Jealous
"Layo! "sigaw ko
"Boyfriend.... Marky? "ani Mich at mas humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. "Take me back"mahinang sabi nya pero rinig na rinig ko
"M-mich! "
"Don't you love me? "sabi nya di ako nagsalita bagkus ay hinawakan ko nalang ang balikat nya at tinanggal ang pagkakayakap nya. Alam ko na kahit konte ay may nararamdaman parin ako para sa kanya pero----Sinabi ko kay Faxia---asawa ko, aayusin namin ang relasyon namin.
"K-kasal nako"sabi ko at tumalikod na sa kanya
Nakakailang hakbang palang ako ay naramdaman ko na ang pagyakap nya sa bewang ko.
"PLEASE MARKY! AKO NALANG ULIT! M-MARKY.... DI KO KAYA! "aniya at mas humagulhol
Humarap ako sa kanya, ang babaeng labis kong minahal at nagloko sakin para sa pera ay narito sa harap ko---nakaluhod..... nagmamakaawa para sa pagmamahal ko
Mahal parin kita---- "Mich"pagtawag ko nag-angat sya ng tingin "Tumayo ka na"malamig na sabi ko bago tuluyang umalis
Shit! Shit! Shit!
"Marky?" boses na gumising sa malalim kong iniisip
Napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko sya-----Faxia.
"Ayos ka lang? "mahinahon na tanong nya at lumapit sa akin
"N-nakauwi ka na pala"sabi ko
Ngumiti sya
"Ah---Oo! Hinatid ako ni Claire"aniya sabay iwas ng tingin
"S-sige, maliligo muna ako"sabi ko tiningnan nya lang ako at tumango
MASAKIT, sobrang sakit! Charot lang
Naupo ako sa kama ko at doon ay bumalik sa isip ko ang nakita ko. Ang lipstick sa pisngi ng lalaking asawa ko
Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ako ng sakit. Magkakalaman na ba? Choss
Hinayaan kong tumulo ang mga tubig sa mukha ko dahil baka sakaling magising ako. Di ko man aminin ay alam kong nasasaktan ako. Eto yung ayaw ko na sa tuwing sobrang saya ko ay lungkot naman ang kapalit. Napapikit nalang ako habang inaalala ang pagtawag sakin ni mama kanina.
"Hija"
"Ma" nakangiting sabi ko na para bang nakikita niya ang mukha ko
"Masaya ka ata" aniya
"Opo, may surprise sakin kanina si Marky hihi" tuwang-tuwang kwento ko
"Sana ay magtuloy-tuloy na ang relasyon nyo"
Sana nga.
Pagkatapos maligo ay nagsuot lamang ako ng pantulog na damit.
NAGSESELOS AKO????! OMYYYY
Loh! Sabi na kasing wag kang ma-popol sa mga kauri ni MARKY, jusko Faxia Jayceen!
Napatingin ako sa pinto ng makarinig ako ng katok "Bukas yan"sabi ko
"Faxia"nauutal na sabi ni Ky ng makapasok sya. Napatingin ako sa pisngi nya at napabuntong hininga ng makita ko na wala na don ang iniwang ebidensya.
"Hmm? "
"Pwede ba tayong mag-usap? "
"Nag-uusap na tayo"mabilis kong sagot
"I mean, yung maayos"
"Maayos akong nakikipag-usap.... Ewan ko lang sayo"sabi ko
"Faxia"
"Antok nako, good night! "Sabi ko bago nahiga at ipinikit ko na ang mga mata ko
BINABASA MO ANG
Secretly Marriage [Editing]
General FictionEveryday is a second chance. "There is only one happiness in this life, to love and be love."