--Before I Bade Farewell-- (on going series)

96 2 3
                                    

hello . this is the first time that i'll become an author . haha . hindi ko kasi line ang magsulat pero dahil nakikita ko mga friends ko na nagsusulat dito kaya nakiuso nlang din ako . hehe . short lang note ko .. hehe .. so here's my story .. Hope you like it ! <3

CHAPTER 1

(Asha's POV)

        Umaga na naman. Maaga yata ako nagising ngayon ah. Hindi naman ako sanay sa ganito kapag may pasok kasi sa pagkakaalam ko, iiyak ang araw ko kapag hindi ako na late sa klase. Pero sanay na ang lahat sa akin maging aking mga guro.

        Pagkatapos kung kumain, maligo at magbihis ay dederetsu na aku sa paaralan. Ay! Ako nga pala si Asha Claudette Perez .Isang 3rd year student ng Green Mont High School . Simpleng nilalang lang sa mundong ito. Kumakain,tumatawa at marunong ding umiyak ngunit hindi ko pa naranasang ma inlove. Hindi rin naman siguro ako nagmamadali teh ! Ai teka speaking of iyak.

        "Asha !", naku paparating na ang baklang iyak ng iyak kahapon. Ikaw ba naman iwanan ng papable sa araw ng Monthsary niyo pa. May surprise pa naman na inihanda ang baklita. Kawawang nilalang yata siya ngayon.

        "kumusta girl? nkapag move on ka na ba?"  dala tawa nang malakas. nakita kung nag pout mukha niya pero hindi ku talaga mapigilang tumawa. Siya nga pala si Reysha ( Reynan pag umaga lol ). Best friend ko siya kaya alam ko kung ano ang tunay niyang nararamdaman sa mga panahon ito. Mahal ko BFF ko no kaya batid kong nasasaktan siya.

         "Ano ka ba naman Asha! Kita mo ngang maga pa ang mga mata ko ohh! Hindi lang naman parang luha ang sakit na nararamdaman ko na kapag iniyak ku na eh mawawala agad!",  humagulgol na naman sya sa pag iyak. Wow, first time kong makita ang baklang to na naging seryoso .LOka loka kasii to eh at masayahin.

        Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Napapaiyak ang isang masayahing tao. Kaya nga ayaw ku pang ma inlove. Gusto ko na ang  first love ko ay yung taong papakasalan ko na. Para sa kanya na ang buong pagkatao ko.Ohh diba package deal na sa taong sasabihan ko nag I do sa altar. haha

        "Pasensiya po." sabay akbay sa kanya . "Sabi ko naman sayo bakla na huwag ka nang magseryoso sa mga lalaking yan. Ma uubos lang allowance mo diyan. Tapos yang love, love na yan makakapaghintay yan. Darating rin yan sa tamang panahon. Tignan mo ako, staying pretty at walang matang namamaga. Darating din ang babaeng para sayo!" pabiro kung sabi sa kanya. kaya ayun, nakatanggap aku malakas na batok!

        "Aray! biro lang nman Besty, alam ko namang lalaki ang destiny mo ehh.. hahahaha." tumawa lang ako ng tumawa. Para paring papel na kiniskis sa pilapil ang mukha nya. Kawawa nman besty ko. hehe

        Sa wakas nakaabot narin kami sa paaralan. Walking distance lang kasi bahay namin sa school ko pati rin kay reysha. Ahay! ( sigh).

        Nandito na naman ako sa lugar na to. Napaka tamad ko talaga mag aral. Parang kalbaryo buhay ko kapag nasa classroom na ako. Pero ok lang, naka ligtas din naman ako sa mga utusin sa bahay kaya kahit papano iigihan ko nalang pag-aaral ko kesa maging tagapulot aku ng bakal paglaki ko oh snatcher sa divisoria. Mas mabuti nlang tong mag-aral ng mabuti total nasa school narin lang naman ako.

        Pagkapasok ku sa room namin, nakita ko na agad mga friends and classmates ko. Meron nga pala name group namin. I.P ft. 4N kung tawagin. 7 babae, 1 bakla at 4 na lalaki. Kulang nlang samin lesbian at kumpleto na.

        "Anong araw ba ngayon ? Hindi nman siguro birthday ni Asha diba hahahaha ?" may nagsalita. isa sa mga kaibigan ko.  tawanan sila. alam kong inaasar nila ako dahil ang aga ko. hindi sila sanay. Ay! hindi ku pa pala nasasabi ba't ang aga kong nagising. Kasi naman maaga tumawag Papa ko na nasa ibang bansa. Seaman kasi siya kaya ayun pagkatapos nun di na aku naka balik ng tulog.

--Before I Bade Farewell-- (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon