako... Kailan mo pa bang gustong makipagkaibigan kay Alison ha Lex?" Biglang naitanong ni Tracy, ang question na hinuhulat ko, "Well, good thing you asked! Sa simula palang gustong gusto ko na si Alison, I am nothing compared to her! Oo, popular man ako, pero not the fact na matalino, si Alison on the other hand matalino pero hindi popular! At tsaka she has all the traits I wanted me to be. Pagtransfer palang niya, gusto ko na siyang maging kaibigan pero parang occupied siya at parang kontrabida maldita, ngayon nalaman ko na ang too niyang self, ayan siya ang idol ko!" I smiled, "Ang daya mo ate!" Therese teased, "A, talaga a? E diba't hindi lang ako ang gustong makipagkaibigan kay Alison, pati ikaw.... diba?" I said, "teka, please tell us why you want to be friends with her," hindi talaga nasatisfied sa answer ko a? "Noong time na Roxanne spilled juice on my blouse, ipinagtatanggol ko lang naman ang sarili ko sa bruhang si Roxanne e. Pumunta ako sa CR at biglang may nagoffer sa 'kin ng blouse niya, to my surprise si Alison pala 'yon! Napasabi ako sa sarili ko ang bait bait pala niya!" They all turned quiet and then they finally spoke, "Daya mo!" They said together, bakit nagiging daya ako? Masama ba ang thought na gusto mong makipagkaibigan kay Alison?

         Biglang nagring ang cell ko, sino kaya 'to? When I looked at my phone, unknown number, sino 'to? "Hello? Sino ka?" My friends looked at me curiously, "Alexa! Kailangan mo pumunta dito! May nangyari! Si Yaya Tina 'to!" Si yaya? Kailan pa niya nakuha yung number ko? "Yaya, yaya! Umiiyak ka ba?" Para kasing umiiyak siya e, "Wala! Pero Inday, kailangan mo talagang pumunta dito! Si mama mo wala dito, yung papa mo nasa trabaho! Pano na yung lola mo?" Pumapanik ba 'to? Ano kaya ang nangyari kay lola? "Ano? Ano ang nangyari?" Parang pumapanik na rin ako! Kung may nangyari kay lola patay na talaga ako, "Pagbalik ko dito sa bahay, nakita ko si Ma'am Sierra sa kitchen, humihiga sa sahig! At hindi siya gumagalaw!" Ha? Hindi gumagalaw? Baka, naheart attack si Lola! Patay! Kailangan kong pumunta sa bahay! Baka maano pa 'yon si lola! "O segi! Papunta na ako!" Pagkatapos ng call, nagpaalam ako sa mga friends ko at pumunta sa labas, kasama ko si Therese, oo, talagang nagpapanik ako! Si lola kasi e! Alam naming may sakit siyang leukemia, bakit pa siya pumunta sa kitchen?! Dahil nagdadali kami nabunggo ko si Jarred , "O, Alexa! Parang nagmamadali ka no? Anong meron?" Tanong niya, "Sorry, Jarred! Nagmamadali ako hindi ako makapagusap!" Itinulak ko siya at nagmamadali patungo sa bus stop!

            Pagabot ko sa bahay nakita ko si lola sa sofa, "Lola! Gumising ka!" Sabi ko, "Lola!" Biglang may pumatak na luha sa cheeks ko, "Yaya! Please! Tawagan mo si mama at si papa!" Sabi ni Therese, "Opo! Inday!" Sabi ng yaya ko, naku! Ano kaya ang nangyari? Bakit hindi gumigising si lola? "Ma! Si lola! Hindi na po gumigising!" Sabi ni Therese kay mama, "Opo!" Therese nodded, "Papunta na siya dito!" Therese said, "Sir! Si Lola Sierra po! Hindi na gumigising!" Si papa rin papunta na dito, sabay kaming tatlo umiyak, "Lola! Lola!" Ang boses ni mama? "Ma! Ma, gumising ka please!" Si papa? "Let's get her to the hospital! Bilis! Merna, Tina! Tawagan niyo si Doctor De Castro! Sabihin niyo paparating tayo!" Sabi ni mama, si lola, papaano 'to nangyari!? "Ma! Pa! Okay lang yan!" I patted mother's back, "O, segi, segi, segi! Tara na! Punta na tayo sa ospital!" Sabi ni mama. Noong naabot na kami sa ospital, agad na ipinunta sa emergency room si lola. Pagkatapos ng i-check up si lola, may bad news na dumating, "Wala na po si Ma'am Sierra," sabi ni Dra. De Castro, Wala na si lola? "Oh my God!! Wala na si Lola!" Napasabog ang bulkang Mayon, I mean si Therese, napasabog ang luha niyang malalaki, of course! Mahal na mahal niya si Lola Se! At siya ang pinakamamahal naming lola! Namatay pa! "Therese! 'Wag ka nang umiyak anak! Tanggapin mo nalang! Wala na ang lola mo dito!" Sabi ni mama, "Wala na si lola..." napasabi ako sa sarili ko, "Segi na! Anak! Pumunta na kayo sa eskuwela! Baka nagaalala na ang mga teachers niyo!" Sabi ni mama sabay tulak sa 'min, "Opo mommy!" Napasabi ako sa mama namin, sabay consoling her, "Ate, ate! Kung uuwi ka na, sabay na lang ako... Para, hindi ako masagasaan ha?" Natulala kaming lahat sa sinabi niya, "O, ba't ka pa masagasaan?" Napatanong si yaya, "Because I am depressed! Close kami ni lola! Tapos hindi siya nagpaalam sa 'kin!" Umiiyak nanaman siya? "Haay naku Therese! Tanggapin mo nalang! Wala na si lola! Hindi mo kailangan magdurusa ng ganito! Andito naman kami!" Sabi ko, "Tara na! Punta na tayo sa eskuwela!" I said, dragging her to the car...

[Completed] Operation: Mr. Popular Must Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon