Una kitang nakilala sa simbahan, tumutugtog ng gitara at sinasamba ang lumikha ng mundo. Naaalala ko pa kung paano ako pinilit ni kuya na sumama sa church na sinasabi niya.
"sige na, ako na ang bibili ng bago mong cell phone basta sumama ka sakin sa church ngayong lingo." Yan ang sabi niya nang ipag bigay alam ko sa kaniya na nawawala ang phone ko.
Dahil narin sa kagustuhan kong magkaroon ng bagong cell phone ay sumama ako sa church, hindi ko akalaing doon kita makikilala.
"Evan, music ministry." Yan ang sabi mo nung mag pakilala ka saakin. Noong una akala ko suplado ka, hindi ka kasi ngumingiti habang inaayos mo ang gitra mo pero nang makilala pa kita nasabi kong hindi naman pala.
Kung noon kaya ako sumama kay kuya ay dahil sa nkagustuhan kong mag karoon ng bagong cell phone ngayon ay iba na. gusto kitang Makita kahit isang araw lang sa buong lingo. Pero kahit madalas na tayong mag kita sa church ay hindi parin tayo mag papansinan. Nahihiya klasi akong lapitan, hanggang sa isang youth activity game ang nagging dahilan ng pag uusap natin. Nag pagame noon si ate Christine ang youth leader natin, sabi niya kailangan magaling sa math, ehh kahinaan ko panama yun.
Natatandaan ko pa nabatukan kita nun, mapanakit kasi talaga akong tao.
"aray!" sabi mo pa.
"sorry!"
"ayos lang." sabi mo nang may ngita sa labi. Alam mo ba? Yan ang pangalawang beses na kinausap mo ako.
Sa sumunod na mga lingo ay nag uusap na tayo,maliit na usapan hanggang sa lumalim at nalaman ko na ang istorya ng buhay mo, ang mga paborito mo pati narin ang ugali mo. Masaya kang kausap. Ikaw ang takbuhan ko sa tuwing may problema ako. At dahil narin sa pagiging malapit natin ay tinutukso na tayo ng mga kachurchmate natinpero alam nating hindi pa pwede.
Sa lahat ng pag babago ay si kuya ang pinaka natuwa. Inilapit mo ako sa lumikhang langit at lupa. Binigyan mo ako ng inspirasyon para purihin at pasalamatan siya. At aaminin ko hindi lang iyan ang nag bago, dahil sa simpleng atraksyon ay nahulog na nga ako sayo.
"anong problema?" iyan ang tanong mo nang isang lingo kitang hindi pinansin. A;am kong wala akong wala akong karapatan na mag selos sa kaibigan mo pero hindi ko mapigilan.'nag usap tayo, alam kong magulo akong tao pero mas nagulo ako nang aminin mang may pagtingin ka rin sakin.
Sabi pa noon "hihintayin kita,hanggang sa pwede na." – ang mga katagang iyan ang pinanghawakan ko.
Lumipas ang Segundo, minuto, oras araw, lingo, buwan, at ilan taon at nakapag tapos na rin tayo ng pag aaral, nakahanap nang magandang trabaho. Tinatanong kop sa sarili ko kung ganoonnparin kaya ang nararamdaman mo para saakin? Dahil ako? Mahal parin kita.
Madalas parin tayong mag kasama sa church. Tumutugtog ka habang umaawit ako ng papuri sa lumikha. Sabay tayong sumasamba sakaniya. Ilang buwan p[a ang lumipas, akala ko wala ka nang nararamdaman dahil wala ka nng sinasabi tunngkol sa pag ibig mo.
Hanggang sa matapos ang isang service sa church, nagulat ako nang nag abot lahat ng kachurchmate natin ng puting rosas.
"36 roses, equivalent to 36 months, sorry kung ngayon lang ako muling mag tatapat. Alam kong corny to pero aaminin ko hinintay ko kasi yung unang araw na nakilala kiita. Sa totoo lang madalas kang ikwento ng kuya mo samin at doon palang alam ko nang mabuti kang tao. Hanggang sa nakilala kita, kakaiba ka at nagpapasalamat ako kay bathala dahil pinag tagpo niya tayong dalawa. Tatlong taon na akong nag hihintay at handa pa akong amg himtay . please let me show you how I love you, can I court you?"
That was the day ive been waiting for, dahil sa mahal na mahal din kita sapat na ang tatlong taon na pag hihintay mo sakin ay sinagot narin kita.
Mabils na lumakad ang poanahon, lumipas ang 1st anniversary, 2nd , 3rd,4th, at 5th anniversary na mag kasama tayo pero ulad ng ibang mag karelasyon ay nag aaway din tayo, nag kakaroon ng hindi pag kakaunawaan pero pinili parin natin ang isat isa. Hanggang sa dumating na ang araw ng kasal, planado na ang lahat...
Mahal, hinintay kita sa tagpuan pero hindi kana umabot alam kong ayaw mo pa akong iwan,pero siguro nga kailangan ka na niya jan. masakit pero kailangan ko nang tanggapin. Sabi mo nga may dahilan si bathala sa lahat ng pangyayari.
'ta habang tinitititigan ko ang batang isinilang nang babaeng niligtas mo mula sa car accident ay unti unti ko nang natatanggap. Na tuald ni ama isinakripisyo mo ang buhay mo para iligtas ang isang taong nnangangailangan.
Mahal hintayn mo lang ako jan. pangako ko sayo susunod ako kapag kinuha na ni ama ang buhay na hiniram ko.