Sarielle's P.O.V.
Nagising ako ng nagkakaingay sila Liram sa may tabi ko pero hindi na ako nag abala pang tingnan kung ano ang pinagkakabalahan nila. Nagpatuloy na lang ako sa pagka ub-ob ko sa desk ko ng may maramdaman akong kumalabit sa may balikat ko. Hindi ko ito pinansin dahil alam kong si Ayica lamang ang gumagawa nun sa akin ngunit maya maya ay may kumalabit na muli sa akin at nagsalita na ito.
''hey'' sabi ng isang baritonong boses sa may harap ko.
Wait kailan pa naging baritone ang boses ni Ayica? Pag angat ko ng tingin ay Nakita ko ang isang pares ng mga mata na nakatingin sa akin, isang lalaki ang nasa harap ko at naiirita ako dahil ang lakas ng loob nitong kalabitin ako at istorbohin ang pagtulog ko.
''I bought you some food, hindi ka pa kumakain diba?'' sabi niya
Tiningnan ko lamang siya saka ang inaabot niyang pagkain, sino ba ito? Kalian pa ako nag karoon ng alalay para bumili ng pagkain ko? As far as I remember wala akong kakilalang lalaki ditto sa room, that's fxcking weird -.-
''hindi mo ba tatanggapin? Nangangalay na ako dito, saka sayang naman ng effort ko kung titingnan mo lang ito'' sabi niya na medyo nahihiya
''Tss'' sabi ko at bumalik sa pagka ub-ob
''omaygas I'm so kinikilig~ yiee sari my loves hihihi'' bigla namang sabi ni Ayica na mukhang kilig na kilig
''girls anong meron? Gaad ang aga aga puro kayo lande hahaha'' rinig kong sabi ni Caie
''hey'' sabi nya at kinalabit uli ako
''what?'' asar kong sagot at tumingin na sa kanya
''ang cold mo talaga, concern lang naman ako saiyo e'' sabi niya at inilapag na sa desk ko yung mga pinamili niya at pumunta na sa kanyang upuan
Okay anong gagawin ko dito? And worst pano niya nalamang favorite ko ang strawberry milkshake? Kanina pa ako natetempt kung hindi lang ako nahihiya ay kanina ko pa ito kinuha sa kaniya at alam kong tutuksuhin ako nila Gwyre (marunong din naman akong mahiya lalo na sa mga taong ngayon ko pa lamang nakilala) tss what a pain -.-
''Sar you should eat na, mamaya pa ang lunch hindi ka ba nagugutom?'' bigla ng sabi ni Gwyre
''Sarii kainin mo na yan bago pa dumating yung prof natin, alam kong gutom ka na. sorry kasi di kita nabilhan ng pagkain kaya kainin mo na yang binigay nung lalaki kanina'' paliwanag naman ni Jamon
Okay fine wala na akong choice -.- pagtingin ko sa gawi nila liram ay kilig na kilig ang tatlo tss.
Kinain ko na yung binigay nung guy, habang kumakain ako ay narinig ko ang tuksuhan sa gawi nung mga lalaki, mga kaibigan siguro nung nagbigay sa akin ng pagkain.
''Zar kinakain na niya yung binigay mo''
''fxck pre ang bading mo, namumula ka hahahahah''
''shut up''
Hayss hindi na ito mauulit Savanna Gabrielle! Naubos ko yung sandwich at strawberry milkshake at naglakad papunta sa may trash can para itapon yung mga basura at pumunta ako sa upuan nung guy na nagbigay sa akin ng pagkain para magpasalamat.
''uhm..'' sabi ko para makuha ko ang atensyon niya na ngayon ay nakikipag usap sa katabi niyang lalaki
''Zarent si gabrielle mo'' bulong nung isa na rinig ko naman tss
''Thanks'' sabi ko sabay talikod at pumunta na sa upuan ko
''Gabrielle, I'm Brent and from now on I'll make you mine no matter what'' sabi niya bago ako makaupo sa upuan ko
YOU ARE READING
When Destiny Plays (Slow updates)
Teen Fiction"While the world sleeps, Destiny plans the next move to take..." - Brent "Maybe two people are destined to fall in love but not to be together in the end ..." - Gabby --------------------------------------