Chapter 2

69 0 0
                                    

( Reysha's POV )

Buong gabi akong umiyak.. Ikaw ba naman, makita mo ang taong mahal mo na may kaharutang impakta.  Ang sakit ! Parang sinuntok ako sa puso. Di hamak na isang bakla lang kasi ako. Pinagpalit ba naman ako sa isang demonya na hindi naman kagandahan! Sa araw pa ng Monthsary namin! Galing talaga ng mga lalaki. At ako naman na feeling babae pilit namang umaasa. Parang ang drama ko na.

Habang naglalakad ako papuntang skul nakita ko naman si Asha, ang BFF ko. Ay! teka ako nga pala si  Reysha Dares, and diyosa ng kagandahan. ohh wag ka nang pumalag kasi wala ka naring magagawa .. haha, ay ! nasasaktan nga pala ako ngayon kaya dapat lungkot mode ako.

"Asha !" Sigaw ko sa kanya. aba teka ?? na ingkanto ba tong babaeng to? ba't parang ang aga niya ata ngayon?

" Kamusta girl? Nakapag move on ka naba?" tanong niya dala tawa. Galing! palibhasa di pa nasasaktan kasi nga walang minamahal. Pusong Bato ata themesong ng buhay pag.ibig nya.

"Ano ka ba naman Asha! Kita mo ngang maga pa ang mga mata ko ohh! Hindi lang naman parang luha ang sakit na nararamdaman ko na kapag iniyak ku na eh mawawala agad!", sagot ko sa kanya. At napahagulgol naman ako. Ganun? Assuming kasi ako kahit hindi ako gusto. Ayan tuloy kulang nalang e-imbalsamu tong puso ko nang matahimik na.

"Pasensiya po." sabi nya at inakbayan niya ako.

"Sabi ko naman sayo bakla na huwag ka nang magseryoso sa mga lalaking yan. Ma uubos lang allowance mo diyan. Tapos yang love, love na yan makakapaghintay yan. Darating rin yan sa tamang panahon. Tignan mo ako, staying pretty at walang matang namamaga. Darating din ang babaeng para sayo!"

Anoohhhhh ?? Binatokan ko siya ! Ayaw ko kaya ng babae ! Nakakalason yan ! baka matamaan pa ako ng kidlat nyan ! At ayan humingi na siya ng paumanhin.

Makaraan ang ilang minuto nakaabot narin kami sa skul. Pumasok na ako sa room at nagmukmok sa tabi. Alam ko na kahit anong oras ngayon makikita ko na naman ang Demonic este Dominic na yun.

Habang inaasar nila si besty, ako naman naka tingin lang sa bintana . Ang drama no? Parang koreanovela lang. Ganito nga siguro kung mainlove. ahay ( sigh )

Napansin siguro niyang tahimik lang ako kaya nilapitan niya ako sabay tanong.

"Besty? Ano gusto mo gawin o kahit kainin ? Treat ko maya after class huwag ka lang mag mukmuk diyan. Oh hanap tayo ng nag nonobina sa mga patay para ipagdasal nalang yang puso mo ?", natawa nman ako bigla. Buti naman my dumaramay pa sakin. masaya narin ako.

" Salamat sa pakikiramay besty pero hindi naman ako namatayan. Papatayin ko palang kaya needed ko mangkukulam. hahahaha", totoo naman ang sinabi ko. kung pwede ko lang ipakulam nalang ang demonyong yun.

Dumating na ang guro namin ng biglang may nagtext. Papable ko :) Makareply na nga lang. Ang dami ko lang talagang text friends kaya ito, busy busyhan na  sa pagrereply.

Habang panay ang text ko, nakita ko namang biglang lumingon sakin si besty ang umiling. At ayun, Parang sumabog sa kaba ang puso ko ng tawagin ako bigla ng guro namin.

" Mr. Dares !",

" Ay Butanding!", biglang kong nabitiwan ang celphone ko dahil sa gulat.

"Yes Mm-ma'am?" nag aalinlangang tanomng ko sa kanya. Alam ko na yata ang susunod na mangyayari. Hindi kasi ako nakikinig !

"Who was the first Emperor of China ?", buti nman hindi gaano kahirap ang tanong, kaya ko to!

"Ahmm, Qing Shi Huang Ma'am.", hay. nakahinga rin ng maluwag.

Nang paupo na ako b igla naman akong tinawag ulit !!

""Mr. Dares, why did he built the Great wall of China?", panginoon at lahat ng santo tulungan niyo ko! Tumingin ako paitaas hanggang sa natandaan ko ang topic namin nung 2nd year high school ako !

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

--Before I Bade Farewell-- (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon