LYNNA'S POV
Gusto ko nang umuwi, sasabihin ko nalang sa kanila na tinatawag na ako ng kalikasan. Nakakainis naman kasi si Sammy eh. Hindi ko na sinabi sa kaniya na uuwi na kami ni Lalaih. Iniwanan ko siya sa classroom at niyaya ko si Lalaih na umuwi, hindi man lang niya tinatanong kung bakit hindi namin isasabay si Sammy basta nalang siyang pumayag.
Habang nagmamaneho ako pauwi ng bahay naaalala ko pa rin 'yong mga masasakit na nga salitang binitiwan ni Sammy sa akin noong nakaraang buwan. Hindi pa rin ako naka move on kahit nag sorry na siya sa'kin at pinatawad ko na siya.
-FLASHBACK-
"Really!? Mom? You're going to buy that car for me? " I can't believe that mom's going to buy me a very expensive car! While nag titingin tingin si mom sa isang magazine., nakakita siya ng napaka gandang sasakyan! And tinawag niya ako para sabihin sa'kin na she's going to buy the car for me. Of course nagulat ako!
"Yes baby! Why? Ayaw mo ba? "
"Eh, ano kasi mom, parang ang mahal naman yata ng car na 'yan"
"Ano ka ba? Kaya ko namang bilhin 'yan for you. "
"Mom! Malayo pa 'yong birthday ko! "
"Hindi naman to birthday gift ko sa 'yo, iba din 'yong para sa birthday mo. "
"Mom! "
"Halika nga dito! " hinila ako ni mommy palapit sa kaniya at niyakap. Hinalikan ko si mommy sa pisngi.
"I love you so much, mom! Thank you talaga for everything! "
"I love you so much din anak! "
"Ma'am Claire at Ma'am Lynna, kain po muna tayo. " tawag ni manang Flor sa amin para kumain ng breakfast.
Pumasok na nga kami ni mom sa loob. Umupo na kami sa kaniya kaniyang chair. Masaya kaming kumakain habang nagkukwentuhan,as usual si Lalaih na naman ang bida sa kwentuhan.
Nang nabanggit ni Lalaih si Sammy natigilan kami at napansing wala pala siya sa hapag kainan kasama naming kumakain.
"Teka, nasaan nga pala si Sammy? " si Lalaih.
"Manang, hindi mo ba natawag si Sammy para kumain? " tanong ni Dad.
"Wait lang po, pupuntahan ko po-" hindi ko siya pinatapos sa kaniyang sasabihin.
"Ako na, ako nang pupunta sa kaniya. " presinta ko.
Umakyat ako at pumunta sa room ni Sammy. Kinatok ko ang pintuan niya ng tatlong beses at binuksan niya agad ito.
"Sam-"
"Ano? Masaya ka na? Napakasaya mo siguro, ano? "
"What? What are you talking about? "
"Ayan, d'yan ka magaling eh, sa pagkukunwari! Napaka plastic mo talaga! As if naman, hindi mo alam?! "
"Hindi ko alam kung anong kasalanan ko, Sammy! Ano bang pinagsasabi mo? "
"Hindi mo alam? Hindi mo alam na nagpaka bida bida ka? 'Di mo alam 'yon? Nagseselos lang naman ako sayo! "
"Ano bang pinagseselosan mo? "
"Narinig at nakita ko kayong dalawa ni mommy kanina sa garden. "
" Ahh, Sammy. . tungkol ba ito sa sasakyan? " ito lang naman ang pinag uusapan namin ni mommy kanina.
"Yes! Oo! Why? Bakit? Bakit ikaw 'yong unang naisip ni mom na bilhan nang car na 'yon? Eh, gustong gusto ko 'yong car na 'yon eh! It's my dream car! Ako dapat ang bilhan niya ng car na 'yon! Dahil ako ang nag iisa niyang anak! Ako! " turo niya sa sarili. "Ako ang anak! At alam mong hindi ikaw 'yon! Napakasakit for me na parang ikaw na 'yong totoong anak dito, Lynna " umiiyak na sabi ni Sammy sa akin.
Wala akong masabi, hindi ako makapagsalita, para akong napipi. Hindi ko siya kayang sagutin. Lumabas ako sa kwarto ni Sammy at padabog ko iyong isinara.
Pumasok ako sa kwarto ko at doon umiyak.
Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit siya nakapagsalita ng ganoon sa'kin. Nag aaway naman kami noon, normal naman talaga,'yon. Pero iba 'tong sa ngayon eh.-END OF FLASHBACK-