Just a Dream (one shot)

178 5 3
                                    

MEMORIES

Yun lang ang natira saamin ng bestfriend ko. Buti pa nga ako, may naaalala pa. Eh siya? Wala man lang ni isa.

I THOUGHT IT WAS JUST A DREAM...

Naaalala ko tuloy ung mga pinagsamahan namin ng bestfriend ko. Si Jerome Lozada. Siya ang karamay ko kapag nasasaktan ako. Sya ang naging saksi ng bawat tagumpay ko. Every summer vacation lang sya pumupunta sa bahay kasi sa malayong lugar sila nakatira. Tuwang-tuwa ako pag nandyan sya.

-FLASHBACK-

Yes! Summer Vacation na! Malapit nang dumating si Jerome!

Magde-date daw kami ngayon. Best friend date lang.

Naghintay ako sa park na paborito naming puntahan.

1:00 pm palang kaya naghintay ako sa kanya.

1:30pm

2:00pm

4:00pm

Ilang oras na akong naghintay sa park pero walang Jerome na dumating. Umuwi nalang ako sa bahay na nanghihinayang. Akala ko magiging masaya ako ngayong araw.

Ilang araw na ang nakalipas pero walang Jerome na dumating. Kahit tawag man lang wala.

Naisipan kong tawagan si Leni, kapatid ni Jerome.

-CALLING-

" Hi po ate Leni! Alam mo ba kung nasaan si Jerome?"

"Huh? Hindi ba nya sinabi sa iyo?" - Leni

"Wala naman po syang sinasabi sakin eh."

"Aalis na si Jerome. Dadalhin sya ni mommy sa Canada."

"Ano?!"

"Actually ngayon nga ang alis nila eh."

-CALL ENDED-

Aalis si Jerome!?

Hindi ko napigilang umiyak. Wala siyang pasabi sakin. Ganun lang ba kadali sa kanyang mang-iwan ng best friend?

Kinabukasan pagkatapos kong malaman ang nangyari. Nagulat nalang ako sa balita sakin.

-CALLING-

"*huk* hello Angel *huk*"

"Ate Leni? Bakit ka umiiyak? Kumusta na po ba si Jerome?"

"Wala na si *huk* J-j-jerome"

"Ate hindi yan magandang biro ha." sabi ko sakanya kahit naiiyak na ako."

"Angel *huk* plane crash. Wala na sya."

-BOOOGSHHH-

Nahulog ko ang phone dahil sa narinig ko. Si j-j-je-jerome wala na.

Nagsimula nanaman akong umiyak. No! He can't leave me! Sabi niya pupunta pa kami sa park. Sabi niya di niya ako iiwan.

A week passed at hindi parin ako makapaniwalang wala na si Jerome. May retrieval operation naman eh pero sabi ng mga rescuers na malabo na daw na may survivors pa, pero alam kong buhay pa sya at ramdam ko yun.

"Ate Angel!" sigaw ng kapatid kong si Lexus

"Bakit?"

"ATE!!! BUHAY SI KUYA!!!"

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Wag kang magbiro ng ganyan ha."

"I'M NOT KIDDING! BUHAY SYA ATE! NAKAUWI NA SYA DITO SA PINAS!!!"

"........."

"ummmhhh... bye ate"

-CALL ENDED-

Agad-agad kaming pumunta sa bahay ni Jerome kahit na malayo. Pagdating namin doon ay tumakbo agad ako papunta sa kwarto ni Jerome. Nakita ko sya doon sa kwarto nya kasama ang kanyang mommy at si ate Leni.

"Jerome! Buhay ka!" Bigla ko naman syang niyakap.

Pero tinulak nya ako.

"Sino ka?" - Jerome

Tumingin ako sa mommy ni Jerome pero hinatak ako bigla ni ate Leni palabas ng kwarto.

"I'm so sorry Angel pero...." - Leni

"ate! Anong nangyayari kay Jerome?!"- ako

"May permanent amnesia sya. Sorry." - Leni

-FLASHBACK ENDS HERE-

Sana panaginip lang lahat ng iyon. Hiniling ko sa maykapal na gawin yong isang panaginip. Pero hindi. Nasa realidad ako. I thought it was just a dream.

JUST A DREAM....

BUT IT ISNT...

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-THE END-

Sorry kung medyo err... Vote & Comment din :)

Just a Dream (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon