Sammy's POV
Hello! I'm Sammy Claire Reyes. Ang pinakamaganda at mabait kong mommy ay si Claire Reyes. My handsome dad is Sam Reyes.
Wala akong mga kapatid. Ako ang nag iisang anak nila, kaya spoiled ako. Lahat ng gusto ko makukuha ko talaga dahil lahat ng gusto ko ibibigay sa 'kin ng mom and dad ko.
Naging spoiled ako, hindi ko gusto 'yun ngayong malaki nako, dahil narealize ko na hindi talaga magandang tingnan 'yung batang spoiled.
Sinubukan kong magbago dahil palagi akong sinusuway ng mga bestfriends ko, pero maldita pa rin ako.
Pero na lessen naman na ang pagka spoiled ko dahil sa kanila.
Dalawa ang bestfriends ko. Si Lalaih cousin & bespren ko. Si Lynna na bespren at parang sister ko na rin, dahil magkasama kaming lumaki.
Hayy nako grabe nabubwesit na talaga ako, bakit ba ang bobo ko sa math! Busett talaga.. Bakit ba 'ko pinanganak sa mundo na bobo sa math!! Ewan ko ba kung bakit ang pamilya ko ay mga matalino sa math, samantalang ako.. Okay move on na....
"Hoy! " si Lynna
"Oh! " sagot ko
"Ang tagal mo namang matapos d'yan! "
"Eh pano alam mo naman na diba na bobo ako? "
"O-Oo nga, pero bilisan mo na, iiwanan ka talaga namin ni Lalaih " wow talaga 'tong si Lynna, 'di ba pweding magsinungaling nalang siya para 'di naman ako masaktan! Busett... Pero hindi naman talaga gan'yan c Lynna, nag iinarte lang siya dahil gusto niyang ipakita sa'kin na nagbago ang kanyang ugali at pakikitungo sa'kin dahil may nagawa akong kasalanan sa kaniya 1 month ago. Hindi nga niya ako pinapansin for 1 week. After that, sinubukan ko talaga siyang kausapin at nag sorry ako ulit. Naiintindihan ko siya pero sometimes nga lang nakakainis na talaga. Kahit napatawad niya 'ko, eh parang pilit nga lang naman. Pero okay na 'yun.
"Grabe! Bobo ba talaga ako? Ha!? " Naiinis ako sa kanya
"Ikaw na nga nagsabi 'di ba?!" Sinigawan niya 'ko
"Umalis ka na nga! Iwan nyo na 'ko. Putsa! " pinaalis ko na siya.
"Okay! Bahala ka sa buhay mo!! "
Iniwanan niya talaga ako. Busett..
Hayy nako, kelangan ko na talaga tong tapusin at aawayin ko si Lynna! Pero, pa'no? Grabe ang hirap naman talaga.. Lord, tulungan mo 'ko.
"Oh.. " bulong ng isang lalaki.
Binigyan nya ako ng papel. Ano to? Binuksan ko ang papel at nakita ko ang mga formula at answers sa test namin ngayon. Ooohh.. Oh my God. Mag ta-thank you ba 'ko? o ano?. Natulala ako, eh paano sino ba namang tanga ang magsa-share ng sagot?! At baka pinagtitripan lang ako nito. Baka mali mali pa 'tong sagot na binigay n'ya. Yari na talaga.
"A--ahh wag na. Kaya ko naman eh." Pabebe kong sagot. "Tanga mo Sammy binigyan ka na ng sagot umayaw ka pa." Sagot ng maldita kong isip. Hindi ako tanga no? Mas tanga ako kung tatanggapin ko!
"Oh sege, bahala ka... " sagot ng lalaki.
"Ahh, ano-.. " tatanungin ko pa sana siya kung anong pangalan niya. Eh, nakaalis na siya. Bastos.
At sa wakas, natapos na rin ako. Bahala na si Batman sa mga sagot ko. Hehehehe.. Pagkalabas ko ng room, hinanap ko 'agad ang mga kaibigan ko. Pero wala sila. Saan ba kayo nagpunta? Mga alien? Putsaa.