1

2 0 0
                                    

JOANA

Ako nga pala si Joana, 17 years old at nag-iisang anak ng mga magulang ko. Noong bata pako hindi ko maiwasang mainggit sa mga batang nakakalaro ko, kasi sila may mga kapatid sila na nagtatanggol sa kanila kapag may nang-aaway sa kanila, kapag umuulan at bawal lumabas ang mga bata, pwede parin sila maglaro sa loob ng mga bahay nila. Pero kinalaunan, nasanay narin ako dahil nagkaroon naman na ko ng mga kaibigan na tinuturing kong mga kapatid at hindi lang isa kundi lima pa o diba instant anak si mama ng walang hirap, minsan nga eh mas gusto ko pa mapag-isa nalang sa sobrang ingay nila hahahahhaa. We may not be family by blood pero by love oo, korni na ewan ko ba hahahhaha. 

Kung ang mga magulang ko naman ang pag-uusapan eh wala nakong hihilingin pa, sobrang babait nila at napaka-swerte ko na sila ang naging magulang ko. Napaka-understanding nila at cool lang lalo na si mama, si papa naman yung medyo strikto pero cool parin siya hahahaha at makulit.

"Nana ! Lumabas kana diyan sa kwarto mo kakain na tayo ng agahan" tawag ni papa. Hays, oo Nana ang tawag nila sakin, pwede namang Ana or Joana nalang diba pero hindi eh ito talaga pinili nila, anyways baba na nga ako medyo gutom narin ako eh. Pagdating ko sa kusina ay nabigla ako kasi andito na pala yung mga damuho kong kaibigan sila Peter, Maica, Felix, Angela at Ekay. Naka-upo na sila lahat ako nalang talaga hinihintay.

"Hoy Nana ang tagal mo naman gutom na gutom na kami dito andami pa namang hinanda ni mama oh pinaghihintay mo ang grasya nako" sabi ni Peter sabay irap sakin. Hindi ko malaman sa lalaking to, ang kaartehan umaapaw eh kaya madalas naming inaasar na bading ang loko.

"Sorry naman ha, ano ba kasing ginagawa niyo dito? Atsaka dapat nauna nalang kayong kumain, nakakahiya naman kay Peter mukhang gutom na talaga" sabi ko naman.

"Sabi ni tito walang kakain hanggat di tayo kumpleto eh :<" sabi ni Maica habang tinutusok-tusok yung itlog na nasa plato niya.

"Ohhh edi tara na kainan na, ma ano pang ginagawa mo diyan maupo kana dito tatayo nalang ako kakahiya sa mga anak mo eh" sabi ko na pabiro kay mama.

"Andito kami kasi gusto ni Felix sabay-sabay tayong pumasok" sabi ni Angela out of nowhere. Sabay-sabay kaming nagkatinginan sa kanya. "Wala kasing sumagot sa tanong mo kanina, wag niyo nga kong tignan ng ganyan" sabi niya sabay iwas ng tingin samin. At dun na kami nagtawanan, baliw talaga tong si Angela lagi siyang ganyan eh siya yung madalas tahimik saming magkakaibigan laging nagoobserve lang minsan creepy pero syempre kaibigan namin kaya mahal namin yan kahit ganyan. Si Felix nga pala ay yung beki naming kaibigan pero macho ang katawan crush siya ng anak ni Aling Pacita kaya madalas nag-aaway sila ni Peter hahahaha. Ang gaga naman ay natatawa lang dahil ilang beses daw ba niyang uulitin na hindi sila talo nung babae.

"Oh tama nanga yan kumain na muna tayo, lalamig na yung pagkain masasayang pa yung pagod ng mahal kong asawa, ubusin natin tong lahat ha" sabi ni papa. Ayan sweet sweet annaman siya kay mama, isa sa maipagmamalaki ko ay napaka-sweet ng mama at papa ko kahit pa tumanda na sila hindi nawala yung love and affection sa isa't-isa, di rin sila nahihiya na ipakita yun. 

Isang magandang umaga nanaman ang nangyari, natapos na kaming kumain at hinintay nila ako dahil hindi pa ako naliligo, hindi ko naman kasalanan di ko naman alam na pupunta sila dito, usually kasi talaga pag kasabay ko sila pumasok eh mas maaga kaming umaalis ng bahay. At para lang linawin ko, hindi kami nagbubulakbol no, maaga kami umaalis kasi tumatambay pa kami kay Aling Pacita, type kasi ni Peter yung anak nun eh, and yes babae yung anak ni Aling Pacita linawin ko lang ulit hahahahah. 

Pagkatapos kong maligo ay nagpaalam nako kila mama at papa, binilisan ko nalang ang pagligo dahil alam niyo na may mga reklamador na naghihintay sakin. Pero di naman nako aangal pa dahil pag kasabay namin sila e libre pamasahe ako may sasakyan kasi si Peter kaya happy happy iwas commute kami, sa shotgun ako naka-upo wala nakasanayan lang namin. Habang nasa kotse ay napag-usapan namin yung mga hinanaing namin sa school tipikal na estudyante marami kaming problema, isa na doon yung teacher ko na napakasipag, maiintindihan ko sana kung medyo may katandaan na siya pero malakas pa mga buto niya at bata pa siya para maging tamad, papasok lang siya magsasalita ng konti at matatapos ang oras namin na puro kami sulat. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How did we end up here?Where stories live. Discover now