Ang Tunay na KWENTO Dito SaVIDEO ito :'(
https://www.facebook.com/video.php?v=703644959702875&set=vb.100001721313458&type=3&theater
PART I
Ako po si Johnny P. Mauricio, 37 years old anak ni Salvacion P. Mauricio na humiram nang ambulansya. Mga bandang 4:30pm, kami ay pumunta sa Barangay San Jose upang humiram ng ambulansya kasama ko ang aking pamangkin na si Seychelle. Pag dating namin sa Barangay San Jose nakausap namin ang isang tanod at ang sabi wala yung ambulansya kasi may hinatid na pasyente. Pag kagaling sa barangay tumungo kami sa tanggapan ng ang “RESCUE ANTIPOLO OR CITY DISASTER RISK AND REDUCTIONS MANAGEMENT OFFICE” para humiram ng ambulansya, may nakausap akong staff ang nametag ay JUNIO at ang sabi ay hindi pwedeng ilabas o hiramin ang ambulansya sa labas ng antipolo kasi may protocol daw silang tinatawag. Ang sagot ko naman ay, emergency po ito Sir at ngayon ko lang narinig na kailangan ng protocol para humiram ng ambulansya at hindi ito pwede ilabas ng Antipolo kamo “OUT OF LINE” mga wika ni Junio na rescue. Sabi ni Sir Junio sa Community ako humiram. Tumalikod nalang ako sa pag kadismaya at hinabol ako nitong si Junio at ang sabi kausapin ko daw yung sir nila ang sagot ko naman hindi na po kasi sabi nyo sa community ako humiram sabi nya kausapin daw yung sir nya at subukan humiram ng ambulansya at dahil sa emergency ang nangyayari tumungo ako agad-agad sa Community para subukan humiram ng ambulansya, nakausap ko yung isang staff na kailangan magpaalam sa nakaduty na doctor ng makausap ko ang doctor maraming tinatanong at mga kondisyon pero pumayag na ako dahil sa emergency na po talaga at sa huli dahil pumayag na ko sa mga kondisyon nila pumayag na din sila, na pahiramin ako ng ambulansya, pumunta na kami sa bahay upang maisugod na sa hospital ng quirino ang nanay ko pero sa kasamaan palad hindi na namin sya naabutan buhay, kung nag pahiram lang sana ng ambulansya agad agad at hindi naging mailap ang pakiusapan sa pag papahiram ng AMBULANSYA sana buhay pa ang nanay ko at kapiling pa sana namin sya.
PART II
Ako po si Mary Michelle M. Edralin, 22years old , na isa sa kamag anak na nag patawag ng ambulansya noong ika-17 ng Agosto 2014 sa oras na 4:30pm sa kadahilanan nahihirapan ng huminga ang aking lola at nilalabasan na ng dugo po ang kanyang NGT, kaya dali dali na naming pinatakbo ang aking kapatid na si Seychelle M. Edralin at ang aking tiyo na si Jhonny P. Mauricio , upang humiram po ng ambulansya ? inuna po nila pinuntahan ang Barangay San Jose pero sakasawian palad wala na po duon ang ambulnsya , kaya dali dali ulit sila tumakbo sa mas malapit na may ambulansya at ayon nga po ang “RESCUE ANTIPOLO OR CITY DISASTER RISK AND REDUCTIONS MANAGEMENT OFFICE” bandang 4:45pm po sila nanduon para humiram ng ambulansya at nakausap po nila ang staff nito na ang nameplate ay Junio at sinabing hindi daw po pwedeng ilabas o hiramin ang ambulansya palabas po ng Antipolo City sa kadahilanan na may protocol daw po silang tinatawag po at sabi po ng tiyo at ate ko po, Sir EMERGENCY NA PO ITO, at sabi po ng tiyo ko ngayon ko lang narinig yan na kailangan pang iprotocol para mahiram ang ambulansya at hindi daw po pwede ilabas ng Antipolo City kasi daw po “OUT OF LINE” at sabi nung Sir Junio po sa aking tiyohin sa Community daw sila humiram, sa sobrang pag mamadali nila tumalikod na sila sa pagkadismaya at hinabol ni Sir Junio si tiyo at sinabing kausapin muna ninyo ang sir namin at sumagot po ang tiyo ko na huwag na po dahil nag mamadali sila dahil emergency at matatagalan sila kung sino-sino pa ang tatawagin o kakausapin, at napilitan tumakbo ang ate ko at tiyo ko sa Community at pag dating duon nakipag usap din sila at nakipagdebatihan pa ng mga ilang minuto pero sa awa ng Diyos na pahiram sila, pero pag dating ng ambulansya sa bahay wala na ang lola “SALVACION P. MAURICIO” hindi man lang na naisakay ng ambulansya dahil sampong minuto pa lumipas bago dumating ang ambulansya sa aming tahanan.
At pag baba ng tiyo ko sa ambulansya ng community sabi nya una kaming lumapit sa “Barangay San Jose” pero wala dun iyong ambulansya kaya naman napilitan kami pumunta ni seychelle sa malapit na rescue sa may “CITY DISASTER RISK AND REDUCTION MANAGEMENT OFFICE” at ayon nga ang hindi nag pahiram sa amin kahit sinabi nanamin emergency at doon na po ako nag salita sa tiyo ko na tara tiyo John puntahan natin yan sinasabi mong hindi ka pinahiram at ng matanong ko sila bakit hindi sila nag pahiram ng ambulansya samantalang emergency na at ano yong “PROTOCOL” na sinasabi nila at yong “OUT OF LINE” at sabi sa tiyo ko hindi daw pwede ilabas ng Antipolo ‘ang wika sakanya ng isang staff ng CDRRMO na si Sir Junio at sabi ko sa tiyo ko dapat natin yan malaman dahil pangalawang beses na nila tayo natanggihan parang hindi na tama yon