May matatanaw na kapayapaan sa pagsikat ng araw na hindi makita o maintindihan ng iba. Isang pakiramdam na lahat ng bagay ay posible.
Hindi ko alam kung nararamdaman din ba ito ng ibang tao pero ako, oo. Iba ang epekto ng pagsikat ng araw sa akin kaya sinisikap kong gumising ng maaga para mapanood lang ito.
Summer is the best time to watch the sunrise because no one in their right mind would be up early enough.
Kaya wala akong kaagaw sa paborito kong p'westo-- not until she came.
"Is this seat are taken?" she asked.
Not many people can remember the first words spoken by the love of their life, but I absolutely can.
The first light of dawn revealed the most beautiful girl I had ever seen.
Kasing bango niya ang bulaklak na ipinangalan sa kan'ya.
Dahlia.
Kaso hindi ako ang klase ng tao na romantiko at ang tanging naitugon ko lang ay, "Sige ba, wala namang bayad 'yan."
Ngunit ngumiti s'ya.
And with that, she invaded my secret spot, both next to the lake and in my heart. Dahlia wasn't there for small talk; she was there to admire the beauty of sunrise.
Tahimik kaming nakaupo sa gilid ng lawa at kalaunan ay naging tagpuan naming dalawa. We watched as the sun peeked over the horizon, covering the two of us in its warming light.
I had spent years guarding my secret spot, and now, surprisingly, unexpectedly, delightfully, I wanted nothing more than to share my sunrise with her.⊰᯽⊱┈──╌❊ - ❊╌──┈⊰᯽⊱
WAKAS
⊰᯽⊱┈──╌❊ - ❊╌──┈⊰᯽⊱
BINABASA MO ANG
AKDA 2023 (One-Shot Stories)
RomanceMga pinagsama-samang maiikli kong AKDA mula sa nakakaloka kong utak. Katuwaan lang naman. Ako rin ang gumagawa ng book covers and banner sa lahat ng mga story ko. Kaya kung susubukan niyong i-search ito, wala kayo makikita dahil ang iba rito ay ako...