"KYAAAHHHHH!!!!!"
My gashh!! Ang panaginip ko ang keleeggg! Biruin mo boypren ko daw si Krass Jitard (Krass No.1)?
Nakuu. Parang gusto ko ulit matulog at ipagpatuloy yung panaginip ko. Kaso naalala ko imposible na yun XD
Buong ngiti akong bumangon at nagligpit ng higaan.
Mr. DreamBoy, Mr. DreamBoy
Ano kaya ang nasa isip mo?
Hmmmm. Hmmm. Hmmmm
La la la la la la~~~~~Sinabayan pa ng pagkembot ang pagkendeng ang ginagawa kong pagliligpit.
At nang matapos ako, lumabas na ako para sa almusal.
Naabutan ko si Mama na naghahain na.
Nakuu na-late ako😅. Ako dapat yan eh. Mukhang napasobra tulog ko
"Ma, gudmorning! Sarrey na-late aketchh!"
Dumeretso ako sa banyo para gawin ang aking RITWAL.
Hilamos..
Mumog..
Toothbrush..
Make up.. CHAROOTT!
Pagkatapos ko nag umpisa na akong lumafang.
Nom. Nom.. Sharappp
Habang kumakain ako ay dumating nadin si Mikhael, kapatid ko.
Dito kadi sa bahay, walang gisingan. Kapag nalate kang bumangon, at late kang papasok sa school, walang sisihan.
Ako sana ang nakatokang magluto kada umaga pero napasarap ang tulog ko. Si Krass kasi ihh.
Imbyerna ang mukha ni Mikhael.
"Mikmik, anyare sayo?" Tanong ko habang kumukupit ng hotdog.
"Dont call me Mikmik!" Haha imbyerna nga si shupatidd.
Sarap pikunin.
"MIKMIK! MIKMIK! MIKMIK! MIKMIK!..."
La lang. Sarap mang asar. Kapag ganitong maganda ang mood ko, gusto kong manira ng mood ng iba.
Masama ba yun?
Hindi, Maharot lang ako. Di ako masama.
"Shattap!"
Ahihi pikon sya.
"Belat Mikmik!" Sabay labas ko ng dila.
"Mhicca, tumigil ka sa pag aasar kay Mikmik" Saway ni mama
HahHa ang kyut ni mama
"Ma!"
"Ay Mikhael pala" Sabay Korean pose.
Lam nyo yun? Yung parang letter V tas itututok nya sa mata?
Lah, si Mama? Feeling Teenager. Tanders ka na Ma! TANDERS!!
Syempre hindi ko yan sasabihin. Edi wala akong baon nyan XD
Pagkatapos kong kumain, naligo na ako at nagbihis para sa eskwela.
♥
"Ambernina Maricar Estopacristo!!!"
Sigaw ko kay Amber ng makita ko syang palabas na ng bahay.
Sumasabay kasi sya sakin, sa kotse ni Mikmik. Ahihi!
Andaya nga eh. Sya may kotse, ako wala. Kahit bike lang. Andaya talaga! Ampon yata ako T_T
Sumimangot sya sa sakin. Ayaw nya kasing tinatawag sya sa buong pangalan nya.
Syempre maganda ang mood ko, masarap manira ng mood ngayon.
Hahahaha Bwahahaha!!!!!
Ok tama na, Mhicca. OA na!
"Hambalusin kita jan MHIRANDA CCALISTAH EDREN SARALLIAN!"
Hihihi ang cute nya mapikon.
Ayaw na ayaw ko din ng tinatawag ako sa buong pangalan, but since maganda ang mood ko, echapwera ko muna.
Hinatak ko na sya at pinapasok sa passenger seat.
Crush nya si Mikmik ihh.
Pambawi lang sa pangaasar kay Amber.
Kitang kita ko dito sa likod na namumula si Amber.
Kyot!
Nasabi ko bang twins kami ni Mikmik? Oh ngayon, nasabi ko na. XD
Medyo madaldal ako kaya hindi naman masyadong na-bore tong dalawa.
Masungit si Mikmik minsan pero hindi nya ko inaaway.
Kagaya ngayon, kanina lang imbyerna na yan sakin, ngayon patawa tawa na!
May saltik po sya.
"You're crazy, Mhicca"
Luh, grabi tong Mikmik na to!
"Masama bang magkaroon ng 1,2,3,4,5....9 na crush?"
Binibilang ko pa sa daliri ko sila, mga crush ko.
"No, but its so OA that you have many crushes."
"Wala pa tayo sa school, english ka ng english" Kasi naman!
"Cant help it"
"Can't help it nye nye!"
Napa-Tsk nalang sya
What's with boys and their "TSK" and "TSS" ?
Hala , nasapian na ako ng English spirit ni Mikmik!
ChaRott!
Okay ulitin ko lang. 9 yung crush ko peri NBSB po ako.
#1 JITARD PENSON- Basketball player
#2 JEYWAN MALLARI- Soccer Player
#3 CLYDE SERVIO- The Cutie
#4 JOAO SAINNS- The Famous (Campus Crush)
#5 PETER MARIPA- The Casanova
#6 KYLE CALIXTRO- Basketball Player
#7 SHUN LAO- Tennis Boy
#8 CASTRO CASTRICIONES- The Brain/ The Badboy
#9 CHESTER LAPAZ- The internet Sensation (More Famous than Joao Sainns; YouTube, Ig, Twitter ,etc)
A/N: (Singit lang si Crush Ahihi)
Konti pa nga lang yan eh. Haha Maharot lang ako, di ako nangongolect. Konti lang yan.
Nasa tapat na kami ng room namin ngayon. Nakuu, simula na ng Stress!
Kaya mo yan Mhicca! Aja! Hwaiting!
••••
Okay! Yan lang muna po. Medyo stress pa ko ngayon ehh. Sana nag enjoy kayo kahit konti. Thank you sa pag appreciate (in the future).
07-10-19
Exo Saranghae
By: VaklangShupatid
YOU ARE READING
MHICCA, MAHAROT
Teen FictionAng kwentong ito ay puno ng kaharotan. P.S. Wag kang ano dyan. Maharot ka din!