Chapter One

298 95 105
                                    


Manghang-mangha ko siyang pinanood habang tinutugtog ang intro ng kanta. Kaya crush na crush ko 'to, e. Ang effortless! Lakas maka-dagdag pogi points.

"Lona?" bumalik ang diwa ko sa realidad nang magsalita si Nigo. Natawa siya sa naging reaksyon ko. Nakakatulala naman kasi talaga siyang tumugtog. Partida, intro pa lang 'yon. "Titig na titig ka naman masyado. Nakaka-conscious, hindi tuloy ako makapag-concentrate." Napakamot siya sa batok niya.

Natawa ako kasi ang cute niyang mahiya. Matagal na kami pero nahihiya pa rin siya sa'kin?

"Ano'ng gusto mo? Tumalikod ako? E para nga sa'kin 'yan," biro ko kaya natawa siya. Iyong tawa niya na kahit marinig mo lang ang saya mo na rin. "Natutuwa lang talaga ako kapag tumutugtog ka para sa'kin."

Ngumiti siya at pinagpatuloy ang pagtugtog ng intro. The way he expertly strums and pluck the strings, it's like his fingers were meant to play the guitar. The music he creates was hypnotizing. I love how he spontaneously exert passion. Talent at its finest.

'Alam moba na hindi kita magugustuhan kung panget ang ugali mo.

Kaya sinta sana ay wag kana mag taka kung bat napa-ibig sa'yo.'

Kinanta niya ang unang linya nang nakangiti habang nakatingin sa akin. Sobrang boyish ng ngiti niya kaya 'di ko mapipigilang mapangiti. Feeling ko tuloy teenager ulit ako.

Ito iyong tingin na nakaka-huramentado ng sistema. Ang sarap talaga pakinggan ng nakakahumaling niyang boses. It was as if the world around us disappeared into thin air. All I could hear was his voice and all I could see was him and his contagious smile.

'Ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno. Ako ang demonyong gagabay sa iyo pabalik sa langit. At habang tayo ay paakyat,'

Kumunot ang noo niya at napapikit, punong-puno ng emosyon ang pagkanta nito. Saka siya dumilat at tumingin sa mga mata ko bago kinanta ang susunod na linya.

'Ako'y napa-ibig sayo.'

"Sarap naman sa heart," komento ko na kaya tipid naman itong natawa habang tuloy pa rin sa pagtugtog.

'Nakita kita sa isang magasin dilaw ang iyong suot at buhok mo'y green. Sa isang tindahan sa may Baclaran , napatingin, natulala sayo iyong kagandahan.'

'Ikaw ay prinsesang na napadpad sa malayo. Ako ang aliping gagabay sa iyo pabalik sa palasiyo.'

'Habang tayo'y naglalakbay ako'y nahulog lalala sa iyo."

Bawat kulot at tono ng pagkaka-kanta niya ay parang hele na makakapag-pahimbing ng tulog mo. Ganoon kaganda para sa'kin ang boses niya.

Nakakatuwa na kumakanta pa siya para sa'kin. Ang hirap paniwalaan na mahal na rin ako ng taong mahal ko na tinatanaw ko lang dati sa malayo.

''Ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno. Ako ang demonyong gagabay sa iyo pabalik sa langit. Habang tayo ay paakyat.'

Kumunot ulit ang noo nito na para bang may mapait na alaalang pumasok sa isip niya. Ramdam ko ang lungkot sa pagbagal ng tono ng boses niya.

'Ako'y napaibig sayo.'

Hindi ko nakaligtaan ang butil ng luha na kumawala mula sa mata niya nang tapusin niya ang kanta. His sad expression was quickly replaced with his sincere smile.

I leaned close to him to press my lips against his. Mabilis at simpleng halik pero napangiti ko ulit ito. Sa isang kanta lang, kuhang-kuha na niya agad ako. Ganoon ako karupok pagdating sa lalaking 'to.

"Bakit 'yun ang napili mong kanta?"

"Halika nga rito." Ginabayan niya ako at pina-upo sa tabi niya sa malambot at maliit niyang kama. Sinandal niya muna ang gitara sa cabinet saka kami sumandal sa pader. Nang ikulong niya ako sa bisig niya saka ako sumandal sa dibdib nito.

"Kasi rati isa lang ako sa halos isang bayan mong taga-hanga." Inirapan ko ang exaggeration niya na tinawanan niya lang.  "Pakiramdam ko hindi mo deserve 'yung katulad ko. Mabait ka na magandang mestiza tapos talented, sikat, at mayaman." Niyakap ko siya sa beywang nang marinig ko ang lungkot sa boses niya.

"E ako? Parang napakalayo ng pagkatao ko sa mga tipo mo. Kaya sobrang saya ko ngayon kasi napakaswerte ko na ako ang pinili mong mahalin," paliwanag niya kaya tumingala ako nang konti para masilip ang mukha niya.

Hindi naman siya pangit. Ang liit lang ng tingin niya sa sarili dahil siguro hindi bumebenta ang morenong itsura nito sa mga kababaihan sa amin dati. Mas nagugustuhan kasi nila ang mestizo o may halong banyagang lahi.

"Naalala ko rin kasi na walang-wala akong panama sa ex mo. Mestizo, mayaman, basketbolista tapos sikat. Pasok na pasok sa standards mo. Pero no'ng nakita ko kung paano ka niya niloko at pina-iyak? Parang ako pa 'yung mas nasaktan."

Tumungo ako nang may sumagi sa isip kong mapait na alaala. Naging malungkot ang ngiti ko dahil doon. Marahan niya akong tiningala para ibalik ang tingin ko sa kaniya . "Kaya salamat. Kasi kahit isa kang anghel, nagmahal ka pa rin ng demonyo. Isang maharlikang prinsesa pero pinili mopa ring mahalin ang isang alipin."

"Hindi ka naman demonyo ah? Sobrang bait mo nga e," komento ko kaya natawa siya. Ang seryoso niya kasi masyado.

"Hindi naman kasi literal na demonyo. Kumbaga, kahit napakalayo ng agwat ng antas natin sa buhay, at kahit napakalayo ko sa standards mo, ako pa rin 'yung minahal mo. Dati nga naduduwag akong mahalin ka kasi pakiramdam ko hinding-hindi mo'ko mapapansin."

Malungkot niya akong nginitian. Marahan kong hinawakan ang pisngi niya, hinawakan niya naman ang kamay ko. "Noong nasira ako, inayos mo'ko. Noong mag-isa ako, sinamahan mo'ko. Noong malungkot ako, pinasaya mo'ko. Alam mo, feeling ko ako talaga 'yung alipin. Nabibihag mo kasi ako sa mga simpleng salita at kilos mo kaya mas minamahal kita araw-araw."

"Tsk." Tipid siyang natawa. "Ang cheesy naman natin." Natawa rin tuloy ako. Siguro kung may nakikinig sa amin, baka namatay na sa sobrang cringe. Ganoon din naman ako rati pero iba talaga kapag in-love ka na.

Nilapit niya ang sarili sa akin saka ipinagtagpo ang mga labi namin. Nang bumitaw siya, nginitian namin ang isa't isa. Ang sarap sa pakiramdam ng ganitong pagmamahal. Iyong masaya ka kasi kontento ka. Sumandal ulit ako sa dibdib niya at natahimik kami sandali.

"Nanibago nga ako sa'yo rati e. Kasi kadalasan gusto mo akong makita maglaro at mag-practice ng basketball. Pero no'ng tinanong kita ulit kung ano'ng gusto mong gawin natin, nag-suggest ka bigla na kantahan kita."

"Bakit naman hindi?" tanong ko kahit alam na alam ko na ang sagot.

"Mas hilig mo ang modernized or kpop na music, 'di ba? Tapos gusto mo rin matuto ako mag-basketball dati para mas maging active ako sa sports. Kaya nagpursige akong matuto kasi syempre ikaw nag-request, e."

Tumawa ako para maitago ang lungkot na naramdaman. Bakit ko pa kasi tinanong?

Ex mo naman kasi ang mahilig sa basketbolista at kpop. Hindi ako, Nigo.

Mas pinili kong sarilihin ang mga naiisip. Ayoko ng problema. Okay na 'tong huwag ko na lang pansinin iyong sakit. Balewalain ko na lang. Ang mahalaga mahal niya ako, mahal ko siya, at masaya kami.

"Sa gitara naman talaga tayo nagsimula, 'di ba? Kasi hinarana mo'ko?" pagdadahilan ko.

"Oo, puwede rin. Doon ako nagsimula manligaw pero napa-oo kita no'ng nanalo kami sa basketball noong intrams," tugon niya. Napangiwi na lang ako nang maalala ko 'yun.

"Oo nga," pag sang-ayon ko na lang saka ako bumangon. "Ano'ng puwedeng matamis na kainin?" paglalayo ko sa usapan.

"Ay, oo nga pala, bumili ako nung paborito mo. Nasa bag ko." Kinuha ko naman agad ang bag niya at binuksan ito. Binuklat ko ang plastic na nasa loob at nakita ang strawberry yogurt.

Mapait akong natawa. Hindi naman niya mapapansin kasi nakatalikod ako sa kaniya. Ex niya ang mahilig sa yogurt, hindi ako. Bakit ba hindi na lang ako masanay? E isang taon naman na siyang ganiyan.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko kasi maiwasang isipin na sana puwede ko ipamukha sa kaniya na hindi ako ang ex niya, at sana kilalanin niya naman ako bilang ako.

Huling HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon