Chapter 2

368 14 12
                                    

Second Day

Franki's POV

Hayst! Hirap magadjust sa new school ugh! Bakit kasi lumipat pa kami ng bahay? Grr inis na ako. Wala pa tuloy ako kaibigan dun. Ugh! Makabangon na at makaligo na at maghanda na pumasok sa school.

End of Franki's POV

Diana's POV

"Good morning Diana!" Nakatanggap ng text si Diana galing kay Sky, yung kaniyang manliligaw simula noong 3rd year sila. Inis na inis dito si Diana kasi ang kulit at ayaw tumigil sa kaniya pangungulit. Kaya hindi niya pinansin ang text nito at nagpatuloy sa pagaayos at maghanda para pumasok.

End of Diana's POV

Pumasok na nga si Franki at inihatid siya ng kanilang driver. Nakasabay ni Franki pumasok at maglakad si Diana. Parang nagkakahiyaan sila pero biglang nagGoodmorning si Franki kay Diana.

"Uhm Hello Goodmorning, Diana right?" tanong ni Franki

"Yes I'm Diana. Good morning din. Uhm papasok ka na ba sa room? Tara sabay na tayo"  ang sabi naman  ni Diana

nagtungo na sila sa kanilang room at nagsabay sila pumasok. Agad namang naupo si Diana sa kaniyang upuan at kinuha ang cellphone at earphones nito. Si Franki naman ay naupo at nagcellphone na lang din. Hanggang sa dumating na sina Mae at Kiara ay bigla naman tinanggal na ni Diana yung earphone niya.

"Hoy Diana! Bakit di mo kami inantay sa labas bago ka pumasok?" tanong ni Mae

"Tagal niyo kasi at sawa na ako maghintay kaya pumasok na lang ako mag-isa at nakasabay ko na din tong si Franki" sagot ni Diana

"Hmmm sabay pala kayo ha. Yiee" ang panglokong sabi ni Kiara

"Hi Franki! How are you?" tanong ni Mae

"Hello Mae, I'm fine naman." sabay smile ni Franki

"Bakit di ka na lang sumama samin Franki?" tanong ni Kiara

"Nahihiya ako e" sagot ni Franki

"Sus wag ka na mahiya, open ka sa barkada namin" sagot ni Diana

"Welcome na welcome ka sa Barkada namin Franki kaya sumama ka na lang samin" dagdag ni Mae

"Sure sige na nga. Salamat sa inyo" pasasalamat naman ni Franki sa tatlo

Bigla naman dumating na ang kanilang first subj teacher at agad na nagklase ito. Pagkatapos ng 4 subject ay naglunch na mga ito.

"Okay class that's all for today! Now you can take your lunch"

"Yes Lunch na din. Tara na lumabas guys" pag-aya ni Diana

"Oo tara na sa ating tambayan baka dun na nagantay sina Akie at Argel" sabi naman ni Mae

"Tara na Franki, sama na na samin simula ngayon" sabi ni Kiara

Habang naglalakad sila papunta sa tambayan nila ay bigla namang lumapit si Sky kay Diana at may binigay.

"Hi Diana, eto para sa iyo" inaabot ni Sky ang Flowers at Chocolate pero hindi ito tinanggap ni Diana

"Sorry hindi ako mahilig sa chocolates at bulaklak" sagot ni Diana kay Sky at nagderetsong maglakad papunta sa tambayan nila

Bigla naman napasigaw at inasar si Sky ng kaniyang mga kaibigan na sina Gino, Wealand at Banjo. At nagHi naman etong si Gino kay Kiara at si Kiara parang kinilig kasi crush niya si Gino simula noong 2nd year.

napatanong naman si Franki "nililigawan ka ni Sky, Diana?"
sumagot si Diana " No, hindi ah. At hindi ako nagpapaligaw"
bigla naman sumingit si Mae "kasi siya ang nanliligaw" at tumawa si Mae at Kiara
"Hoy Mae ikaw talaga palagi mo ako trip at ikaw naman Kiara, kinilig ka lang sa crush mo e yieee" pabirong sbi ni Diana

Nakarating na sila sa tambayan nila at nandun nga sina Akie at Argel. Pinakilala naman ni Mae si Franki kay Akie at Argel.

"Franki this is Argel and this is Akie our friend" sbi ni Mae
"Oh hello guys" kumaway si Franki sa dalawa

At bigla naman naupo si Franki sa tabi ni Diana at kinausap naman ni Argel si Diana. Si Akie naman ay busy sa kanyang gf.

"Diana, magtraining ka ba ng Basketball? Kasi may nakapagsabi sakin na next week na daw simula training natin e" sabi ni Argel
"Oo, buti nasabi mo kasi wala pa nakakapagsabi sakin." sabi naman ni Diana
"Sabi ni coach ay pipili na daw ulit siya sa inyo ng new captain ball, siguro ikaw na yun" dagdag pa ni Argel
"Lul malabo na ako yun hahaha baka si Mia pa yung mapili" sagot ni Diana
"Malay natin, malay mo ikaw? Edi libre mo kami lahat?" sbi ni Argel
"Nyenye bahala na kung sino basta malabong ako yun kaya walang libre hahaha" sagot ni Diana

Bigla namang nagulat at namangha si Franki kay Diana

"Wow, basketball player ka pala Diana? Wow ang galing naman" sabi ni Franki
"Oo, simula pa bata ako naglalaro na ako niyan hanggang ngayon" sagot ni Diana
"Franki alam mo ba magaling yang si Diana, lalo na kung napanood mo noon mga laro niyan" sabi ni Kiara
"Oo nga, Ms. MVP namin yan tapos ngayon ay Ms. Captain Ball na pag siya napili" dagdag ni Mae

Malapit na magring ang bell kaya silang apat ay nagpaalam na kina Akie at Argel para pumasok na sa room. Pagdating nila sa room ay agad naman silang naupo sa kanilang upuan. Pagkatapos ng 3 nilang subject ay dismissal na.

"So san tayo ngayon?" tanong ni Mae
"Ewan ko sayo, masyado kang gala Mae" sabi ni Kiara
"Past ako ngayon may ayusin lang ako sa bahay namin guys" sabi ni Diana
"Guys una na nga pala ako sa inyo. Thank you" ang paalam ni Franki
"Uy Franki, wait mo na ako sabay na tayo palabas" sabi ni Diana at bigla namang inasar nina Mae at Kiara si Diana
"Yieee san kayo punta ha?" ang pabirong tanong ni Mae
"Ikaw Diana pasimple ka din pala e hahaha joke" pabiro din sabi ni Kiara
"Hoy ano ba kayo, baka kung ano isipin nitong si Franki oh. Hahaha siya sige Bye na sa inyo"'sabi naman ni Diana
"Bye guys!" paalam ni Franki

At sabay na nga lumabas si Franki at Diana. Nung makarating na sila sa may gate ay nandun na sundo ni Franki at tinanong naman ni Franki si Diana kung sasabay na sa kanya.

"Diana, sabay ka na sa amin? Mukhang parehas lang naman tayo ng way na pupuntahan" aya ni Franki
"Nako nakakahiya Franki" sagot ni Diana
"Wag ka na mahiya, magkaibigan na naman tayo diba? Haha" sagot ni Franki
"O sge na nga, salamat ha" sabi ni Diana
"Nako wala yun" sagot naman ni Franki

Habang nasa byahe sila ay nagkakwentuhan naman silang dalawa about sa kanilang buhay at mukhang magkakilala na silang dalawa. Hanggang makarating na sa bahay ni Diana at nagpaalam na ito kay Franki.

"Maraming Salamat Franki, bye! Bawi ako sayo next time. Ingat kayo" sabi ni Diana
"Wala yun, Sure sige. Bye!" sagot naman ni Franki

At nakarating na nga si Diana sa bahay nila at nagpalit na ng damit at deretso nagpunta sa kanyang kwarto at nahiga. Nagcellphone siya at sinearch ang pangalan ni Franki sa Facebook at iniadd. Pero wala pang sampung minuto ay inaccept na ito ni Franki.

Diana's POV

Chinat kaagad niya si Franki at nagpasalamat. "Hi, thank you ulit sa pagpasabay sakin ha. Basta bawi ako sayo next time"
Bigla namn nagreply si Franki ng "Nako wala iyun. Sure sige asahan ko yan hahaha"
at nagpatuloy ang kanilang paguusap hanggang gabi.

end of Diana's PoV

To readers

Hi! Sana okay lang po itong gawa ko. Sana magustuhan niyo!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon