Date: Sept. 27, 2014
For now, one shot bs lang po muna sya, pero kung may magcomment na ituloy ay itutuloy ko naman po.
It was created because I saw a lot of good looking nurses in the hospital where I am staying right now. Boring po dito sa hospital kaya nag type na lang ako.
-----------------------------------------
Xien's POV
College palang kami nun, nung magustuhan ko si Miel. Siya kasi ang Campus price sa academy namin.
Ako naman ay isang ordinaryong studyante at simpleng babae sa campus kung saan kami nag-aaral.
HRM ang kurso ko kaya naman medyo hindi ako ganun kasexy pero okay naman ang pangangatawan ko.
Si Miel naman ay nurse student, at ang hot niya sa puting uniform niya. Siya lang ang nag-iisang boy sa course na yun dahil yung iba ay beki at the rest are girls na.
Graduate na kami pero di parin ako napapansin ni Miel. Isa na siyang nurse sa isang kilalang hospital dito sa Pinas at ako naman ay nagmamanage ng hotel and restaurant ng parents ko.
Kapag may konti lang akong nararamdaman ay pumupunta na ako kaagad sa hospital kung saan nagtatrabaho si Miel at duon ay nasisilayan ko yung gwapo nyang mukha.
Like ngayon, masakit lang yung ulo ko at may konting sinat dahil sa stress sa business ay pumunta na ako sa hospital.
*****
Nakahiga ako sa kama sa isang private room ng hospital at nagpapahinga.
Hinihintay ko yung pagbisita ni Miel para icheck ang kalagayan ko ng di ko namalayang nakaidlip na pala ako.
Miel's POV
dala dala ko yung gamot para sa sinat at sleeping pills para kay Xien dahil sa kulang ang tulog at pahinga ang katawan nya.
Pagbukas ko ng pinto ng private room nya ay tulog na ito.
Pumasok parin ako sa room kung saan himbing na himbing siyang natutulog.
Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. "napakaganda mo talaga Xien'' sabi ko sa isip isip ko.