First and Last

78 34 36
                                    

Pinupunasan ko ang pawis na tumutulo sa noo ko.

Napakainit ng panahon ngayon. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa sobrang init.

Galing sa probinsya ay umuwi ako dito sa Manila para mag aral sa kolehiyo.

Habang buhat ang isang maleta at isang bagpack ay agad akong pumasok sa bagong apartment na titirhan ko.

Dali dali kong ibinaba ang maleta na hawak saka iniharap sa katawan ko ang bagpack at hinanap ang susi para makapasok na ako.

Nakuha ko agad ito saka binuksan ang pinto ng bigla akong makarinig ng napakalakas na tawa ng babae na nanggagaling sa katabing apartment ko. Binalewala ko lang ito. Marahil ay may kausap lang siya o may nakakatawang pinapanood.

Pumasok ako sa apartment saka inilibot ang paningin sa kabuuan nito. May dalawang sofa sa gilid at isang tv. Umupo ako agad saka isinaksak ang electricfan sa may tabi ng tv.

"Bwiset ka." napakunot ang noo ko ng marinig ko ang matinis na sigaw ng babae sa tabing apartment ko.

Hinubad ko ang medyas na suot ko saka sinuot ang pantalon at ang t shirt. Boxer na lang ang natira sa akin.

Agad akong pumunta sa kusina at binuksan ang maliit na ref. Wala itong laman kahit na tubig. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko dahil na rin sa init.

Kumuha ako ng damit at short sa maleta ko saka ko ito ipinasok sa kwarto ko. Maliit lang ito ngunit sapat na para sa akin.

Lumabas ako sa apartment saka ko ito nilock.

Bibili ako ng mga pagkain na kakainin ko sa loob ng dalawang linggo.

"Psst." sitsit na narinig ko sa likod ko na hindi ko pinansin.

"Snobber, psstt." sabi nito saka muling sumitsit.

Lumingon ako dito at nakita ko ang babaeng kaedad ko na may mahabang buhok at maamong mukha na nakatingin sa akin. Maliit siya pero talagang maganda ang mukha niya. Inayos niya pa ang bangs niya saka ito ngumiti sa akin.

Hindi ko pinakita ang paghangang namuo sa dibdib ko. Nginitian ko siya ng tipid at lumapit siya sa akin.

"Bago ka dito?" tanong niya sa akin.

"Oo. Dito ang sa akin." Turo ko sa apartment ko na medyo malapit pa sa akin.

"For real? Eto ang sa akin. Katabi lang ng sa iyo," sabi niya sa akin at nailang naman ako ng bigla siyang umalambitin sa braso ko habang nakangiti sa akin.

Ibig sabihin ay siya ang naririnig ko na babaeng tumatawa at nagsasalita kanina?

"Talaga? Magkapitbahay lang pala tayo," sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Ngumiti pa siya sa akin at naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

Takte! Nakakabading naman 'to!

"Oo! Saan ka ba pupunta?" tanong niya sa akin hindi pa rin tinatanggal ang pagkakahawak sa braso ko.

"Mamimili ako ng groceries." sabi ko saka ko pinasok ang kaliwang kamay sa bulsa ng suot na short.

"Yayy!! Ako din bibili sana ako kaya lang ay nakita kita. Sakto at pareho pala tayo ng gagawin." Bumitaw siya sa braso ko saka hinawakan ang pisngi niya habang sinasabi ang linya na iyon.

"Sinong kasama mo sa apatment mo?" tanong ko sa kanya natapos ang ilang pag-uusap namin. Hawak ko ang pink na payong na pinahiram niya sa akin

Now I Know | One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon