Past 2

103 1 1
                                    

Jessica's POV

" Sica... Sica..." minulat ko yung mga mata ko O.O

wow.. nasa paradise ata ako. Ang daming paro-paro. Fresh yung air. Ang ganda ganda ng paligid. Ang daming flowers at mga puno.

"Sica~~" ang ganda ng boses ng tumawag sakin, Malambing ang kanyang boses. Nilingon ko ang tumawag sakin.

T-teka.. totoo ba itong nakikita ko? Kinusot kusot ko ang mata ko dahil baka namamalik-mata lang ako pero-- Totoo ang nakikita ko ngayon. OMG.

At hindi din kayo maniniwala sa nakikita ko ngayon. Maniwala man kayo't sa hindi nakakita ako ng Fairy na nakasakay sa kanyang unicorn.

T.T Huhu Iyak todo, tulo uhog. Simula pagkabata ko nang hinihiling na makakita ng Fairy at unicorn tapos sasakay kami sa unicorn nung Fairy at tatawid kami sa Rainbow papuntang Fairy Land.

"Sica~~" inilahad ng ang kamay niya sakin..

"Sica~~~" muling sabi ng fairy..

"FAIRY! SA WAKAS NAKAKITA NA DIN AKO NG FAIRY WAHAHAHA" sigaw ko sabay tawa..

"Punyeta ka Sica~~anong pinagsasabi mo~~" mahinhin na sabi ng fairy. O.O n-nagmumura pala yung mga fairy? Cool.

hanggang sa nararamdaman ko na gumuguho yung paraiso.. parang may earthquake na magtinude 100.

"Fairy!!!Help help help!!" sigaw ko pero lumipad lang yung unicorn niya paalis..

*BOOOOOGGGGSSSHHHH*

"aray.." minulat ko yung isang mata ko at tumayo sa lapag..

t-teka paano ako napunta sa lapag?

"Hoy babae ka. Tulog mantika ka nanaman. Alam mo ba kung anong oras na ha?--" Tinignan ko kung sino yung dakdak ng dakdak.. si Tiffany lang pala -,-

"Ang aga-aga dakdak ka ng dakdak. Di pa nga ako nakakapuntang Fairy Land eh!" sabi ko at gumapang ulit sa kama ko.

Late na kasi ako nakauwi sa bahay. Sinabi ko kay Mom na makiki sleep-over ako kina SeoBest pero pinilit ako nila Lay na umuwi na sa bahay at magpahinga nalang, Hayaan nalang daw namin si SeoBest na pahingahin yung sarili niya.  Hellow!! For Pete's Sake paano makakapahinga si SeoBest kung laging nagrereplay sa utak niya yung mga nangyari noong gabing iyon!!

"Sica bumangon ka na diyan!! Its 10 in the morning. Damn it pinuntahan kita dito para sabihin sayo na nasa ospital si Seohyun." sabi ni Tiffany.

Bigla naman akong napamulat sa sinabi niya at napatayo agad sa kama.

"Bakit di mo agad sinabi sakin? tss.." sabi ko at nagmartsa papuntang banyo.

Naghalf bath nalang ako kasi di ako makaligo ng maayos. Nagbihis na din ako at umalis  kasama si Panyang. Naabutan ko kasi siya na natutulog sa kama ko. Siguro di siya nakatulog kakaisip kay SeoBest.

Gosh!! Gusto kong putulan ng leeg yung Yonghwa na yun eh!! Sabi ko na nga ba di yun mapagkakatiwalaan. Kasi naman eh.. Bigla nalang siyang pumasok sa buhay ni SeoBest. Tss.. ano bang problema niya? Sarap sipain ng mukha niya eh.

Nang nakarating na kami sa hospital nagpunta agad kami sa room ni SeoBest. Naabutan naman namin dun ang barkada.. tahimik at malungkot silang nakatingin sa natutulog na Seohyun.

Nakita ko yung mama ni SeoBest at niyakap siya. Sabi niya maaayos na daw ang lagay ni SeoBest.

Ako yung kinakabahan kay SeoBest eh. Natatakot ako na mangyayari ito sakanya.

Sobra magmahal si SeoBest, At ang effect nun wala nang matitira para sa sarili niya.

Umalis ang Mama ni SeoBest dahil may kukunin daw ito sa bahay.

The Rule Breaker (ExoShidae fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon