You were everything, everything that I wanted
We were meant to be, supposed to be, but we lost it
And all of the memories, so close to me, just fade away
All this time you were pretending
So much for my happy endin-
"Hoy!! Kanina ka pa tinatawag ni Mama!!''Naputol ang pakikinig ko ng paborito kong kanta ni Avril nang kunin ng nakakatandang lalaki kong kapatid ang aking headphone "Maghugas ka na raw ng pinggan!'' dagdag niya. Tumango lang ako bilang sagot, nagmamadali naman siyang lumabas ng kwarto.
Mabilis na pumunta ako sa kusina at naghugas ng pinggan. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong lumuluha. Bigla na lamang akong nasasaktan ngunit di ko makwento't masabi sakanila. Tahimik na natapos ang aking paghuhugas at tahimik na bumalik sa kwarto namin ng aking nakakabatang babae na kapatid. Naabutan ko siyang nakahiga sa kama habang may hawak na cellphone at mayroong nakakasilaw na ngiti. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at bumalik saaking kama.
Nagpatuloy sa pagsusulat ng tula habang may headset na nakasalampak sa magkabilaan kong tenga ngunit naputol ang aking pagsusulat ng walang sabing pinatay niya ang ilaw kaya dumilim ang buong paligid. Agad agad ko namang in-on ang ilaw saaking cellphone at niligpit ang mga nagkalat na gamit at pagkatapos ay humiga sa kama't napatulala sa kisame.
Nakakatawa na Nakakaiyak?! Hindi ko masabi, Hindi ko maipaliwanag dahil mas lalaki ang problema, mas maraming masasaktan at mas maraming tanong na di ko kayang sagutin.Gusto kong takasan ang di ko alam na dahilan. Pagod ako sa mga gawaing di ko alam. Ako'y nasasaktan ngunit di ko maamin sa sarili. Gusto kong magpahinga pero di ko magawa dahil patuloy nila akong sinasaktan kaya't patuloy akong nasasaktan pero di ko sila mapigilan at iwasan. Dahil sila mismo ang mga taong minahal ko ng lubusan, mga kapwa na araw araw akong hinuhusgahan.
Nagpapawis nanaman ang aking mata na ebedensya ng katotohanan, tuluyan ng lumuha ang aking mga mata na pinipigilan ang bawat butil na lumabas. Patuloy na lumuha at bumaha ang aking mukha ng lungkot at pagkainis sa sarili. Tinatanong ang sarili
Bakit? Kaylan ako muling sasaya?
Muling tatawa?
At gigising sa umaga ng walang luha?Mga tanong na walang nakakaalam ng sagot.Pinikit ko ang aking mga mata na basa pa at pinilit ang sarili na matulog at magpahinga mula sa isang bangungot na di muling magigising pa. Tuluyan nang napagod ang aking mata't isipan kayat pinagpahinga hanggang sa nakatulog ako ng di ko namamalayan.
Nagising ako ng maaga para maghanda sa pagpasok sa eskwelahan. Kanya kanya kaming naghanda, nagmamadaling kumain,mabilis na naligo, at agad agad na umalis para di malate pagpasok sa school. Tumakbo ako papuntang fourth floor dahil andun ang aking silid aralan, Grade 9 palamang ako at labing apat na taong gulang. Agad namang bumati sakin ang aking mga kaibigan na si Alyana at Mehlanie, sila ang kaibigan ko dito sa malawak na paaralang ito. Tulad ng ibang estyudante normal lang at walang bahid ako ng kasikatan sa klase.
''Huy Pandak! Gawa mo na ba assignment mo?!'' Tango lang ang nagawa kong sagot sakanya dahil sa labis na takot. Ayaw ko kasi gumawa ng gulo dahil sa huli ako pa ren ang walang laban. ''Pakopya nga kami!''
YOU ARE READING
The Little Lady's Tiny Diary
RomanceIsang babae na pinaglaruan ng tadhana Pinagkaisahan ng mga Bathala. Ngunit lumalaban pa rin at nagsusumikap Na makamit ang kanyang mga pangarap. Pero mayrong isang trahedyang magaganap At sulosyon ay di niya mahanap. Mula sa isang 'minsang' totoong...