Magdidiet na ako!

790 28 20
                                    

Magdidiet na ako

Sawa na ako sa kakababoy niyo

Lumba-lumba, dabyana, at hugis aparador

Nag-exaggerate pa, di daw kasya sa door.

Unang araw, sa may karinderia

Ang sabi ko, "isang cup ng kanin lang"

Di ko napansin, busog na ako.

Sampung beses ko na palang nasabi: "Isang cup ng kanin po"

Naku, mukhang napasubo ako ngayon

Pangalawang araw ng pagdidiet, handaan ang punta ko

Nakita ko ang litson, tumulo laway ko.

Noong araw na iyon, nakalimutan ko ang ang plano't ang pangalan ko

Sa pangatlong araw, bumili ako ng gulay.

"Pananghalian natin 'to" sabi ng nanay.

Natuwa ako nang bahagya, dahil tuloy na ang pagdidiet ko.

Ngunit, ang mukha ko'y nakabagsak habang nginunguya ito.

Makalipas ang ilang oras, kumalam ang tiyan ko

Di ko iyon pinansin, at pinatuloy ang paglalaro

Isang minuto ang nakalipas, kumaripas ng takbo

Ang tindahan ng mga tinapay, tinuring kong hero!

Pagkarating doon, may nakita akong lalaki

Tall, dark, and handsome. Ay hindi pala, dahil siya'y maputi

Tumingin siya sa akin at biglang ngumiti

Ako nama'y napatulala at ang pagkagutom ay hindi na napansin

Pagkatapos noo'y, madalas na kami nagkikita

Siya rin ang naging inspirasyon ko upang mawala ang taba

Natutuwa ako dahil sa bawat linggo'y nababasawan ang aking timbang

Pati ang leeg ko'y natatanaw na ng aking matang malamlam.

Minsa'y nagdate kami nung lalaki sa isang restawran

Gulay lang inorder ko, upang makatulong sa pagpapayat

Ang lalaki'y nagtaka sabi, "Ba't ka nagkakaganyan?"

Ako naman ang nagtaka, at tinitigan lamang siya.

Itinuloy niya ang pagsasalita, habang ako'y napanganga

"Minahal kita kung sino ka pa

Mahal kita kahit pa mataba ka

Mamahalin kita kahit pa hindi ka na makalakad."

Dagdag pa niya, habang ako di makapaniwala:

"Mas gusto ko yung hindi mag-abot ang kamay ko kapag ika'y kayakap

Dahil mas lalo kong nararamdaman na ang laki-laki ng aking pagmamahal

Sa taong kailangang mahalin muna ang sarili bago ang ibang tao diyan."

===

"Don't let anyone underestimate you. Don't let them make you feel down. Love yourself. Appreciate yourself. Teach them how to look beyond."

--Sinulat ko habang nagdidiscuss yung teacher namin. Hehe. Nakakatamad makinig e. (^_^)

Don't forget to comment, vote and become a fan po! ♥ ♥

Magdidiet na ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon